This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
So it's almost 11pm, late para sa usual kong uwi na 7 pm, I just have to be sure that our booth is ready for tomorrow's school fair bago umuwi. I'm riding a tricycle on my way home, sobrang stressed and exhausted, gusto ko sanang matulog kahit sandali pero baka makatulog ako nang tuluyan at makalampas sa bababaan ko and dami ko pa man ding dala dahil nasaraduhan ako ng office at locker room kaya hindi ko naiwan ang mga materials na gagamitin bukas.
Nakarating na ako sa termial at bago tuluyang umuwi ay dumaan muna ako sa isang convenience store para bumili ng chips na kutkutin mamaya habang gumagawa ng report para hindi ako antukin. Nang makauwi na ako sa apartment na tinutuluyan ko at agad na nagbihis. Yes po nagaapartment lang ako, may kalayuan kasi ang Bahay namin sa university na pinapasukan hassle naman kung araw araw akong babyahe papasok at pauwi maraming oras at energy ang masasayang unlike ngayon walking distance nalang ang apartment ko pero minsan nagttricycle pa rin kapag late na or tinatamad na ako maglakad.
After kong kumain ay inihanda ko na ang mga gagamitin kong materials para sa booth namin bukas sa school fair. Hindi naman kasi ako ang nakatoka dito pero dahil absent siya kanina at bukas na ang opening ng event ako nalang ang gagawa since ako ang club president ayaw ko naman pabayaan yung booth namin. Una kong ginawa ay ang paglalagay ng diy frame sa mga paintings na gawa namin ng mga kamember ng club ko na idi-display namin sa booth by the way artist club pala ang club namin share ko lang. Next kong ginawa ay ang pag rerefill ng mga ink ng gagamitin namin para sa temporary tatoo isang pakulo namin sa booth, next ko namang ginawa ay ang prepare ng mga materials na gagamitin din sa personalize bags and pouch na kami din mismo ang gagawa. Time check 1 am na at ang sakit-sakit na ng likod ko dahil na din sa paggawa ng booth sa school kanina, hinihintay ko lang din dumating ang kasama ko sa bahay na nasa party ngayon dahil naiwan niya yung susi niya at alam kong ako ang magbubukas ng gate at ayaw ko namang gumising sa kalagitnaan ng aking pagtulog dahil sasama lang ang pakiramdam ko. Humiga muna ako saglit sa sofa para makapag-unat ng likod habang kumakain ng chips, binuksan ko na din ang tv para hindi ako antukin. Makalipas ang ilang minuto ay may tumawag sa phone ko, at tama ang hinala ko dumating na ang roommate/bestfriend ko si Aliyah. Dali dali naman akong tumayo at pinagbukasan siya ng gate, inalalayan ko naman siya papasok dahil amoy alak na naman. After makapasok tinulungan ko lang siyang makapagbihis dahil di naman siya lasing at natulog na kami.
Morning na at kulang talaga ang tulog ko, nag set ako ng alarm ng 5 am at ngayong naghahanda ako ng breakfast namin dahil kailngan kong maging maaga sa school para sa finishing touches ng booth, nagmadali akong kumain at nagbihis ng aming club uniform I made sure na wala akong makakalimutan at maiiwan dahil kahit na malapit lang ang apartment sa school ay malaking aksaya pa rin sa oras. 7 am na at nandito na ako sa school naglakad lang ako kanina papasok, pero wala pa ding aasikaso sa booth namin pagdating ko. Myghad naman umagang-umaga nahihighblood na naman ako. Dali-dali akong pumunta sa booth at nagsimula nang mag-ayaos kahit wala akong katulong dahil kung hihintayin ko pa sila ay baka tapos na ang event eh di pa tapos ang booth na to mga peste talaga. Mga ilang minute lang din matapos kong magsimula ay isa-isa nang nagsidatingan ang mga kamember ko.
"Buti naman naisipan pa ninyong pumasok ano." Pakunwaring inis kong sabi habang pinapantay ang nilagay kong mga frame.
"Sus, eto naman si Ms. President highblood na naman kaagad medyo natraffic lang eh."
"Gaga anong traffic eh sa kabilang kanto lang bahay ninyo." Natatawa kong sagot sa kanya.
"Ah, basta bilisan ninyo para matapos natin to ng mga 9 am bago magstart ang event." dagdag ko pa.
Salamat naman dahil bago magstart ang event ay natapos na naman ang booth at naglilinis nalang ng mga kalat namin, di na ako tumulong at sila nalang ang pinaglinis ko, aba kahapon pa ako pagod. Naisipan kong maglakad-lakad muna para tignan na din ang booth ng ibang department at clubs, kailangan ko din palang puntahan ang booth ng department namin, bale medi ang department namin kaya ang booth eh connected din sa media at need ko pa nga palang iset up ang mga camera doon kaya dali-dali akong pumunta sa media booth. Nang makarating ako ay tapos na din sila at iseset-up ko nalang ang camera na kukuha sa lahat ng mangyayari mamaya, I checked the cables, batteries, mga lens at mga anggulo ng mga camera. Sa gitna ng pag-iinspect ko sa mga camera ay may kumalabit sakin kaya napatigil ako at hinarap siya.
"Hi miss, maid ka ba?" todo ngiti pa siya sakin. Napakunot naman ang noo ko.
YOU ARE READING
Made For You
RomanceWhat if you thought you already found someone that you want to spend your whole life with, and you became part of each other's life but as a friend, would you risk your friendship just to fulfill your happiness or are you willing to sacrifice and ch...