Chapter 5

3 0 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito, diba may class ka pa?" tanong ko sa kaniya,

"Pinalabas ako ng prof ko eh HAHAHA." at tawa pa siya sa lagay na yan ah, siya lang yata yung nakita kong pinalabas na masaya. Inabot niya sakin yung snack at sabay kaming kumain.

"Ano na naman ginawa mo?" pang-uusisa ko habang kinakain ang fave kong eggpie.

Instead of answering my question, he just shrugged his shoulder and let out a giggle.

"I heard, homeschooling ka daw last year, bat bigla mo naisip na pumasok na sa school?" pambabasag ko sa katahimikan.

"Uy interested siya sakin."

"What, ugh nevermind."

"Ganito kasi yu-"

"Ahhhh wala na ayoko na, I don't wanna hear it." pambabasag ko sa kanya habang winawagayway ang kamay ko sa mukha niya.

" 'To naman di na mabiro." natatawa niyang saad.

"Hi loveeeeeers." sabay kaming napatingin sa entrance ng garden at iniluwa doon ang ngiti ngiti na si Ali na agad na umupo sa may samin.

"Kumusta ang alone time nyo together?" sinasabi neto?

"Alone time tapos together?" pambabara ko

"Shhhh ang ingay mo." pambabara din sakin pabalik ni Ali.

"So san tayo, any plans?" pagsignit naman ni Chen

"Uuwi na ako, need ko magstudy ng math lesson naming baka bigyan na naman akong award ni Sir kapag di ako nakasagot bukas." bigla akong tumamlay dahil naalala ko na naman ang math subject na yun.

"Ay same, uwi na din ako kasi need ko mag-rest." saad ni Ali habang kumukurot sa eggpie na kinakain ko.

"Uuwi na kayo? Pangit nyo naman kabonding." simangot na tanong ni Chen.

"Kung bet mo edi sumama ka." Pag-aaya ni Ali.

"Talaga? Pwede sa bahay nyo?" Exited na tanong ni Chen.

"Oo naman, bakit naman hindi. Let's go na." Muling sagot ni Ali at tumayo na kaya inayos ko na din ang gamit ko at tumayo na din.

Sama sama kaming naglakad papalabas ng garden papunta sa parking kung saan nakapark ang saaakyan ni Chen. Tahimik lang kami hanggang makasakay sa sasakyan, marahil ay dahil na rin sa pagod. Andito aoo ngayon sa backseat at silang dalawa sa unahan, nakatingin lang ako sa labas nang magtanong si Chen.

"Ano gusto ninyong snack? Bili muna tayo."

"Parang bet ko ng Korean noodles and soju." Sagot ni Ali.

"Ikaw, ano gusto mo?" Napatingin naman ako kay Chen dahil sa tanong niya. Nakatingin siya sakin mula sa rear view mirror.

"Ganun nalang din, gusto ko spicy." Agad kong sagot, bigla naman ako nagcrave sa Korean food, miss ko na din kumain. Dati kasi halos araw-araw kaming laman ni Ali ng mga Korean restaurant and stall dito samin kaso ngayon medyo naging busy na haaays.

Maya-maya lang ay tumigil kami sa isang Korean food mart, bumaba kaming lahat para bumili. Kumuha kami ng ilang pack ng Korean noodles, teokbokki, gimbap at soju na sila lang naman ang iinom kaya kumuha nalang ako ng coke ko. Si Chen na naman sana ang magbabayad pero hindi na kami pumayag ni Ali, nakakahiya na kaya, palagi nalang kaming libre sa kanya tapos ngayon nakasakay na naman kami sa sasakyan nya. Kaya hinila na siya ni Ali palabas habang nagbabayad ako. Tumakbo ako pabalik sa sasakyan dahil nasa loob na sila.

After ng ilang saglit ay nakarating na kami sa apartment, malapit lang kasi talaga to, nilalakad nga lang namin minsan eh. Una kaming pumasok ni Ali dahil maghahanap pa si Chen ng vacant na parking space. Inayos namin ang sala,  hindi naman makalat kasi parehas naman kaming organized ni Ali sa gamit. Inayos ko na din sa lamesa ang mga pagkain na binili namin at nagbihis na. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko silang namimili ng movie.

"Bakit kayo manonood, mag-aaral ako eh." Taas kilay kong tanong sa kanila.

"Don't be so kj girl, ilang weeks nalang exam na naman stress na naman yan." Lumapit sakin si Ali at yumakap,  para bang nagmamaka-awa na wag ako basag trip ngayon.

"Haaays, oo na sige na. Pero Chen, until 8 pm ka lang ha." Pagsang-ayon ko, dahil sa totoo lang ayoko naman talaga mag-aral ngayon dahil tinatamad ako.

"Yeeey, thank you. You're the best." Excited na sabi ni Ali sabay yakap sakin ng mahigpit.

Made For YouWhere stories live. Discover now