This is sick. Sino nga naman magaakala na makikita ko ulit yung lalaki na yun? Tapos kaklase ko pa siya! Pinaglaruan ko nalang ang fidget spinner trying to divert my stress.
And the whole thing with Karma and Star. Its haunting me. Di mawala sa memorya ko yung nangyari na yun. Beloved huh? I am fool because I believed in that thing.
"Stressed? Wala pang exam ha."sabi sakin ni Gali
Kasama namin si Mikael, first week palang pero kami kami na naman ang magkakasama. I've been trying to avoid Karma. Kaso paano ako makakaiwas. Kaklase ko siya. Kaibigan namin.
"Ugh! That girl. Sino ba siya?"tanong ko
"Dahil pala ito kay Karma. Sabi na eh, gusto mo siya."
Alam ng lahat. Alam ni Jeros. Alam ni Yukhei, at alam kong alam din ni Karma na gusto ko siya. Pero ano ito? Bakit mayroong Star sa buhay niya?
"Gusto ko nga siya Gali. Pero anong magagawa ko mayroon na siyang Star."sabi ko pa
"Momo, kung susuko ka nalang sa mga bagay na hindi mo pa sinusubukan. Hindi ba't parang ang loser mo na nun? No offense. Pero alam kong hindi ka ganyan. Alam mo ang kaya mo, at di mo nalang isusuko si Karma diba?"sabi ni Mika
May sense ang sinabi niya. Sabi nga ni Karma. Ako ang beloved niya. Hindi ko siya basta-basta nalang ibibigay sa kung sinong bituin.
"Naks. Sabi ko na eh may pagkamalalim ka din mag-isip Kael eh"sabi ni Gali tapos nag apir pa silang dalawa
Nag relax muna kami sa cafeteria bago bumalik sa classroom.
"Hinahanap ka ni Karma kanina ha?"sabi ni Yukhei
See? Sakin pa din siya may care. Hindi kay Star. Ako pa din ang gusto niya.
"Thank you dumdum."
Naupo na kami sa upuan. Bale ganito seating arrangement.
Mikael | Galilee | Karma| Ako
Yukhei| Jeros"Hey... I am sorry."sabi ni Karma
Isang hey niya lang, nababaliw na naman ang puso ko. Tapos kinuha niya ulit ang kamay ko at pinisil ito.
"Karma, wala iyon. Ako naman ang gusto mo, hindi ba?"
The last phrase isn't for him. Its for me. Reassurance para sa sarili ko. Gusto ko marinig mula sa kanya.
Kasi sht, ipaglalaban ko na ang pagiging beloved niya kung sasabihin niyang oo.Matagal bago siya nakasagot. Bawat segundo na lumilipas ay lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.
"Yeah. Of course."sabi niya
That's what I wanted to hear. Pero bakit sa confirmation niya lalo ako nagduda? Wala pang kami. Hindi pa siya nanliligaw pero may special na kaming koneksyon. Nakikita ko yun ng mga tao maging ng kambal ko.
"Ikaw, Momo. Ako naman ang gusto mo, hindi ba?"tanong niya
Without a skip I answered yes. Tapos hinawakan ko din ang kamay niya.
"Paalala lang, I can see you guys. Ang cheesy niyo"sabi ng kakambal ko
"Wala ka kasing girlfriend."sabi ko
Ohsht. Ano ba yung nasabi ko? Parang inamin ko na din na girlfriend ako ni Karma. Pinanlakihan naman ako ng mata ni Jeros tapos biglang dumating si Ma'am.
Calculus ang subject and I hate it. Nasabi ko na ba na ayaw ko sa math? Sinabi ni Karma na makinig daw ako pero lalo naman akong inaantok eh.
"Buti tapos na!"sabi ni Gali tapos lumabas na kami ng room
Tatambay sana kami sa computer lab kaso ayoko na makakita ng numbers at letters sa totoo lang.
"Yes! Tara, uwi na tayo huhu"sabi ko
Gusto ko na matulog. Gusto ko na magpagulong-gulong sa kama ko.
"Gagi ka! May isa pang class no!"sabi niya
Nagpunta nalang kami sa student lounge tapos nilabas ang switch namin. Buti nga at binigyan kami ng allowance ni tito Yu kaya nakabili kami ni Jeros ng switch.
"Dala mo, Mika?"tanong ko
Tumango naman siya tapos naglaro kaming apat. Kahit iba iba ang laro namin. Si Karma nagsusulat na naman. Napaka studious talaga. Kaya nga crush ko siya eh kasi di siya pabaya sa studies niya.
Habang si Gali ay naglalaro ng Valorant sa laptop niya. Eto talaga kaibahan ni Karma samin eh. Kami mas pinipili namin maglaro, siya puro aral.
"Yo, boy Nozomi. Tama na muna yan. Baka pumutok na ugat mo kakaaral"sabi ni Mika
"Hoy Mika. Hayaan mo nga siya sa gusto niya."sabi ko tapos binatukan si Mika
"Ang brutal mo talaga Momo! Karma bakit ganito yung girlfriend mo?"angal ni Mika
Di naman ako makatingin sa kanya dahil sa sinabi ng kulokoy na si Mika.
"She's cute when she's angry."sabi ni Karma
"Huh! You made us all feel lonely. Itong lovers na ito"saad ni Gali
Nagtawanan naman kami. Parang dati lang hindi pa kami gaanong close ni Gali. Tapos si Mika naman ay tinatawag akong baby. Ambilis talaga ng panahon. Ngayon sila na yung kaibigan na ayaw kong mawala pa.
"Magboyfriend ka na kasi Galilee! Hindi yung puro Valo ang kasama mo."
"Hay nako Kael. Kung katulad niyo lang din ni Jeros magiging boyfriend ko. Wag nalang. Ayaw ko ng mga genius no!"
Come to think of it. Pare-parehong matatalino mga kaibigan ko, maging si Gali. Eh ako? Katamtaman lang. Kung hindi pa nga dahil sa tulong ni Karma ay hindi ako makakapasok dito.
Nanliliit tuloy ang tingin ko sa sarili ko. I am a Shirozui pero saan ako magaling? I only have my dignity.
"Anong masama sa mga genius? Ayaw mo nun, hindi bulakbol. Tsk."
"Eh basta. Ayaw ko nun! Diba Momo? Hindi naman maganda na puro aral nalang ang mangyayari sa buhay namin. Dapat shempre may romance din"sabi ni Gali
Ewan ko kung pinapatamaan niya si Karma. Pero parang ganun na nga.
"I like Karma dahil responsible siya 'no. Bonding na namin ang pag-aaral"
Pakiramdam ko niloloko ko ang sarili ko. Tama si Gali, gusto ko dim naman ng konting romance. Nakakabagot na din mag-aral. Sa school expected na mag-aral, pati ba naman sa mga future dates namin? Ugh. What is this feeling? Ang childish ko na ba sa iniisip ko?
"Tama na nga yan Momo at Gali."sabi ni Jeros
"Awit! Nalowbat ako."sabi ni Gali
Naghanap naman siya ng saksakan tapos nagpatuloy sa paglalaro.
BINABASA MO ANG
Shirozui's Dignity
Teen FictionBagamat isang Shirozui si Momo ay malaki ang pagdududa niya sa kanyang sarili. Tanging dignidad at pangalan lang ang mayroon siya. Noong bumalik sa Red City, ay hindi inaakala ni Momo na makakahanap siya ng tapat ng kaibigan at pag-ibig sa katauhan...