The lonely days

28 0 0
                                    

     Pagkatapos ng araw na yun ay lagi nalang akong nagkukulong sa kwarto ko nagtaka tuloy yung papa at kuya ko.ano daw bang nangyayari sa akin.Sabi ko nalang busy lang ako sa mga projects ko.
     Hindi ko din masabi sa mga kaibigan ko kasi naman mayayari ako sa kanila sigurado akong tatalakan nila ako.hayy! kasi naman bakit kasi di nalang ako nakinig sa kanila noon na lolokohin lang daw ako nun lalo na at magkaiba pa kami ng School. :(

Nagsisisi na talaga ako ngayon :(

"Trish" ..tawag sa akin ng kaibigan kong si Lianne.

  andito kami sa may canteen ngayon inaantay pa namin yung isa pa naming kaibigan na si Nerissa.

"oh bakit?.. tanong ko sa kanya .

"kamusta na kayo ng bf mo ha, kamusta yung pagpunta mo sa school nila ha?..sunod sunod na tanong niya sa akin eto talaga kahit kailan usisera.

"okey naman"..maikling sagot ko.

kala ko titigil na siya pero eto na naman ang pang aasar niya.

"ah ganun ba, akala ko nahuli mo na may babaeng kasama eh"..nakangiting sabi niya..

"buti hindi nagalit di ba? ayaw niya na pumunta ka school nila dahil ayaw niya daw na napapagod ka?"...dagdag pa niya..

hayyy naku! unting unti nalang bibinggo na sa akin to ..

"hindi naman natuwa nga sya ginulat ko daw siya"...sagot ko sa kanya.

"Asan na ba si Nerissa?.Antagal naman niya!"...kunwaring naiinip na sabi ko para maiba yung topic namin.

"siguro anjan na din yun"...sagot niya..        

yung araw na nakita ko siya may kasamang ibang babae ay panay text niya sa akin.

"Trish let me explain please?"
"Trish yung nakita mong girl kanina wala yun pinagtritripan ko lang yun kasi may gusto daw sakin kaya naawa ako"

KApal po talaga ng mukha niya noh? pati ba naman yung babaeng walang kamalay malay pinagtritripan.ang dami niyang text sa akin pero di ko nalang pinansin maiiStress lang ako.

"trish!!!"...pasigaw na tawag ng mga kaibigan ko sa lalim yata ng iniisip ko di ko sila napansin.

"ohh??".....tanging nasabi ko.

"Hello ? kanina ka pa kaya namin tinatawag.ano ba kasi yang inisip mo at hindi mo kami napansin."..sabi ng isa ko pang kaibigan na si Nerissa, dumating na pala siya di ko man lang namalayan.

"ah ganun ba sorry ah.iniisip ko lang yung mga projects natin ang dami kasi!"...palusot ko sa kanila.

"oo nga eh ang dami dami hindi pa nga ako nangangalahati eh"...sabi sa akin ni lianne mukang umubra yung palusot ko.

"hay naku tara na nga at baka may teacher na tayo, balik na tayo sa room."yaya naman ni Nerissa.

.............................................................................................

  Biyernes na at sabado na bukas Yehey at makakagala na ako.Medyo ok na ako kumpara dati nakamoveon naman na ako kahit papaano.Buti nalang at di na nagtatanung yung mga kaibigan ko sa akin.Sinasabi ko nalang na mas mahalaga sila sa akin kaya gusto ko sila yung lagi kong kasama natutuwa naman sila kaya kahit papano unting unti nawala sa isip ko yung masakit na panloloko sa akin ng BoyFriend ko.

Sabado ngayon at may lakad kaming tatlo.Hayy puro kami sarap buhay pagala gala nalang.

"Nagugutom na ako."...reklamo ni Lianne sa amin.

Andito kasi kami sa mall at kanina pa kami paikot ikot dito.Nagtitingin kami ngayon ng kung ano ano lang kunwari bibili hehehe.

"Sige dun tayo kumain oh mukang masarap dun."....yaya ko sa kanila.Dahil nakakapagod na rin at kanina parin kami dito.Hayyy nalilibang kami sa kakatingin.

Papunta kami sa isang fastfood ng may nakasalubong kami.Akala ko nakamove on na ako.Pero sobra akong nasaktan dahil ngayon ay nasa harap ko siya.Ako kasama ng mga kaibigan ko.At siya kasama ng .....

ng bagong Girlfriend niya :(

...................................................

Yan lang po muna salamat po :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My best friend turning My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon