chapter 06

154 4 0
                                    

Daryl's POV.

Pagpasok palang namin ni Crystalline sa kotse ay naabutan namin si Ejay na tulog, Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang, Dahil si Crystalline inaantok den.

"Bebe?" Pagtawag ko kay Crystalline lumingon naman ito sakin

"Yes bebe?" Sagot nito

"Tingin mo, Tinamaan kaya si Ejay kay Mary?" Tanong ko at hinawakan ang kamay niya

"Ewan, Pero malay natin diba?"

"Kase kanina, Napansin ko na panay ang tingin niya kay Mary eh"

"Talaga bebe?" Tanong nito na nakangiti

"Oo, Naku! Magkakajowa na den si Mary sa wakas" Sabi ko na nagpangiti kay Crystalline

"Mabuti yun, Para sumaya naman siya" Sagot nito ng mapansin ko na nakamulat na si Ejay, Kaya naisip kong asarin ito.

"Kamusta tulog mo pre? Napanaginipan mo ba si Mary?" Pangaasar ko na nagpatawa saming dalawa ni Crystalline

"Nakakatawa yun pare?" Tanong nito

"Di biro lang pare, Ano namang ekspresyon mo nung nakita mo siya?" Tanong ko sabay tingin kay Crystalline

"Maganda siya diba Ejay?" Tanong ni Crystalline

"Oo, Maganda siya, Mabait at Palatawa" Sagot nito kaya nagkatitigan kami ni Crystalline

"Eh pano yan? Liligawan mo ba?" Tanong ko

"Pwede" Sagot niya kaya napatingin si Crystalline sa kanya

"Talaga ba Ejay?" Usal nito

"Kayong dalawang mag-asawa mga chismoso at chismosa kayo noh" Sabi nito kaya napasama yung muka ni Crystalline

Grabe toh sa chismoso at chismosa ah!

"Grabe ka pare, Tinanong lang" Saad ko

"Pero maganda siya?" Tanong ni Crystalline

"Oo nga, Kulit?" Sabi nito at pinaling ang ulo sa labas.

Oy, Magiging taken na si Mary sa wakas.

Mary's POV.

Busy ako sa pagcecellphone nang biglang magsalita si Shairah.

"Kamusta si Ejay bhe?" Tanong nito na nagpalingon sakin sa kanya

"Ok naman, Mabait" Sagot ko

"Pogi ba?" Tanong ni Gm

"Oo, Tsaka mapagbiro siya at palapansin" Sagot ko habang busy parin sa pagcecellphone

"Bhe, Kung liligawan ka niya.... Sasagotin mo ba?" Tanong ni Shairah kaya napatingin ako sa kanya

Garbe! Kakakilala lang ligaw agad? Pero paano nga pagnangligaw?

"Oo, siguro, baka?" Sagot ko

"Final answer dapat" Sabat ni Gm

Hay naku! Dapat privacy lang yun eh.

"Secret ko muna" Sabi ko at nagcellphone ulit.

Ilang oras pa ang lumipas ay nakarating narin kami sa Ilocos, Naunang nakarating sila Gero sunod kami at sila Ariel huli sila Daryl.

"Tara na?" Tanong ni Daryl kaya pumasok na kami.

"Hello Ma'am/Sir welcome to badoc island" Bati ng babae tumango lang kami sa kaniya at tuloy ang lakad papunta sa counter para kumuha ng mga kuwarto.

"Hi Good evening, Kukuha sana kami ng kuwarto" Sabi ni Shairah

"Tag-iisa lang po ba?" Tanong ng babae

"Apat sanang pangdalawahan tapos dalawang pangisahan" Sagot ulit ni Shairah

"Naku ma'am, Wala na po kaming available na room na pangisahan puro pangdalawahan" Sagot ng babae kaya napatingin sakin si Shairah

"Ok lang ba bhe?" Tanong nito

"Ok lang, Basta ikaw ang katabi ko" Sabi ko

"Si--" Hindi natapos ni Shairah ang sasabihin niya ng sumabat si Gm

"Love, Diba tabi tayo?" Saad ni Gm

"Tabi muna kayo ni Ejay ok?" Saad Naman ni Shairah

"Sige ok lang" Sabi nito kaya hinatid na kami ng isang lalaki sa mga kuwarto namin

"Bessy, Baka naman Nagtampo si Gm sayo ah" Sabi ko habang inaayos ang hinihigaan namin

"Hindi yun, Alangan namang magtabi kayo ni Ejay diba?" Sagot nito

Ang sweet naman nitong beshy ko, Pero ok lang naman na magtabi kami, Basta pogi. Char!

"Nga pala, Bakit kaninang umaga bhe kumakain ka ng mangga?" Tanong ko

"Wala lang, Gusto ko kase kanina nun eh bakit ba?"

"Eh ngayon gusto mo pa rin?"

"Hindi na"

"Eh anong gusto mo ngayon?" Tanong ko napatingin ito sakin

"Ahmm, Gusto ko ng..... Strawberry" Sagot nito na nakangiti

Buntis kaya toh?

"Bhe buntis kaba?" Tanong ko

"Bakit mo naman natanong?" Tanong nito

"Eh ang weird mo kase"

"Masyado ka naman, Hindi ko alam eh" Sabi nito kaya kumunot ang noo ko

"Nagka-mens ka na ba?"

"Hindi pa ngayong month, Bakit?"

"Tumpak! Buntis ka nga" Sabi ko

"Tanga mo talaga bhe, Tatlong buwan kaya yung hindi Ka dadatnan para malaman mong buntis ka!" Sabi nito at binatukan ako

"Kahit na noh! I'm so happy for you bessy" Sabi ko at niyakap siya

"Hindi ka pa sure" Sabi nito

"Kailangan pa ba yun? Eh hindi ka na nga nagkakaro'n" Sabi ko

"Inaantok na ko, Tumabi ka na jan" Sabi nito at humiga

Buntis toh, Sure ako! Magkaka-baby na sila yepeeeee!

Thanks for reading✨💜
God bless❤️✨

Bleeding Love(Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon