Kabanata III: Ang Pagtatapos

3 1 0
                                    

Third Person


"Sheila gising na please. Nandito na tayo oh sa tuktok. Sheila huy gumising kana nandito na ako. Sheila!!! Pakiusap gumising ka!!! Mahal na mahal kita!! Ano ba huy?"

Sambit ni Ian habang yakap ang dalaga. Pinipilit buhayin ang malamig na katawan ngunit tanging sigaw at mga luha nalang ang kanyang magagawa. Pinatutunayan niyang walang pagitan ang kamatayan at buhay sa dalawang taong lubos na nagmamagalan.

Hindi nagtagal unti-unti na ring nagpapakita ng pagdadalamhati ang langit at itinuloy na nga niya sa pagbuhos ng malakas na ulan. Ito ang naging hudyat upang ibaba na sila. Ang lahat ng naghihintay ay inaabangan ang pagbaba nilang dalawa. Maraming tao na rin ang nakiusyoso sa mga nagaganap.

Pagbukas ng pinto bumungad sa kanila ang dalawa. Ang namumutlang katawan ni Sheila at ang walang himik na si Ian. Mahigpit ang yakap sa dalaga habang ang mata niya ang nagsasalita ng kanyang nararamdaman. Dahan-dahan lumapit ang ama ni Sheila. Hiningi si Sheila mula sa kanyang pisig at nagsalita.

"Maraming salamat Ian. Ipaubaya muna sa akin ang anak ko. Hayaan mong ako naman ang maghayag ng aking nararamdaman para sa kanya. Pagmamahal ko para sa aking anak."

Maiyak-iyak na sabi niya. Tumingin ng diretso si Ian at maluwalhating ipinaubaya si Sheila. Nang makalabas na ang mag-ama. Pumasok naman ang ina ni Ian.

"Anak, tara na umuwi na tayo at ng makapagpahinga kana"

Sumunod naman si Ian sa mga hakbang ng kanyang Ina. Ang mga taong nakikiusyoso ay tahimik na pinagmamasdan ang dalawang taong nagmamahalan hanggang sa hindi na nila ito maabot tanaw.

"Ang Pag-ibig sa likod ng Kamatayan" ang nasambit ng isang nakikiusyoso.

Ang Kasalukuyan.......................


Ian POV

"Isang taon na rin ang nakakalipas Ian" rinig kong boses ng isang dalaga mula sa likod ko. Agad akong humarap upang masilayan ang nagsalita.

"Shaina?" Ang nasambit ko

"Ito ang araw kung kailan kayo pinaghiwalay ng aking kakambal. Ito rin ang araw na ninais kong makilala ka at unang pagsilay ng puso ko. Ewan ko parang may iba akong naramdaman nung nakita ka hahaha. Akala ko makikilala kita bilang ako. Ngunit hindi pala makikilala kita sa maskara ni Sheila. Nakiusap si tita kaila mama at papa na magpanggap ako bilang si Sheila. Dumaranas ka daw kasi ng matinding kalungkutan. Nakita ko kung gaano mo siya kamahal. Tulala, hindi kumakain at hindi umiimik? Hindi yun ang Ian na palaging ikinukwento ng aking kakambal. Kahit na ayaw pa nila mama at papa. Pinilit kong tulungan ka. Magpanggap bilang si Sheila hanggang sa pagtatapos. Aaminin ko Ian naging masaya ako sa maikling panahon na kasama ka. Aaminin ko hiniling ko na sana ako nalang si Sheila. Pero hindi ako kailan magiging aking kakambal na minahal mo ng lubos. Kahit magpanggap ako habangbuhay bilang siya. Ian nasaksihan ng aking mata ang lubos mong pagmamahal kay Sheila. Mula sa ikailaniman ng iyong puso't kaluluwa. Kaya thank you dahil minahal mo siya ng lubos. Thank you talaga" sambit niya.

"Salamat din Shaina"

"Hahahaha walang anuman. Yun naman kasi ang huling kahilingan sa akin ni Sheila. Ang tignan ka at kamustahin ka lagi."

Nanatili kami sa puntod ni Sheila. Nagkwentuhan hanggang sa magpahinga ang haring araw.

"Tara na alis na tayo. Hatid na rin kita" aya ko sa kanya

"Sige" maikling tugon niya

Nauna na siya sa akin malakad.

"Sheila kahit kailana nasa puso lang kita kaya sana huwag kang magtatampo. Tulad nga ng sinabo ko sayo nung panaginip minahal ko na rin siya."

Umihip ang malamig na hangin at nakita ko siya. Nakangiti at nagpapaalam sa akin. Unti-unting nawawala siya sa aking paningin.

"Paalam Sheila. Hanggang sa muli."

Ang Pagtatapos


Ang Pag-ibig sa Likod ng KamatayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon