"Totoo ba? Niyakap ka ni Mikael?"tanong ng isa ko pang kaklase
Natigil kasi ang rambulan tapos pinabalik na kami sa room. Dami palang chismoso dito sa room tsk.
Naging malaking usapan pa tuloy yung nangyari kanina. Ni hindi ko nga kilala sino mga tinutukoy nila. Gusto ko lang ng peaceful highschool life."Oo nga Momo! Nakakilig! Itinigil talaga ni Mikael yung laban nila para makita ka. Pero dahil dun lalo siyang lagot kay Karma!"sabi ni Shareen
Nahihilo na ako sa mga sinasabi nila. Pinagalitan naman ako ni Jeros dahil sa pakikiusyoso ko. May bahid tuloy ng dugo ang uniform ko. Kay bago bago palang nito eh.
"Sorry Guys. Pero wala talaga akong alam sa sinasabi niyo. Sino ba yung Mikael at Karma? I mean nakita ko sila kanina. Pero dapat ba kilala ko sila?"sabi ko
"Hala ka talaga Ateng. Hindi pa siguro sinasabi sayo. Pero dahil natanong mo na din. Oo dapat kilala mo sila. Silang dalawa ang pinaka importanteng tao dito sa school maliban sa inyong mga Shirozui.
Si Karma Nozomi, yung sinasabing beloved mo ay ang pinakamatalinong tao dito sa school, ever! Ang taas ng IQ niya! Gosh. Tapos si Mikael Garcia naman yung student council president, matalino din siya like Karma. Pareho silang genius." sabi pa ni Shareen
Sumang-ayon naman ang mga kaklase ko. Ano naman kung matatalino yung mga yon? Matalino din naman si Jeros ha.
"Okay?So yun ang dahilan bakit famous sila?"tanong ko
Tumango-tango naman sila. Tumingin ako kay Jeros tapos kinibit niya lang ang balikat niya. Parang sinasabi na bahala ka dyan.
Maya-maya ay may pumasok na ulit na teacher, tapos nagsimula na ulit maglesson. Math iyong subject kaya nagstop magprocess ang utak ko."Katamad, ano?"tanong ni Yukhei
Chill na chill naman siyang nagcecellphone. Tsk. Pasaway. Palibhasa Shirozui siya ay alam niyang di siya sisitahin. Tinatamad naman talaga ako pero di ako katulad niya na malakas ang loob.
"Hoy tago mo nga yan."sabi ko
"Hoy? Really? Language, Momo"sabi niya
Kinurot ko naman siya sa tagiliran kaya napasigaw siya. Napatingin si Sir tapos napailing-iling. Nung naglunch na ay nagdecide na ako na hindi na papasok sa susunod na klase. Inaantok pa naman ako. Asan ba dito yung tulugan?
Nagdecide ako na matulog sa gilid. Nagtalukbong ako ng kumot tapos inunan yung bag ko.
"Kaya pala nawawala ka sa classroom. Nag cutting ka na naman? Gusto mo sumbong kita kay Mama"
Nagulat ako noong nahanap ako ni Jeros. Ang galing niya din no? Nasa gilid na nga ako ay nahanap niya pa din ako.
"Bakit ikaw? Nagcutting ka din eh!"sabi ko
"Tsk. Sabagay wag ka na bumalik dun may mga ipis na naghihintay sayo"sabi niya tapos itinayo ako
Ipis? Sino na naman kaya yung mga ipis na yun. Gusto pa ata makipagkaibigan sakin ah.
"Ang panget mo na. Dumi na ng uniform mo."sabi niya tapos turo sa damit ko
Nandito pa din yung dugo nung basagulero. Tumango naman ako tapos nag-ikot ikot kami sa school. Malaki din pala itong school namin kumpara doon sa bulacan.
"Jeros, ano nga pala yung sinasabi nila na Beloved daw ako? Ano ba yun?"tanong ko
"Hmm... Ano nga ba?"
"Ano kasi?!"
"Let's see. From what I know, beloved refers to a very loved person. So... For Karma, you're his beloved, than you must be the person he loves the most."sabi niya
Eh. Napaawang ang labi ko. How can a stranger loves me that much? Hindi ko nga siya kilala.
"But wait, here in Red City. Beloved also refers to soulmate. It means that you belongs to Karma.
Makikita mo naman, bayolente yung tao. Pero pakiramdam ko kaya iyon nangyayari dahil matagal ka niyang hinihintay. Baka siguro lumamig ang puso niya kaya ito ang pagkakataon para painitin ang damdamin niya sayo"sabi ni Jeros
Mas lalong napaawang ang labi ko. Kung ano ano ang sinasabi niya. Namb-bluff lang ata siya eh.
"Painitin? Iba ata ang naisip ko dyan. Talaga bang ikaw yan?"
Tumawa naman siya tapos ginulo ang buhok ko. Lalabas na sana kami ng school kaso hindi kami pinayagan ng guard. Nanakot pa na isusumbong kami sa guidance kung hindi kami babalik sa room.
"Ateng bumalik ka! Hinihintay ka na ng beloved mo oh!"sabi ni Shareen
Nabaling naman ang tingin ko doon sa lalaki. Ang dami niyang sugat sa mukha. Tsk. Eto ba yung sinasabing beloved ko? Basagulero?
"Oh Hi Shareen. Nag gala lang ako sa labas."sabi ko tapos umupo na sa upuan ko
"Si Shareen binati niya pero hindi si Karma?"bulong nung isa
"Ateng naman. Di mo ba nakikita si Karma? Eto siya oh!"sabi ni Shareen
Mukhang disappointed naman yung mukha noong Karma. Sino ba siya? Bakit parang importante na manotice ko siya. Tsk.
"Stop. She doesn't acknowledge me as her beloved."sabi nung Karma
Bakit may bahid ng lungkot sa boses niya. Nakonsensya naman tuloy ako. Nagsigawan ang mga kaklase namin dahil free cut na daw. Tsk. Bumalik pa kami, magpapauwi din pala.
"Hala Karma, sad naman. Ang tagal mo siyang hinintay bumalik dito tapos ganyan lang din. Baka nagkatotoo na yung hula."sabi ni Rowell
Akala ko modern dito sa Red City pero ang dami pala nilang paniniwala dito.
"Maybe. Don't bother her."sabi pa ulit ni Karma
Lumapit sakin si Yukhei tapos naupo sa desk ko. Isa pa ito eh. Aasarin lang niya ako.
"Grabe ka pala Momo. Hindi mo ba alam kung ilang taon kang hinintay ni Karma?"tanong ni Yukhei
"Hindi ko alam. Ilang taon ba?"tanong ko
"Bilangin mo yung taon simula noong nabubuhay ka"sabi niya na parang naiinis
Napatingin naman ako kay Karma. Seryoso na ulit ang mukha niya.
Gusto kong magsorry. Parang sobrang nasaktan kasi siya sa ginawa ko.Kaya lumapit ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong ginawa ko.
"I'm sorry. Hindi ko kasi alam ang nangyayari. Naguguluhan pa ako. You see, kakarating lang namin dito kahapon and all this stuff, hindi ko maintindihan. Pasensya na ulit Karma"sabi ko
Hindi ko napansin pero nanginginig na pala ako noong mga panahon na yun. It took every bit of my courage to say sorry.
"You don't have to say sorry."sabi niya
"Gago! Andyan na ulit si Mikael, hinahanap si Momo!"may sumigaw
BINABASA MO ANG
Shirozui's Dignity
Teen FictionBagamat isang Shirozui si Momo ay malaki ang pagdududa niya sa kanyang sarili. Tanging dignidad at pangalan lang ang mayroon siya. Noong bumalik sa Red City, ay hindi inaakala ni Momo na makakahanap siya ng tapat ng kaibigan at pag-ibig sa katauhan...