Teddy's POV
Good morning pips! Pang apat na araw na namin dito sa baguio, ang dami ko naring pictures ng VhongAnne, mamaya ipopost ko na after naming pumunta sa wright park, panigurado marami nanaman akong iba't ibang anggolong kuha sa sweetness ng VhongAnne..
"Tara na tara na.."
Nagmamadaling saad ni Vice, mukang na miss niya pamilya niya sa wright park a! Haha! Nagsi sakayan na kame sa van ako ngayon ang nag da drive at katabi ko naman si Jhong.
"Bisita tayo sa the mansion!"
"Tara!"
Pag sang ayon naming lahat.
Malapit lang naman yung hotel sa wright park kaya mga bente minuto lang ay naka rating na kame.
"Horse back riding!"
Excited na saad ni Coleen.
"Manong diba pwedeng two persons in one horse?"
Tanong ni Billy kay kuya manong hehe!
"Opo ser"
Sagot ni kuya manong sumakay naman na si Coleen sa kabayo at sumunod si Billy at lumakad na si Vice. Este! Ang kabayo mukang pumaparaan to si Billy boy ah! Haha!
"Anne bat di ka pa sumasakay? Ikaw nalang hindi nakasakay."
Tanong ni Vice. Nakasakay na rin kase kami lahat maliban kay Anne mukang takot si Anne sa mga hosey ah! Hahaha! Samantalang amg hilig niya sa mga hayop sa bahay nga niya may aso, may pusa pati ibon at isda hindi pinatawad haha! :)
"I'm scared"
Sagot ni Anne.
"Sumakay ka na! Kung okrayin mo nga ako sa Showtime hindi ka natatakot sakin tapos sa mga kapamilya ko nanatakot ka? Don't worry kinausap ko sila mababait yan kaya sumakay ka na."
Bumaba naman si Vhong sa sinasakyan niyang kabayo at kinausap si Anne. Hindi nag tagal at nakombinsi na rin ni kuys Vhong na sumakay na si Anne sa kabayo. Inalalayan siya ni Vhong at sumakay naman si Vhong BICOL lang? Haha! Lumakad na yung kabayo at sumunod naman yung akin. Ang sweet naman sweet pa sa kambal na strawberry . Nilabas ko naman ang mahiwagang iPhone6 plus ko at nag selfie ako then it's time to take a pictures!
30 minutes lang ang ginugol namin sa wright park at kumain muna kami bago pumunta sa the mansion kaya lang..
.
.
.
.
.
.
.
.
Saklap! :3 umulan! Kaya hindi nalang kame tumoloy sa the mansion napa aga tuloy uwi namen.
Vhong's POV
4 points for Navarro! Haha! Ang cute kanina ni Anne ngayon ko lang nalaman na takot pala siya sa mga kauri ni Vice haha! Kaya ayun sinamahan ko nalang, wala naman ng ibang mag vo-volunteer na samahan si Anne kundi ako. Meron naman kaya lang ayaw naman nila, tulad ni Vice ayun na una na may pag memeetingan ata sila ng mga ka uri niya, si Karylle naman hindi din kasunod nga nila Billy yun e. So no choice na ayaw nila pero ako gusto ko kaya ako nalang ang sumama kay Anne.
Hindi pa tuloy kame naka punta sa the mansion umulan kase e! Wala tuloy sa oras pag uwi namin. Pag dating namin ng hotel ay nag si akyatan muna kame sa mga kwarto namin para mag pahinga..
"Ang dami kuys ah!"
Text ko kay Teddy ang dami namang nagkalat na pictures namin ni Anne sa IG! To talagang si Teddy oh! Mabuti nga hindi ngagagalit si Tanya sa mga nagkalat na pictures namin ni Anne e. Si Erwan kaya?
"Sagutin ko lang to ah!"
Nakakagulat naman tong si Anne bigla kaseng nag sasalita. Nginitian ko nalang siya at lumabas na ito ng kwarto. Tinext ko naman si Tanya, namimiss ko na rin kase eh!
To: Tanya♡
Kamusta ka na mahal? Kumain ka na ba?
From: Tanya♡
Okay lang ako mahal! :) kakain palang kame.
To: Tanya♡
Kame? Diba wala kang pasok ngayon?
From: Tanya♡
Sabay sabay kame nila Yce, Bruno at Chen pati si Ambi. Ikaw kumain ka na ba diyan?
To: Tanya
Opo mahal kumain na ako :). Sige na mahal di ko na kayo iistorbohin kumain! Ingat kayo diyan love you! :*
From: Tanya♡
Sige mahal, ingat ka din dyan ah love you too.
Pagkatapos ng conversation namin ni Tanya bumaba muna ko saglet para mag hanap ng mangangatngat sa kusina.. May narinig naman akong umiiyak
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Anne bakit ka umiiyak?"
Tanong ko sakanya, nilingon naman niya ako at bigla siyang yumakap sa akin. Niyakap ko naman siya pabalik para i-comfort siya. Nag flashback naman sakin yung dating tumawag ako kay Anne at sa tono ng boses niya para siyang umiyak. Hindi ko nalang ulit siya tinanong kung anong dahilan ng pag iyak niya, patuloy ko nalang siyang kinomfort habang naka yakap at patuloy siya sa pag iyak.. ramdam ko may problema siya, pero hindi basta problema, gusto kong maka tulong sa kung ano mang problema ang kinakaharap niya ngayon, dahil ayokong nakakakita nang babaeng umiiyak lalo na kung mahal ko..
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡
February 08 2015 . Sunday