PrologueMarahan kong pinunasan ang luha ko at tumingala sa langit. Ngumiti ako ng mapait ng makita ang ulap sa kalangitaan, itim ito na senyales na uulan. Muli kong binalik ang atensyon ko sa puntod na nasa harapan ko at sa pangalawang pagkakataon ay tumulo muli ang aking nga luha.
"Mama, paano na ako ngayon? Papa, paano na ako ngayon? Wala na akong mga magulang iniwan niyo na ako. Wala na akong kasama, mag-isa na lang ako"kusa na lang akong napaluhod at napahagulgol ng iyak. Nanghihina ang katawan ko, ang dating malakas na Gio ay mahina na ngayo.
Kasabay ng pag-iyak ko ay ang pagbagsak ng ulan sa kalangitan. Unti-unti akong nitong binasa pati na rin ang damuhan kung saan ako nakaluhod. Marahan kong hinahaploas ang puntod ng mga magulang ko habang patuloy ang pagpatak ng luha ko.
Hindi ko kaya, hindi ko kaya na wala sila. Sila na lang ang meron ako pero bakit iniwan nila ako. Sila na lang ang tanging yaman ko sa mundong ito pero kinuha na sila sa akin.
"Akala ko ba mahal niyo ako. A-akala ko ba, hi-hindi niyo ako iiwan pero--"napatingala ako sa lahat at hinayaang matakpan ng ulan ang luha ko. "i-iniwan... ni-niyo ko"nahihirapan kong sabi.
Hinayaan kong mabasa ako ng ulan, hindi ko alintana ang lamig dahil tanging sakit lang ng pagkawala ng mga magulang ko ang nararamdaman ko sa ngayon. Hinihiling ko na sana panaginip lang ang lahat ng nangyari, kasalanan ko kung bakit sila namatay. Kung sana hindi ko sila pinilit na pumunta sa mall ay hindi kami mabubundol ng truck. Hinihiling ko din na sana hindi na lang ako iniwang buhay, sana kasama na lang akong namatay, sana hindi na lang ako nakaligtas.
Napa-angat ako ng tingin nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko. Isang lalaking may hawak ng payong na itim at malamig na nakatingin sa akin.
"W-Who are you?"humihikbing tanong ko sa kaniya pero malamig niya lamang akong tinignan. Iniabot niya sa akin ang kamay niya na siya ko namang inabot para tulungan niya akong makatayo.
"I am Trevor, your cousin. Grandpa Liam and Dad is waiting for us in the mansion. Follow me and I will take you there"walang emosyon niyang ani at iniwan akong mag isa.
Muli akong napatingin sa puntod ng mga magulang ko at hindi ko na naman maiwasan ang malungkot. Hindi ko kayang ihakbang ang paa ko paalis dahil hindi ko kayang iwan sila.
"Are you going to stay here forever? Stop crying, your tears doesn't make them alive again. Move quickly the rain is getting heavier"inis na sabi sa akin ni Trevor at napakagat naman ako ng labi bago sumunod sa kaniya.
"Trevor"tawag ko sa kaniya habang nasa loob kami ng sasakyan. Walang emosyon niya naman akong tinignan. Maya-maya ay inabutan niya ako ng puting tuwalya at pinaandar ang kotse niya.
"Dad, decided to take care of you. You're going to stay at our house."ani niya at napatango naman ako.
"Salamat"nahihiya kong ani mula sa salamin ng kotse ay nakita ko ang pag ngisi niya.
"Huwag ako ang pasalamatan mo dahil kung ako ang masusunod. I am not willing to stay in one roof with you."ani niya na siyang nakapagpatulala sa akin. "I know you are gay. And I hate gays"ani niya at hindi ko alam kong ano ang isasagot.
BINABASA MO ANG
TREVOR FUEGO (On-going)
RomantiekTREVOR FUEGO "I hate gays but damn I make you as an exception."