Chapter 3: Dude Friends

28 0 0
                                    

Canan Warren Vans' POV

~Canaaaaaaaaaaan!!!!!! Canan Warren Vaaaaaaanssssss!!!!! May tumatawag sayoooooo!!!!! Canaaaaaaaan!~

Nagising ako sa boses ni Harry.

Tung unu! Bwiset talaga ang hanep na yun! Palitan ba naman ng ringtone ang phone ko.

"Canan Warren Vans!!!! Gising naaaaaa!!!" yan ang bungad sakin ni Harry.

"Gago ka! Ang aga aga nambubulabog ka!" singhal ko sa kanya.

"Hindi ka naman din gigising kung hindi kita gigisingin noh? At saka FYI anong oras na po oh, 7:30 na! 8:30 ang start ng klase natin!" napamura ako ng tignan ko ang orasan.

Dali-dali akong naligo at nag-bihis.

Pero bago ang lahat ipapakilala ko muna ang sarili ko.

I'm Canan Warren Vans. Oh diba? Pangalan pa lang astigin na.

(Otor: Wag pong assuming. =_=)

Totoo naman ah? Saka wag ka ngang sumingit mukha ka na ngang singit.

(Otor: Hoy! Ang kapal ng mukha mo!)

Malamang wala namang mukhang manipis.

(Otor: Aba't pilosopo! Gagawin kitang pangit sa story na 'to sige ka!)

Nooooooo!!! Tanggalin mo na ang lahat wag lang ang kagwapuhan ko!!

(Otor: *Laughs maniacally* You better not insult me..)

Oo na lang. Takot ko lang sayo..

(Otor: Sige na lalayas na ako.)

Mabuti pa nga.

(Otor: Anooooooooo!?)

Wala! Wala!

Saan na nga tayo? Oh, yes!

I'm 17 years old. Single and ready to mingle. Haha.

Physical Appearance?

Gwapo ako, macho, for short you could say na ako ang dream boy ng bawat babae. *winks*

(Otor: Sus! Yabang!)

Ano baaaaaaa!?

(Otor: Oo na, sige na. Aalis na ako.. Babye fans!)

Wala ka naman fans.

(Otor: Che!)

Haaay.. Naku! Back to the story na nga!

Sumakay na ako sa Ferrari ko. Ang pinaka paborito kong kotse sa lahat ng mga kotse dito sa bahay.

I drove to Harry's house. Kahit gago yun, bestfriend ko pa rin siya.

Magdodoorbell pa lang sana ako ng biglang bumukas ang pinto at..

*boogsh*

Napaupo ako sa damo dahil sa lakas ng impact ng pagbukas ng pinto.

"Oh dude! Nandyan ka pala! Hindi kita napansin-- Anong ginagawa mo diyan sa damuhan?" sabi niya nang nakita niya ako.

"Wala, trip ko lang gumulong gulong dito oh, tignan mo." sarkastikong tugon ko, at gumulong-gulong nga ako sa damo na parang aso.

"You're weird pasalamat ka kilala kita kundi, iisipin ko na talagang baliw ka."

Haay.. Naku! Naiistress na ako sa school, naiistress na ako sa author pati ba naman tong si Harry!? Haaay, buhay!

"Ano pang hinihintay mo dyan? Tara na!" inip na tugon niya.

Tumayo na ako mula sa damuhan at pinagpag ang dumi sa damit ko.

Pumasok ako sa kotse at nagdrive papunta sa school.

~*~

"Bahay kuboooo! Kahit muntiii!! Ang halaman doon ay sari- sariiii!! Singkamas at talong, sigarilyas at mani, sitaw, bataw, pataniiii!!! Kundol, patola, upo't kalabasa at saka meron pa labanos, mustasaaaa!!!!" kanta niya.

"Manahimik na nga muna kahit saglit!!" singhal ko.

"Walang basagan ng trip men!"

At nagpatuloy naman siya sa pag-kanta.

"Near, faaaar! Where ever you aaaare!!! I believe that my heart will go ooooooon!!"

Nag-focus lang ako sa daan nang may marinig akong pumutok.

"Shet man! Ano yun!?"

Lumabas kami at nakita namin ang dalawang gulong na pumutok.

"Baka may nadaanan tayong matulis na bato, kaya pumutok." sabi ni Harry.

"Kung matulis na bato lang ang nakaputok dyan bakit dalawang gulong ang pumutok at bakit ang laki ng butas.

Tinignan ko si Harry at parang gulat na gulat siya sa nakita.

"Ano ba yan--!?"

Isang..

Isang..

Bala ng baril.

***
A/N:

Salamat po sa pagbasa at pagsuporta sa story ko, although I am still an amatuer. Vote and comment.

Love, CamelInTheDesert

Si Canan na sa gilid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Empty SpaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon