Chapter 6: Start of Training

2 0 0
                                    


"What is this place?" Tanong ko sa dalawang kasama ko. What I am looking right now is like a city but in ruins. Yung mga buildings na pagkataas taas ay sira sira na, ang lupa ay nagkahati hati at nagkatipak tipak, at ang paligid ay walang tigil sa pagyanig. Hindi ako makahanap ng makakapitan kaya hindi ko alam ang gagawin.

"This is the Clild Yard District 200, years ago, and the place you're standing right now is the Cloudspire Garrison". Sagot ng babae, by the way sino ba tong babae na to?

"I am Cordélia Sylvain, you can call me Sylve". She smiled back, at least this time, genuine naman ang ngiti niya. But somehow a sad emotion is etched on her eyes, I wonder what's going on.

"You guys sure are weird, ang alam ko matatalino kayo, but now you can even read minds?" Pabirong usal ko.

Both of the just giggled.

"What happened here?"

"200 years ago naganap ang tinatawag na 'The Great Stampede' na kung saan, milyon milyong tao ang namatay. Everyone panicked, maski mga kapareho kong soldiers after facing kuishinbos we've never seen before. If you look closely there". She said as she pointed towards the direction kung saan naglalaban ang mga parang tao? I'm not sure kung tao sila but they are fighting alien like creatures who attacked me yesterday but this time these alien like creatures or what they call as kuishinbos are much fiercer and larger, some can even be considered as giants. "Those people na nakikipaglaban sa mga Kuishinbos are called Charlanders. Those people are mutant soldiers, biologically engineered human beings designed to fight kuishinbos much more efficient than hunters does, isa ako sa mga yan". She said as she showed off her wings and flapped around. "And yes, I was there in that war".

Hmm, di na din naman nakakagulat, if they are biologically engineered, they aren't even human anymore, they can live for hundreds of years, or even more than that.

"Then why are you here?" Tanong ko

"Because I survived that, obviously". She giggled. "Jokes aside, we retreated, and then came back after a few days to take control of the city, siyempre we won" She said proudly.

"But the thing is, hindi lang pala sa Clild Yard District nangyari to, the whole Lumiere City was attacked by the Kuisinbos, out of five districts, only two survived". Giit naman ni Leon.

Hmm I wonder kung isa din ba si Leon sa Charlanders. "What happened sa tatlo?" Tanong ko

"Well, they fell into ruins". Malungkot na sagot ni Sylve. "Those three districts, Silrast Acre, Fist Hill and Bac East are now ghost districts". Saglit siyang tumahimik. "Places that have been attacked by a lot of kuishinbos are no longer suitable for living since puno ng impurities ang lugar, the amount of oxygen has been reduced, and who knows? May mga tira din na remnants ng kuishinbo don which can be dangerous".

"I understand pero I'm confused, anong gagawin ko dito?" Takang tanong ko.

"This is a realistic simulation ng nangyari 200 years ago. You have to survive here for 3 days and 3 nights, this is a training on how you will overcome hardships in case a disaster like this is bound to happen once again". She said in a very serious tone. "This will train your state of mind na hindi magpanic reagrdless of how uncertain the situation is, we wouldn't want the same shit to happen again".

"Ako lang magisa?" Takang tanong ko. "Anong gagawin ko?"

"Ikaw lang mag isa, and you have to survive, by any means, you have to". Sagot ni Sylve. "Don't worry, since it's just training, we'll be here around to monitor you, but we're not allowed to interfere though". Dagdag naman ni Leon.

"With that being said, wala na kaming ibang ireremind sayo or ituturo, you'll have to figure things out on your own, research guild learn with experiences". Dagdag pa ni Sylve.

With that, bigla na lamang silang nawala and I'm here all alone. Sa pagkakatanda ko, ang sabi nila ay ang kinatatayuan ko right now is the Cloudspire Garrison or the Research Guild's base na matatagpuan sa Clild Yard District ng Lumiere City. What's happening right now is the 'Great Stampede' an all-out war between humans and kuishinbos.

"Maybe I'll find out something from here". Bulong ko sa sarili ko.

Nagsimula akong sa pagpulot sa lupa ng isang bakal na may katamtamang haba. I know that this won't be of any use when it comes to protecting myself against kuishinbos, but oh well. Nagsimula akong maglakad lakad with caution to scout my surroundings. Malakas ang tunog ng mga naglalaban sa may bandang gitna and I'm very cusrious to how humans and kuishinbos fight kaya naman dahan dahan akong naglalakad ng biglang..

"Shit! A civillian!" Sigaw ng isang lalaki na may parang pa spike na buhok at nakasuot ng kung anong high tech suit habang tumatakbo na parang may hinahabol. "Go away! Umalis ka diyan! ashddsdhsa" Wala akong marinig sa sunod na sinabi niya, basta umalis daw ako?

"Ha? Ano?" Pasigaw na tanong ko.

"I said alis!!" Sigaw niya ng maramdaman kong may parang umaararo sa kaliwang banda ko.

Agad naman akong tumakbo papalayo ng may tumalsik na malaking tipak ng semento at nilipad ako palayo.

"Aww fuck! That shit hurts". Ramdam ko ang pagdaloy ng dugo sa tagiliran ko at bahagya din namang lumabo ang paningin ko. Pinilit ko naman na tumayo at kahit na iika-ika ay naglakad ako papalayo. Saktong may nakita akong maayos ayos na infrastricture sa kabila at doon ay umupo ako.

'Tanginang simulation to, para akong papatayin ah". Bulong ko sa sarili ko.

Pinunit ko ang kapiraso ng damit ko upang itali sa tagiliran ko na napupuno na ng dugo. This shit hurts so bad, nabali ata ang ribcage ko. Habang nagpapahinga naman at ginagamot ang sarili ay pinapanood ko yung lalaking may spike na buhok makipaglaban. He's wearing a lot of armors and a long sword na mukhang napakabigat and yet he's so freaking agile. The kuishinbo on the other hand ay napakalaki din at merong parang humanoid figure. The guy jumped so high at sumabit sa isang building. Tumalon siya para sugurin ang kuishinbo mula doon, nakita naman ng kuishinbo ang pagsugod na iyon kaya iniangat nito ang kanyang kamay ngunit ang lalaki ay nagpaikot ikot sa kamay ng kuishinbo at hiniwa ang kalahati ng katawan nito.

Nang mapansing unti-unting bumabagsak ang kuishinbo ay agad itong tumalon at sinaksak ang kuishinbo hanggang sa tuluyan itong naging abo. "Are you okay?" Tumingin ito sa akin at ngumiti. "Don't worry, everything is fine now, you can follow me para madala ka sa isa sa mga-" Hindi nito natapos ang sasabihin ng biglang yumanig ng napalakas ang paligid kasabay ang isang nakakabinging tunog na tila nagmumula sa taas.

Nakita kong tumingin sa taas ang lalaki and he said, "Run! Takbo! Bilisan mo!"

Unknowingly, my feet began to run so fast and I have no idea where to go, it's just my instincts telling me that I have to run faster than any run I ever did in my entire life.

"Fuck this training".

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Re:BornWhere stories live. Discover now