Kabanata I: Si Sheila

24 1 0
                                    

HI!

Musta kana Sheila? Siguro'y maayos na ang kalagayan mo ngayon. Alam mo naman siguro na Valentine's DAY ngayong araw na ito? Kaya may bulaklak akong dala para sayo. Eto oh . Dito ko nalang ilalagay sa tabi mo.

Isang taon na rin ang nakakalipas Sheila. Ano ba yan naiiyak na ako!

Alam mo ba paggising ko palang. Naririnig ko na mula sa mga kapatid kong lalaki ang saya. Pano ba naman kasi may sopresa sila sa kanilang mga kasintahan hahaha. Kagabi nga tinulungan ko pa si Chu Chu na gawin ang tarpaulin niya. Hindi talaga siya natulog hanggang hindi niya natatapos ang hinihanda niyang sopresa. Hahaha. Samantalang ang kaisa-isa kong kapatid na babaeng si Kana. Ayun malungkot hindi pa daw siya nakakatanggap ng mensahe mula sa kasintahan niya. Hahaha.

Nung palabas na ako ng bahay. Nakita ko ang ilang mga binata. May dalang bulaklak at tinatago sa kanilang polo. Siguro'y pinitas lang nila ang mga bulaklak, sa banal na hardin ni Aling Rosa. Nakakatawa parang ako lang nung kaedad ko sila hahaha. Kaya naisip ko rin na pumitas ng bulaklak sa hardin ni Aling Rosa. Kaya ayun dali-dali akong pumunta sa Banal na Hardin ni aling Rosa. Tatapak palang ako sa lupain nahuli na ako ni Aling Rosa.

"Hoy!, Ian luma na yang style mo" sabi niya habang nakapangewang pa

"Hehehe" natawa nalang ako

"Sige na pumitas kana ng kahit ilang bulaklak. Pakikamusta nalang ako kay Sheila" pagkatapos niyang sabihin yun. Naglakad na siya palayo sa akin.

"Salamat po!" yun nalang ang nasabi ko

Nakakapanibago di ba? Samantalang noon kahit dahon lang ipinagdadamot niya sa akin. Pero ngayon parang gusto na niyang ibigay ang hardin niya sa akin. Pagkatapos kong pumitas ng 14 na mapupulang rosas na paborito mo. Sumakay na ako sa kotse ko. Habang nagdadrive ako nadaanan ko ang Agnaya Elementary School. Sa hindi malamang dahilan hinihinto ko ang kotse sa tabi. At naglakad papuntang school. Parang gusto kong pumasok sa loob kaso linggo ngayon. Meaning walang pasok. Buti nalang sila manong Ale pa rin ang nagbabantay.

Nakiusap ako sa kanila kung pwede ba nila ako papasukin kahit sandali lang.

"Hahaha ano kaba Ian? Kahit dito kana tumira ok lang" sambit ni Manong Ale

"Hahaha!"Tawanan naman ang iba pang nagbabantay sa eskwelahan.

Ang saya pa rin nila kahit unti-unti na silang nalalagasan. Mula sa walo lima nalang silang natitira. Nung nakaraang buwan lang namatay ang pinakamatanda sa kanila na si Kastor

"Ahh siya na ba si juan tamad? Ang liit-liit na niya ahh" sambit ni Manong Lazaro

"Hahaha" tawanan naman ang iba

Hindi ko nalang pinansin ang pang-aasar nila sa akin. Alam mo naman kapag lalo ko silang pinansin lalo nila ako lalaitin. Kusang naglakad ang mga paa ko sa LITTLE PLAYGROUND. Kung saan una kong nadama ang pag-ibig ko sayo.

Naalala mo pa ba yun?

Flashback

"Ano! Hindi mo ba ibibigay ang baon mo sa amin huh!" sabi nung matabang nambubully sa akin

"Ayoko! Akin lang ito!" sigaw ko

Pinagsisipa ako ng dalawang asong ulol na kasama ni baboy bully. Nang mabitawan ko ang baon ko. Siya namang dampot ni baboy bully.

"Huhuhu!" wala na akong magawa kung hindi umiyak nalang

"Hoy! tabatchoy at kayong dalawang aso! Tigilan ninyo nga si Ian!" rinig kong sabi ni Shei, Cha, Ayun Sheila tama sheila nga.

"Pano kung ayaw namin?" tanong ni baboy bully

"Isusumbong ko lang naman kayo kay ma'am Aura. Then sasabihin nila sa magulang ninyo. Tiyak papaluin kayo sa puet." pagbabanta niya

Ang Pag-ibig sa Likod ng KamatayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon