Chapter 23

4.2K 113 7
                                    

-

My eyes felt sore after I woke up. Hindi ako makatulog kagabi dahil sa pag-iyak. Today's the day. Ito 'yong araw na aalis ako. Ang sakit. Kakagising ko lang pero naiiyak na naman ako. Bumangon ako sa kama at agad na naligo at nag bihis. Wala ako sa sarili habang ginagawa ko iyon.

I only wore my maong jeans and white tshirt. Wala na akong balak na maghalungkat ng ibang damit dahil nasa maleta na lahat. Total ay wala naman akong balak na umattend sa kaarawan nya at... Wala akong balak na magpakita.

Naupo ako sa kama at kinuha ang regalo ni Zackelthon na nasa study table sa gilid ng kama. I sighed. Maybe I should write a letter? Farewell?

"Anak dinala ko na ang pagkain mo dito. Abala lahat na tao sa loob."

Pumasok si Mama daladala ang tray ng pagkain. Nilagay nya iyon sa mesa at tumabi ng upo sa gilid ko. She let me lean on her thin shoulders. My tears starting to fall again. I sob.

"Ang sakit, Mama. Ngayon ko lang naramdaman ito." umiiyak na sabi ko.

"Shh... It's okay. Parte 'yan ng pagmamahal." sabay himas sa buhok ko.

Tumahimik na ako at tumango nalang.

"Gusto mo ba talagang... umalis?" tanong nya sa akin.

Umayos ako ng pagkaka-upo at hinarap sya. I nod. Buo ang desisyon ko. Hindi ako pwede sa kanya. Hindi ako nababagay sa kanya. Tanggap ko na. Atleast... We met.

Kontento naman ako sa lahat na bagay na meron ako pero sa pagkakataong ito gusto ko na sana higit pa sa kung anong meron ako ang buhay na gusto ko. Iyong buhay na makukuha mo lahat na gusto mo. Pero wala naman akong pakealam sa pera o kung ano man... Ang gusto ko lang naman ay sana maging akin sya pero alam kong hindi pwede. Masama na ba ako kung hihilingin ko 'yan?

"Anak, may mga bagay na magiging atin sa tamang panahon. Hindi man ngayon pero alam kung darating ang panahon na makukuha mo na ang gusto mo." makahulugang sabi nya.

"Paano, Ma?"

"Pagsikapan mo. Hindi yaman o kung anong materyal na bagay ang importante dito sa mundo, kundi ang tao mismo."

Naiintindihan ko. Alam ko na kung anong ibig sabihin ni Mama.

"I'm sorry, Ma. I complain about life."

"Dahil iyon ay hindi mo makuha ang mahal mo kaya ka nag-isip ng gan'on. 'Wag mo nang isipin 'yan."

Tumango ako.

Lumabas si Mama dahil may tatawagan pa daw sya. Kaya ang ginawa ko kumain nalang. Pagkatapos ay kumuha ako ng puting papel para bigyan ng sulat si Zackelthon.

This is the right thing to do. Gagawin ko ito para sa kanya. Dahil... Mahal ko sya. Pero anong magagawa ko? Ikakasal sya. Hindi sa akin kundi sa iba. At ang sakit isipin na hawak sya ng ibang babae.

"Ysha. Kakausapin ka raw ni Ma'am Angelina sa labas." rinig kong katok ni Eva.

Bumuntong hininga ako. Pagod na ako sa lahat. Ayaw ko na. Nakakasawang makinig sa paulit ulit na mga salita. Alam ko naman e. Alam kong hindi ako nababagay sa kanya pero ginawa ko parin.

Tinupi ko ang papel at pinorma ito na parang envelop. Pinatung ko sya sa regalo ni Zackelthon bago napagdesisyonang lumabas.

Wala nang katao-tao. Abala lahat dahil sa kaarawan ngayon ni Zackelthon. Bago ako natulog kagabi ay nabasa ko ang mensahe ni Zackelthon sa akin na wala daw sya ngayong umaga dahil sya daw personal na kukuha sa tuxedo nya.

Nilibot ko ang tingin ko para hanapin si Angelina at nakita ko nga s'yang nakatayo malapit sa fountain. Napatingin ako sa katawan nya.

Her long brown hair. Her skin. The way she stood up, the way she wear fancy dresses. Isang tingin mo sa kanya malalaman mo talagang galing sya sa mayamang pamilya. When she noticed my presence, she glanced at me. She's pretty too. Bakit hindi sya nagustuhan ni Zackelthon? Bakit ako?

I'm Inlove With My Maid's Daughter | Gentle Girls #1Where stories live. Discover now