Chapter 6: ABA MATINDE!

1K 29 1
                                    

Vhong's POV

Late ko na nabasa yung message ni direk na mag bakasyon daw kaming Showtime hosts atleast 1 week..

Napa isip agad ako.. chance ko na ba 'to?

Baka dahil sa mangyayaring bakasyon namin e, masabi ko na sakanya..

Agad ko siyang tinawagan, kinamusta kung okay lang ba siya, dahil sa tono ng boses niya para siyang umiyak?

Pero bakit naman? Dahil sa ano? O baka naman dahil kanino?

Kay Erwan nanaman?

"Baka dahil sayo!"

Ha? Nabigla ako sa sinabi ni Tanya. Na kasalukuyang nag luluto. Alam niya yung iniisip ko?

"Ano Tee?"   Tanong ko.

"Ha?"   Naguguluhang balik na tanong niya sakin

"Ano yung sinabi mong baka dahil sakin?"

"Haha hindi ikaw yun! Kausap ko kase si Maia!"

Kinabahan naman ako dun! Akala ko alam niya yung iniisip ko. Pero di ko pa rin talaga nasasagot yung tanong ko e..

Bakit sa tono ng boses ni Anne para siyang umiyak?

"Mahal kain na tayo."

Hindi ko nalang ulit inisip yung tanong. Sinabayan ko nalang kumain ng hapunan si Tanya kahit na kakain lang namin haha! Ganyan kame niyan kahit alam naming busog na kame kakain pa rin kame!

Pag katapos naming kumain umakyat na kami para matulog. Wala naman kasi yung dalawang gwapings kong mga anak. Si Yce nasa mommy niya, si Bruno naman nakila Chen. So matutulog na lang kami.

"Mahal thank you! *kiss sa chin ni V*

"Wala yun! Basta ikaw!" *kiss sa noo ni T*

"Good night"

"Good night love you!"

Di parin ako makatulog naalala ko nanaman yung tanong. At sa di inaasahang pagkakataon..

Calling: Vice   ACCEPT|DECLINE

Pero bago ko sagutin lumabas muna ako sa veranda para di maistorbo pag tulog ni Tee.

"Hello?"

"Anong nangyare Vhong?"

"Ha? Anong... anong nangyare?"

"Bakit umiiyak nanaman si ngangabu?"

"Ewan ko. Teka bat naman ako yung tinawagan mo di naman ako boyfriend nun?"

"Eh ikaw lang naman iniiyakan nun eh!"

"Ha?"

"Wala joke lang haha sige na baka nababaliw lang yun si Anne g'night"

"Eh ikaw lang naman iniiyakan nun e."

Anong ibig sabihin ng sinabi ni Vice? Bakit ako iiyakan ni Anne?

*KINABUKASAN*

"Vhong"

"O Vice. Pumasok na ba si Anne?"

"Di pa."

"Kuys di ata makakapasok si Anne ngayon masakit daw ulo niya"  biglang singit ni Teddy.

"Vhong.. di daw makakapasok my loves mo"   singit naman ni K na kakapasok lang.

"Talaga ba K? Hindi namin alam yan ah!"

"HAHAHAHAHA"

"Ayan ka nanaman Vice ah!"

Pupuntahan ko siya.

"Oy Vhong san ka pupunta?"

"Paki sabi nalang kay direk na may pinuntahan lang ako emergency lang"

"Vhong kung kay Anne ka lang pupunta WAG NA! dumito ka na muna at mamayang alas tres ka na pumunta!"

Pag pipigil sakin ni Vice.

Pero di kinakaya ng konsensya ko e. Parang may nagawa ako na naging dahilan ng pag iyak at pag absent ngayon ni Anne.

Di ko nalang sinagot si Vice, agad na akong tumakbo palabas ng ABS CBN building para puntahan si Anne pero..

"Oh Vhong san ka pupunta? 15 minutes nalang on air na tayo!"

"Ah direk kasi.."

"Alam mo Vhong bumalik ka na sa loob! Sige na!"

Wala na akong nagawa kundi sundin si direk bobet. Bakit ganon? Parang di yata sumasang ayon yung panahon na gusto kong puntahan si Anne.

"Siya nga pala Vhong di daw makakapasok si Anne"

"Ayun nga po direk e.."

"Okay na daw siya kailangan niya lang daw mag pahinga! Sakto nga yung tinext ko sa inyo e! Nabasa mo na ba yun?"

"Opo"

Nag umpisa na ang Showtime at sine moto ngayon pero dahil nga wala siya dito walang ganap. WALANG VHONGANNE MOMENTS. 45 minutes passed hindi parin siya nag rereply kahit man lang "hi" wala.

Imposible namang wala siyang load? Wow ha! Si Anne walang load? ABA MATINDE!

At shempre bago matapos ang Showtime..

"Get well soon my loves! Hehe!" Bati ko sa kanya well kilala na yun ng lahat!

Pag bukas ko ng twitter sandamakmak na tweets nanaman ang sumalubong sa akin! Like..

"@vhonganneFever: Yiiie my loves daw! Sweet talaga ni Vhongkie!@VhongX44 @AnneCurtisSmith!"

"@VhongAnneTropa: Get well soon ate Anne! Iba ka talaga kuya Vhong! ;) @AnneCurtisSmith @Vhong44"

"@KRISTINUNTIVERO: waaahaha! My loves! Why so sweet dadde!

Ganyan ba talaga kame mag pa-kilig ni Anneskie? Hehe!
Imbis na umuwi na ko, I mean pumunta na ko sa bahay nila Anne nag aya pa si Viceral kumain libre niya raw dahil lagpas 420 thousands na yung kinita ng PraybeytBenjamin. Shempre dahil nga mahal ko si Anne at inaalala ko siya binilisan ko na at nag paalam na sa kanila para pumunta sa bahay ni Anne.

Hindi traffic kaya halos bente minuto lang nakarating nako sa bahay ni Anne. Kakatok pa lang ako ng biglang buksan ng isa sa mga maid ni Anne.

"Ay ser Vhong magandang gabe po!"

"Si Anne po?"

"Nasa kwarto niya po! Pasok po kayo!"

Paakyat na ko pero hinarang ako ni ate.

"Ser hindi pa po pala kumakain si mam Anne.. wala daw po kase siyang gana. Ikaw po ata hinihintay nun e!"

"Bat hindi pa ba pumupunta dito si Erwan?.."

"Pumunta po kaninang alas dos tas inaya po si mam Anne na kumain pero wala daw talaga siyang gana."

"O sige po ayain ko po siyang kumain!"

Ipapahanda ko nalang po yung niluto namin kanina!"

"O sige po! Akyat po muna ako sa kwarto niya!"

"Sige po ser!"

Ano ba talagang nangyayare kay Anne akala ko ba masakit lang ulo niya? E tinalo niya pa ata yung mga broken hearted e!

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

January 15 2015 . Thursday

#PopeFrancisPH #PopeTYSM

Papal Visit 2015

5 years and still counting (VhongAnne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon