Her Reven8e

1 1 0
                                    

PROLOGUE

5 years ago

"Hin-di ko na ka-ya,"
nahihirapang pagsasalita niya

"No, ple-ase stay with me" pagmamakaawa ko sa kanya

"Ta-ke care of Abby"
hinawakan niya ang aking mukha, na tila ba kinakabisado niya ito sa huling pagkakataon

"Yes, i will but ple-ase fight for us, fight for Abby"
sobrang labo na ng aking mga mata gawa ng luha, pero wala akong pakialam ang mahalaga sa akin ay siya, mas lalo kung hinigpitan ang hawak ko sa kanyang kamay na parang batang ayaw mawalay sa kanya

"Than-k You" kasabay nito ang pagbagsak ng kamay niya sa aking pisngi, humagulgol lang ako ng iyak ng mapagtantong wala na siya, wala na ang nag-iisang taong mahalaga sa akin.

Makalipas ang ilang araw, naihatid na namin sya sa kanyang huling hantungan, kasama ang mga kaibigang nagmamahal sa kanya, pero hindi nila ako kasama kaya hindi nila ako nakita sa mismong puntod, nagpahuli pa ako para masiguradong ako na lang at si Abby ang huling dadalaw sa kanya sa huling pagkakataon.

"Paalam na, sa muling pagkikita natin Tiffany Lauren Smith, pangako aalagaan ko si Abby na parang aking tunay na anak, pangako ko ipaghihiganti ko ang iyong pagkamatay"
kasabay ng hangin bumuhos ang aking luhang puno ng hinanakit.

Her Reven8eTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon