"Pre, iyan yung nakasagutan mo noong isang araw hindi ba?" tiningnan ko ang babaeng inginuso niya. Pababa ito sa kotse. tsk...tsk...tsk kelangan talaga five seconds na ilabas 'yong paa bago tuluyang bumaba sa kotse??
"Anong nakasagutan? siya lang naman ang nagsalita. Ako, nakikinig lang sa walang kwentang lumalabas sa bibig niya. "
Inabot ko kay Betti ang trenta pesos na bayad namin sa kinain naming lugaw. Nakakagutom kaya nag karenderya nalang kami.
"Ang ganda rin niya eh ano? kaso muk—uy! Me kasama siya! Tingnan moooo!" Nagpatuloy ako sa paglalakad para makarating na agad ako sa school.
Panay pa rin ang kalabit niya sa akin upang tignan 'yong kasama ni Mei pero hindi na ako nag abala pa, bukod sa tinatamad akong lumingon eh.... Tinatamad ako! Wala nang ibang dahilan.
BREAKTIME
"Woi, eh aba nasaan ka na ba? bibili ka lang ng siomai inaabot ka pa ng siyam-siyam r'yan sa kalsada ah! dalian mo naman, inday. Sila pabalik na sa classroom tayo kakain pa lang!" sigaw ko kay Zayii na nasa kabilang linya. Grade 8 student kami kumbaga eh second year high school.
Dito kami sa San Jose School or SJS. Wala kaming binabayarang tuition fee bukod sa sikretong malupet namen ni Zayii, scholar kasi ako. Hindi rin ako umaasa kay mama. 'di ko talaga alam pero nahihiya akong manghingi ng pera sa kahit na kaninong tao. Mas gusto kong tumayo sa sarili kong paa kesa umasa sa iba kaya naman sinisikap kong hindi bumaba ang grado ko para naman manatili ang scholarship ko dahil kapag nawala 'yon... BOOM!!! hinto sa learn... at natatanaw ko na si zayii na naglalakad papunta sa 'kin
"I want a big house, big cars and big rings! but sasereun i dun have any big dreams ha!" kanta niya noong No More Dreams ng grupong BTS korean boy group iyon baguhan palang pero mukhang may mararating naman at isa pa palagay ko ay kumikislap si Suga HAHAHAAHAHA siya kasi ang unang nakakuha ng atensyon ko angas niya kasi.
"Bakit ang tagal mo?! Maya-maya tutunog na 'yong kinanginang bell dyaan tapos tayo hindi pa nakakalamon oh!" mangha siyang nakatingin sa akin na tila ba ay hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Ha! mader pader, ang haba kaya ng pila, ikaw kaya papilahin ko roon! Hindi na ako umimik dahil nagugutom pa rin talaga ako mula nang pag alis niya para bumili ng siomai hanggang sa makabalik siya ay nakaapat na order na ako ng spaghetti.
'Oo nga ano? Ano pa bang inerereklamo ko e nakakain na ako.'
—BELL RINGS—
Ayan na ang tunog na pinakaayaw ko sa lahat. ANG PANGALAWANG TUNOG NG BELL!!!!! senyales 'yan na kailangan na naming bumalik sa kani-kanilang silid aralan. happy time no more.
Pagpasok na pagpasok pa lang sa classroom rinig na agad ang bulungan— oo bulungan ganoon sila magbulungan naririnig pa rin. Mga nag susuklay ng buhok, kumakain ng lemon square, kumpo-kumpol na boys sa likuran habang nag she-share at titig na titig sa iisang cellphone, may nagtatasa ng lapis sa basurahan may natutulog at ang nagtatambol sa desk kahit hindi naman badjao.
ganiyan ang room namin. Siguro kasi karamihan ay hindi pa matured ang pag-iisip dahil nga 14 yearsold pa lang. HAYS... dumiretso nalang ako sa upuan ko at tumabi kay Zayii.
Nauna siyang umupo kaysa sa akin kasi mas inuna kong pagmasdan ang hitsura at pangyayari sa classroom na araw-araw ay mala impyerno lagi NAKAKA-STRESSSSS!!!!!!
Umalingawngaw na naman ang malakas na boses ng filipino teacher namin na sa miss Tungol.
"GOOD MARNEENG CLASS!!!!"Nagtayuan silang lahat at nag bow. Oo sila lang, hindi ako kasama.
"Bring out your home works, our passing score is 85." nag tinginan ang mga kaklase ko. Alam ko na 'to e.
"MISS! WALA PO KAYONG PINA UWING GAWAIN SA AMIN! " sabi ng isa kong kaklase.
"Oo nga, Miss, wala po. "
"Kaya nga!"
"Baka sa kabila po kayo nag bigay ng homeworks, Niss!"
'Mga loko talaga'.
Ang totoo niyan ay may pinauwing gawain si miss pero dahil kaunti lang ang nakaalalang gumawa ay nagkaisa na naman sila para linlangin ang guro
"Ganoon ba? Ah, Baka nga. Oh, sige let's have our quiz instead 200 ITEMS!!!!" Tila nabingi ang tainga namin sa huli niyang sinabi.
Aba lintek na naman sa dami tapos kalahati ng quiz ay walang koneksiyon sa subject, amps! Hay buhay nga naman.
Hindi na nagawang mag reklamo ng mga kaklase ko at nagpatuloy na lamang kami sa pag sasagot.
"Number 36! what is the highest number in the world?"
"Luh! eh mader pader teka naman, Miss! Hindi naman tayo mathematics ah! ano 'yan? Why naman ganiyan, Miss bakit may number number na?!" Umalingawngaw rin sa buong classroom ang malakas at mapagreklamong boses ni zayii.
'Patay kang bata ka'.
"Aba, miss San Jose? Sino bang guro dito? hindi ba ay ako. maski ikaw ang may ari ng buong paaralang ito ay hindi mo ako pwedeng diktahan sa mga gagawin ko!" sagot ni miss tungol
"Wala naman akong sinabing ganoon miss. Eh paano ba na—"
"Sige, miss... Ituloy mo na." singit ko dahil paniguradong hahaba na naman ang sagutan nila.
tsk...tsk...tsk...--------
"GOODBYE MISS!!" sabay-sabay naming sabi bago lumabas si miss Tungol. Ang saya aba'y lintek sa score ako na naman ang highest!
"OY congrats Ulan! sana lahat naka 196 hahahahaha. "
"ligtas tayo sa homeworks, dzaii hahahahahahaha! "
"Ulan!! ang taas mo na naman, ang talino mo talaga! "
"oo nga! pahawa ako!"
Bati niyong iba kong classmate. masaya ako kasi kahit paano ay may nakaka appriciate ng hirap ko. napakababaw lang ng kasiyahan ko, may madapa lang sa harap ko hahalakhak na ako
Pahawa daw?! Aba kung sakit lang ang pagiging matalino baka hinawaan ko na buong mundo, tsk! minsan nauumay at naiinis rin ako sa kayabangan ko eh bwisit na 'yan.
"Pre! kung grats GAHAHHAHAHA mader pader bakit ako maghahangad ng 196 kung 120 items lang pasado na?GAHAHAHAHAHAH! " siraulo nito ni zayii e.
By the way, hindi lang ako natutuwa dahil sa maraming bumati sa akin. Natutuwa ako dahil paniguradong matutuwa si mama kapag ibinalita ko ito sa kaniya!
Ayon na nga eh. Ako dapat ang mangsosorpresa pero ako ang nasorpresa sa mga narinig ko pagdating ko sa bahay, ang masaklap pa si mama mismo ang nagpatunay na totoo iyon...
iyan ang huling masayang ala-ala ko. Huling beses na nakita ko si mama, huling beses na naka-apak ang aking paa sa semento ng maliit naming bahay at huling beses na pagsisinungaling sa akin ni mama. Ang inakala kong perpektong galaw ng buhay ko ay may itinatago palang sikreto sa likod ng pagkatao ko.
Ang mundong nakasanayan at pinaniwalaan ko ay puro lang pala kasinungalingang matagal nang itinatago. At ngayon, nagbago na, nagbago na lahat wala nang luha, wala nang hinagpis, walang pighati. nasanay na akong dalawa lang kami ng kaibigan ko. wala na akong sakit na nararamdaman dahil namanhid ako sa sobrang sakit ng nakaraan ko. At ang masasabi ko lang...
'MALAKI ANG MAGIGING PAGBABAGO.'
facebook: Ji Gozon
Instagram: Ji.gozon_
BINABASA MO ANG
After The Cold Rain(Part 1)
ActionCOMPLETED In a world full of lies, which one will you choose? Ang buhay na iyong kinalakhan? O ang buhay na pinagkait sa 'yo? Well, she chooses none of them. After knowing the truth behind her so called simple life, she'll try to hide the truth an...