Chapter 1: Arcanus Academy

13 0 0
                                    


Sebrie

" diba pupuntahan mo yung aklatan ni Ms. Caroline mamaya? "

" hmm..."

Sagot ko at tumango habang abala sa pag nguya ng pagkain. Napag usapan kasi  namin na uunahin na naming mag enroll sa akademya habang maaga pa para hindi na kami mahirapan at makipag sabayan sa ibang hahabol mag enroll mamaya since  last day nadin ng enrollment, paniguradong mahihirapan at matatagalan kami kung di namin aagahan. Sayang ang oras dahil abala din kami sa iba pang mga dapat naming gawin.

" sige, mag hahanap din ako ng librong pwede kong magamit para sa mga ginagawa kong lason "

" tch poison freak "

Pagkatapos naming kumain umakyat na ito sa sariling kwarto para mag ayos habang ako naman ay abala sa pagligpit at paghuhugas ng pinag kainan pakatapos ko maghugas umakyat nadin ako para makapag ayos.

Papasok palang kami sa gate pero kapansin-pansin na ang karangyaan ng paaralan, inilibot ko ang paningin sa buong lugar ng may paghanga napalingon ako sa kaliwang bahagi ng mapansin ang pagdating ng magagarang karwahe, may iilan ding napapalingon duon pero ipinagsawalang bahala ko nalang ito at ibinalik ang tingin sa harap para ipinagpatuloy ang paglalakad.

" Next monday na ang start ng klase nyo so dapat saturday or sunday nandito na kayo, handbook muna ang ibibigay ko tapos pagbalik nyo saka ko na ibibigay ang iba niyo pang kakailanganin, kailangan niyong basahin ang handbook para hindi kayo mahirapan since mga  transferee kayo "

Bilin samin ng isang faculty member, tapos na kaming mag enroll at binigyan lang kami ng maikling orientation, nalaman ko din na dorming school ito kaya medyo nagaalala ako sa mga kailangan kong gawin.

" okay, thank you po "

Lumabas na kami ng kwartong iyon at tahimik na naglalakad habang ako naman ay hindi parin maiwasang ilibot ang paningin sa buong lugar, sa totoo lang hindi na nakakagulat na ganito karangya ang paaralang ito dahil sa pagkakaalam ko ito ang pinaka prestihiyosong paaralan sa buong emperyo ng elementum ang Arcanus Academy ng Arcadian Kingdom kung saan nakatira ang Emperor at Empress ng kaharian. Nalaman ko din na dito parehong nag-aaral dati ang magulang namin ni krei kaya di ko maiwasang mapangiti sa kaalamang minsan nang naging studyante sila nanay at tatay ng Arcanus.

" daan muna tayo sa cafeteria bago tayo pumunta kila Ms. Caroline, gutom nako "

Sumangayon nalang din ako dahil maging ako man ay nakaramdam na ng gutom. Pagpasok namin ay may nakita kaming iilang estudyanteng kumakain din at yung iba naman ay nakatambay lang. Dumiretso na kami sa counter para bumili ng makakain.

" bali kailan tayo babalik dito? "

Tanong ko bago sumubo ng pagkain. Napansin ko naman ang pagtigil nito at pagsimangot sa tanong ko, for sure  kagaya ko ay namomroblema din ito kung paano pagkakasyahin ang maikling panahon sa mga dapat naming gawin.

" sa sunday na, pupunta pa tayo sa kabilang bayan sa susunod na araw kakausapin ko din si aling selya para sa tinutuluyan natin "

" hmm.. Sige may importante din akong gagawin ehh, tyaka pinapauwi tayo ni mama sa friday "

Tumambay muna kami ng ilang minuto bago tuluyang lumabas ng cafeteria. Mas lalong dumami ang nakikita kong estudyante, tama lang talaga na inagahan namin ang pag punta. Nakita ko din ang sunod sunod na pagdating ng mga karwahe. Dirediretso lang ang lakad namin ni krie palabas ng gate at hindi na pinansin ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante.

