CHAPTER ONE

75 1 0
                                    


GIO

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko, tatamad tamad akong bumangon mula sa pagkakahiga at dumaretso sa cr na siyang nasa loob din ng kwarto ko.  Pagkatapos kong umihi at makapag sipilyo ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba para pumunta sa kusina.

"Goodmorning Gio"nakangiting bati sa akin ni Manang Helen at napangiti din naman ako.

"Goodmorning din Manang, maaga po ata kayong na nagising?"nakangiting bati at tanong ko sa kaniya. Kumuha naman siya ng tasa mula at tinimplahan ako ng gatas. "Alas singko ako nagising dahil kay Señorito Trevor,  paano ay alas singko na umuwi at lasing pa,  panay ang busina ng kotse sa labas ng mansion nasira tuloy ang beauty rest ko"natatawang sabi ni Manang at hindi ko naman napigilan ang mapangiti.

"Naku, Manang kahit 60 years old ka na walang wala si Anne Curtis sayo"pagsakay ko sa biro niya at sabay naman kaming natawa.

Noong unang pagtapak ko pa lang dito sa mansion nila Tito Harold ay inasikaso agad ako ni Manang. Siya na ang naging pangalawang nanay ko. Isang taon na ang lumipas magmula ng una akong tumapak dito at naging maayos naman ang lahat.  Si Tito Harold ay tinuring akong parang anak, pinag-aral at binilhan ng mga bagong damit. Si Grandpa William ay minsan lang dumalaw sa mansion pero sa tuwing dadalawa siya ay ako ang palagi niyang hinahanap. Buong akala ko ay magiging mag-isa ako nang mawala sina mama at papa pero nagkamali ako dahil meron pa pala akong pamilya na makakasama. Pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot at mamiss sila. Ayos naman ang lahat pero si Trevor hindi, simula nang lumipat ako dito ay sinisikap niyang hindi magsalubong ang landas naming dalawa at alam ko ang rason. He hates gay and he hates me. What is the reason? Hindi ko alam. Hindi kami nagkakausap.

"Manang!?"kapwa kami napatingin ni Manang sa pinto ng kitchen ng marinig namin ang malakas na sigaw ni Trevor.

Nadatnan namin siyang hawak ang ulo niya papasok sa kitchen. Dali-dali siyang inasikaso ni Manang at inilalayan umupo sa tabi ko.  Marahil ay hindi niya pa ako napapansin dahil kung alam niyang ako ang katabi niya ay hindi siyang papayag na naroon ako sa loob ng kitchen.

"Can you make coffee? Damn hangover!"inis niyang utos kay Manang at agad naman sumunod si Manang sa utos niya. Nang matapos si Manang sa paggawa ng kape niya ay tumingin sa akin si Manang.

"Dito ka lang muna Gio ha, titignan ko lang ang labada ko"nahihiyang ani sa akin ni Manang at hindi na hinintay ang sagot ko dahil agad itong umalis.

Napakagat naman ako ng labi dahil sa kaba. Ito ang pangalawang beses na magkalapit kaming dalawa ni Trevor dahil ang unang beses ay sa kotse niya nang ihatid niya ako sa mansion. Dahil alam kong magagalit siya sa akin kapag nalaman niyang katabi niya ako ay dahang dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo.

"Where's Dad?"agad akong napatigil at napakagat ng labi nang marinig ko ang tanong niya. Kinakabahan akong lumingon sa kaniya at bumungad sa akin ng nakakunot noo niyang mukha. "What? "inis niyang tanong sa akin at napakamot naman ako ng noo dahil hindi ako makahanap ng salita para sagutin ang tanong niya. "Tss. Stupid"inis niyang sabi at inis ding tumayo dala ang mainit niyang kape. Ngayon ko lang din napansin na nakasuot lamang siya puting sando at itim na boxer short dahilan para pamulhan ako ng mukha.

Hawak ko ang dibdib ko at muling umupo dahil sa kaba. Napakagat ako ng labi at napakuyom ng kamao. Nakailang beses din akong napamura dahil sa inis. Bakit ba kasi ganun ang suot niya? At bakit ba ang rupok ko at iniisip ko na sinadya niyang suotin iyon para akitin ako? Putangina mo Gio! Ayaw niya nga sayo aakitin ka pa niya! Assuming ka masyado!

-

"Hoy!"

"Ay palaka!"napatalon ako sa pagkakaupo ng isang malalim at malaking boses ang gumulat sa akin. Mula sa likod ko ay narinig ko ang tawa ng kaibigan kong si August. Inis akong humarap sa kaniya at hinihampas ang librong nadampot ko.

"Ang epic ng itsura mo HAHAHAHAHA"pang aasar niya sa akin at masama ko naman siyang tinignan. Tumigil naman siya sa pagtawa at nag peace sign pero mapang asar pa din siyang nakangisi sa akin.

"Buti pumasok ka?"tanong ko sa kaniya at muling binaling ang atensyon sa libro na binabasa ko.

"Namiss mo ko? Miss mo ko babe?"nang aasar niyang tanong sa akin at nagtataas baba pa ang kilay niya. Sa inis ko ay malakas kong pinukpok sa ulo niya ang libro na ang kapal ay tatlong pinagsama samang libro.

"Shet ang sakit nun babe ahh"nakangiwi niyang ani habang hinihimas ang ulo niya sa parte kong saan ko siya hinampas.

"Bagay lang sayo yan masyado ka kasing assuming at isa pa dahil hindi ka nagtitino sa pag-aaral mo. Aware ka ba na puro tres at dos ang grades mo nung first sem?"nakataas ang kilay kong tanong sa kaniya at napakamot naman siya ng noo.

"Uno naman kasi dapat talaga grades ko eh, badtrip kasi si Sir Jess eh kung tinanggap niya yung project ko kahit late edi sana mataas grades ko."nakanguso niyang sabi dahilan para matawa ako.

"Malamang hindi niya tatanggapin, bukod sa late mo na pinasa mali pa ang ginawa mo. Ang sabi ko naman sayo tutulungan kita pero ikaw tong nagyabang"natatawa kong sermon sa kaniya at napanguso naman siya. "May pa-I can handle this ka pang nalalaman hindi mo din pala kaya"ani ko at napakamot muli siya ng batok.

"Babawi na talaga ako"seryoso niyang sabi at tinaas pa ang kanang kamay. "Nangangako ako na magbabago na ako"ani niya at napailing naman ako.

"Sinabi mo na din yan alam kong scam yan"ani ko at inis naman niya akong tinignan.

"Alam mo badtrip ka"ani niya sa akin at natawa naman ako. "Ano nga pa lang plano mo malapit na yung university party, pupunta ka ba?"ani niya at umupo sa tabi ko. Kinuha niya ang isang libro at binuksan iyon pero sa akin naman siya nakatingin.

"Hindi ko alam, wala naman akong hilig sa party na ganyan"sabi ko at napailing iling naman siya.

"Pupunta ako kaya dapat pumunta ka"

"At ano namang gagawin ko dun? Kakain tapos makikisayaw.  Mas gusto ko pang mag-aral buong magdamag sa kwarto ko kesa makipagsiksikan sa dance floor"ani ko at ngumiwi naman siya. Akma niyang hahampas sa akin ang libro pero inambaan ko siya ng suntok dahilan para sa sarili niya ihampas ang libro.

"Sumama ka na dali na!"pamimilit niya sa akin at hinawakan pa ang braso ko. "Madaming gwapo dun"ani niya at nataas baba pa ng kilay.

"Kailan ba yan?"nakangisi kong tanong at sabay naman kaming tumawa. Pero agad din kaming natigil sa pagtawa ng isang bola ang tumama sa paa ko.

Dadamputin ko na sana ito nang may dumampot na nito. Pag-angat ko ng tingin ay sumalubong sa akin si Trevor. Nakasuot siya ng jersey habang malamig na nakatingin sa akin. Nakita ko kung paano umigting ang panga niya at humigpit ang hawak niya sa bola.

"Follow me at the locker room"walang emosyon ngunit madiin niyang sabi bago naglakad papalayo. Wala akong nagawa kundi ang tumayo at sumunod sa kaniya. At hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa.



To be continued...

TREVOR FUEGO (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon