Maaga pa lang ay ginising na kami para mag-almusal at pagkatapos ay naglinis. Nang magtanghali na ay naghanda ng activity ang mga teachers, naglaro lang kami kasama ang isang klase. Bandang alas dos pa lang ng hapon nang matapos kami.
Sinabihan kami ni ma'am nung nakapalibot kaming lahat, at sinabing may pupuntahan daw kami. Natuwa kami lalo na nung sabihin ng isa kong kaklase na si Leo na may ilog daw dun sa kabilang kalsada, baka pwede raw namin itong puntahan pero hindi pumayag ang mga teachers. May mas maganda pa raw dun na pupuntahan namin ngayon. Nagpasama rin kami sa dalawang taga rito para hindi kami maligaw sa bundok na tatahakin namin.
"Tara na!" Masayang pagyaya ng aming adviser.
Napag-usapan namin siya habang naglalakad na kami papunta sa sinasabi nila. Ilang beses lang kasi namin nakitang nakangiti Ms. Carla. Kadalasan kasi seryoso ito kahit wala sa klase. Hindi naman siya matanda, sa totoo lang ay 22 years old na siya pero ni minsan hindi namin nakitang may kasama siyang boyfriend.
"Alam mo, napanaginipan ko yung taong nakatingin sa atin kahapon..." Rinig kong sabi ni Kia na nasa likuran lang namin.
Nawala na sa isip ko ang kinababahala ko nang marinig ko naman ito kay Kia.
"Nakakatakot ba ang hitsura?" Tanong naman ni Tessa at sinagot siya nito na hindi raw.
Naririnig ko ang pinag-uusapan nila. Nung bago raw tumungtong ang bus sa malubak na daan ay nakita niya raw itong nakatayo sa gilid ng kalsada at nakatingin sa amin. Natakot daw siya dahil kakaiba ang tingin nito. Napalingon ako sa kanya nang ilarawan niya ang hitsura ng taong yun.
Medyo mahaba raw ang buhok nito hanggang baba, nakasuot din daw ito ng itim na pantalon at p.e shirt ng school. Napahinto pa ako sa paglalakad nang banggitin niyang may tinuturo raw ito sa bus na sinasakyan namin.
"Sigurado ka ba sa nakita mo?" Nagulat siya sa tinanong ko.
"Oo. Parang ka-edaran lang din natin siya." Sabi niya.
"Ay naku, panigurado nananaginip ka lang nun." Sabi ni Tessa.
Tumanggi si Kia at sinabing nakita niya talaga pero pinagpilitan ni Tessa sa kanya na baka namalikmata lang siya pero hindi eh, sumigaw kasi siya kahapon.
Sino kaya ang nakita niya?
Hindi kaya, ang nakita niya ay yung taong nakausap ko? Pero paano naman mangyayari yun, nasa kabilang bus siya kahapon nakasakay at nakita ito ni Kia sa tabi ng kalsada. Pero nakapagtataka pa rin dahil nakausap ko siya kagabi tapos bigla siyang nawala. Parehas ba kami nang nakita ni Kia?
Hindi kaya kaluluwa yun na nagpakita sa amin?
Kinilabutan naman ako. Tinabihan ako nila Ivy at sinabing naiiwan na kami ng mga kaklase namin na nasa unahan namin.
"Nakita mo rin ba yun, Quinn?" Tanong sakin ni Kia. Hindi na ako nakasagot dahil hinila na ako nila Eliana palayo kina Tessa.
Gusto ko pang makausap si Kia kaya lang ay sinabihan ako ni Calli na may pagka-weirdo raw ito. Kung anu-ano raw ang nakikita nito pati sa school. Kakausapin ko na lang siya mamaya kapag may pagkakataon.
Matapos ang mahabang paglalakad ay nakarating na rin kami sa sinasabi ni Ms. Carla. Marami ang natuwa. Maganda nga tulad ng sinasabi nila, pero hindi ko makuhang magustuhan, ni hindi ko na nakunan ng pictures. Sila Ivy ang gumamit ng digicam ko. Nakikisama na lang ako sa picture pero ang isip ko'y malayo rito.
"Seryoso ka ba?" Gulat na tanong nila nang ikuwento ko sa kanila ang lahat ng sinabi nung estudyanteng nakausap ko.
"Bakit hindi mo sinabi samin kagabi?!" Sabi ni Ivy.

BINABASA MO ANG
Retreat
Short StoryFirst story na ginawa ko nung second year high school pero hindi natuloy. Nitong 2021 ko lang ulit tinuloy pero hindi rin matuloy-tuloy dahil tinatamad kaya inabot ng 2023. Cliche ito at hindi maganda kaya huwag ng mag-abala pang basahin ito. Lol 01...