Tumunog ang chime ng binuksan namin ang pinto, sumalubong saamin ang nakangiting si Miss Caroline ang anak ng dating may ari ng aklatan na si Mrs. Delia.

" Krei, Brei! Kamusta enrollment? "

" okay na ate, ayy oo nga pala ito po yung libro na hiniram ko nung nakaraan "

Pumanhik kami sa ikalawang palapag ng aklatan, dahil nadin sa hinahanap na libro ni krei na kasalukuyang naglilibot sa mga bookshelf, si Miss Carol naman short for Caroline ay naging abala sa kanyang binabasang papeles habang ako ay pinapatunog ang daliri sa lamesa habang nag iisip ng kung anong pwedeng gawin habang naghihintay kay Krei.

Inilibot ko ang tingin sa buong aklatan, hindi ko maiwasang malungkot kasi panigurado mamimiss ko tong library natoh pati si Ms. Carol, sa ilang buwan naming pag tira dito sa  Arcadia naging pangalawang bahay ko na din ito kasi tuwing wala akong ginagawa sa bahay dito ako nag lalagi. Iilan lang din ang pumupunta dito dahil karamihan sa Rolfe Library na pagmamayari ng kilalang pamilya dito sa Arcadia.

Sa sobrang pagka inip tumayo nadin ako at nag libot libot sa aklatan para tumingin tingin ng pwedeng basahin.

" Brie tara na "

" ohh may nakita ka? "

Tanong ko at binalik sa shelf ang librong nakita ko

" oumm uwi na tayo excited nako tignan kung may mapapakinabangan ba ako dito sa librong nakita ko, tara puntahan muna natin si Ms. Carol"

Napa iling nalang ako sa pagiging obsessed nito sa pag aaral ng kung ano-anong uri ng lason, at sumunod na papunta sa office ni Ms. Carol.

"  Ate uuwi na ka-- "

walang katok katok nitong binuksan ang pinto  pero nagtaka ako nang bigla itong mapatigil at parang nahihiyang napatingin sakin kaya ako na mismo ang pumasok sa luob habang si krei naman ay nasa likod ko naka sunod. Nang tuluyan na akong nakapasok saka ko lang naintindihan kung bakit biglang tinamaan ng hiya nag kasama ko. Ngumiti ako at bahagyang yumuko sa bisita ni Ms. Carol

" pasensya na po sa istorbo, uuwi na po kami ate, salamat po. "

" ohh sige balik kayo pag may time ahh "

tango nalang ang naging tugon ko at tahimik na lumabas, napabaling naman ako sa likod ng marinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ni krei at nakakakunot nuong tinignan ko ito.

" hehe diko naman alam na may bisita pala si Miss ehh tyaka kung meron man madalas dun sila sa terrace pupunta diba? "

Defensive na tugon nito, pero totoo ang sinabi niya, dahil nga madalas ako dito alam kong kapag may bisita si Miss Carol talagang sa terrace sila nag-uusap kasi bukod sa isa iyon sa favorite spot niya dito sa library maganda at presko din ang hangin sa parteng iyon dahil sa mga tanim na bulaklak ni Mrs. Delia nung nabubuhay pa ito.

" pero yung bisita niya kanina, diba siya yung Headmaster ng Arcanus? ibig sabihin yung mga kasama niya may chance na member ng supreme class? "

" hmm siguro bakit parang interesado ka? "

" wala naman, masama ba? tiyaka nakakatakot yung titig nung isa buti nalang makapal mukha mo noh? "

" tch tigilan moko "

" pero tingin mo? member sila ng five circle or hindi? "

" aba malay ko, balik ka sa luob tanongin mo "

" eeehhhh? ang tino mo talaga kausap tch "

Nagpatuloy lang ako sa pag lalakad at hindi na inintindi ang pagrereklamo nito.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forbidden FruitWhere stories live. Discover now