the 1st heart break

35 0 1
                                    

hai ako nga pala si Trisha Redistre , 15 yrs old ..Di naman masyadong Katangkaran pero pwede na rin para sa edad ko, at syempre maganda din ..:) ,Dalawa kaming magkapatid ako ang bunso at  may kuya ako na sobrang maalaga sa akin at ang papa ko na sobrang sweet sa akin , at ang mama ko ? sad to say patay na sya nung pinanganak nya ako ay nahirapan sya kaya di niya kinaya at namatay sya . :(

..........................................

Naglalakad ako ngayon papunta ako sa school ng pogi kong Boyfriend isusuprise ko kasi sya.Magkaiba kasi kami ng school eh.at siya kasi yung palaging nanunundo sa akin kaya ngayon ko lang siya pupuntahan maaga kasi nagpauwi yung teacher namin.5months na rin kami at sya ung 1st Boyfriend ko,masaya naman kami at hindi naman kami masyadong nag-aaway.

 Napatigil ako sa pag lalakad ng mapansin ko syang lumabas sa gate nila ,napangiti ako at lalapitan ko na sana sya pero biglang may lumapit sa kanya na babae at bigla syang niyakap.Napatago ako sa isang kotseng malapit sa kinatatayuan ko at malapit din sa waiting shed na kinaroroonan nila,upang di nila ako mapansin.Nakita ko silang sobrang saya habang magkausap.Nasasaktan ako sa nakikita ko lalo pa ng may kinuha syang teddy bear sa kanyang bag at masayang inabot sa babae.Mukang monthsarry pa nila ngayon .Pinipigilan kong tumulo ang mga luha sa aking mata dahil ayokong may makakita sa akin na nagdradrama.Kaya pala palagi syang late na sundoin ako ay may iba pala syang babae .Palagi niyang sinasabi sa akin na may praktis lang daw sila, pero ano to ? eto pala ang praktis na sinasabi niya ngayon alam ko na ..

Lumakad ako palapit sa kanila pero kaunti lang.Hindi man lang nila ako napansin dahil sa sobrang busy nilang dalawa.

"Manloloko!!"..sigaw ko agad silang napalingon sa akin.

Tinignan ko silang maigi at di rin naman nila inalis ang tingin sa akin,marahil ay nagulat sila.Buti na nga lang at wala ng masyadong dumadaan.Nararamdaman ko na tutulo na talaga ang luha sa mga mata ko.Tumalikod ako at agad akong tumakbo palayo sa kanila di ko na hinintay pa ang mga reaksyon nila.

..."Trisha"...humabol ng tawag ang boyfriend ko.

di ko na iyon pinansin.at nagtuloy tuloy nalang hanggang sa sakayan ng trysicle.Alam ko hinabol niya pa ako dahil paglingon ko bago ako sumakay ay malapit lang sya sa akin ..

......................................

hai guys 1st update ko to haha sana magustuhan niyo ..Sorry kung ito lang ha ..Next time nalang ulit ..

pa comment naman po at pa vote na rin para alam ko kung may nagbabasa tnx guys ..:))

My best friend turning My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon