Chapter XIII

6.6K 1.1K 85
                                    

Chapter XIII: New Order Alliance

Kumalat ang maharlikang aura ni Finn sa buong silid. Tumayo si Ursur mula sa kanyang pagkakaupo at bahagya siyang umatras. Pinagmasdan niya ang pagliliwanag ng binata at ang unti-unting pagbalot ng asul na berdeng enerhiya sa palibot ng binata. Makikita ang magkahalong gulat at paghanga sa kanyang mga mata. Nasurpresa siya nang makita ang magkasanib na enerhiya ng binata.

“Napag-isa niya ang kanyang dalawang magkaibang kapangyarihan? Posible ang bagay na ito?” gulat na bulalas ni Ursur.

Habang si Ursur ay gulat at humahanga, ang maharlikang aura naman ni Finn ay umabot na sa iba’t ibang silid ng «Raven». Naramdaman ito nina Gin, Gris at ng iba pa na kasalukuyang nagninilaynilay. Napahinto sila sa kanilang ginagawa at napatingin sa direksyon kung saan nagmumula ang maharlikang aura.

Huminga ng malalim si Gin at pabulong na nagsalita, “Ang kalidad ng aura ni Finn… Nagawa niyang agad na makatapak sa 7th Level Heaven Rank sa loob lamang ng ilang oras..? Paano niya nagawa iyon?”

Ito ang tanong ng lahat ng nakasakay sa «Raven». Maging sa silid-pagsasanay na isang espesyal na silid ay umabot ang aura ni Finn.

Napahinto sina Python, Grey at Zed sa paglalaban. Napatitig sila sa direksyon kung saan nagmumula ang aura. Mahigpit na hinawakan ni Zed ang kanyang sibat at muli niyang hinarap sina Python at Grey.

“Hindi dapat tayo nagpapahuli!” sigaw ni Zed bago siya sumugod sa dalawa.

Mas lalong ginanahan ang tatlo sa kanilang laban. Naging determinado pa sila at mas nagsumikap na magsanay dahil sa pag-angat ng antas ni Finn.

Napag-iiwanan na sila sa lakas, pero, hindi sila pinanghihinaan ng loob dahil naniniwala silang darating ang araw na makahahabol din sila kay Finn.

Samantala, nagpatuloy pa rin si Finn sa pag-absorb sa natitirang enerhiya ng Energy Fruit. At noong matapos siya, dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay napakaginhawa ng kanyang pakiramdam. Pakiramdam niya ay ang gaan-gaan niya, at pakiramdam niya ay mas lumakas pa ang kanyang kapangyarihan.

Huminga ng malalim si Finn kasabay ng paglalaho ng enerhiyang nakapalibot sa kanyang katawan. Iminulat niya nang dahan-dahan ang kanyang mga mata at agad siyang bumaling kay Ursur na kasalukuyang nakatingin pa rin sa kanya.

Bumakas ang pananabik sa mukha ng binata nang maramdaman niyang tumaas ang kalidad ng kanyang aura. Isa na siyang ganap na 7th Level Heaven Rank, at bukod pa roon, hindi na-epektohan ng pagkain niya ng likas na kayamanan ang kanyang soulforce coil.

Tumaas muli ang kanyang antas! At ang kanyang kabuuang lakas at kapangyarihan ay siguradong mas malakas na rin kumpara dati!

“Ang likas na kayamanang iyon ay talaga namang kahanga-hanga!” nananabik na giit ng binata. Agad siyang tumayo at bahagyang yumuko sa direksyon ni Ursur, “Maraming salamat, Ursur!”

Inilahad ni Ursur ang kanyang munting kamay at malumanay na nagsalita, “Magkaibigan tayo. Hindi mo na kailangan pang maging pormal, Kaibigan.”

Lumapit si Ursur kay Finn at masusi niyang pinakiramdaman ang aura nito. Makikita ang pagkalito sa kanyang mga mata habang sinusuri niya ang binata.

“Kahit na hindi mo maabot ang 9th Level Heaven Rank dahil sa Energy Peach na iyon, dapat ay umabot ka man lamang sa 8th Level Heaven Rank. Isa pa, naguguluhan ako kung paano mo na-absorb ng direkta at ganoon kabilis ang natural na enerhiya ng Energy Peach,” malumanay na hayag ni Ursur.

Napakamot sa ulo si Finn at mahinang napabulong, “Paano ko ba ito ipaliliwanag…” Huminto siya at pilit na ngumiti bago magpatuloy, “Hindi ko rin maipaliliwanag sa’yo ang tungkol sa bagay na ito. Ang tanging masasabi ko lang ay iba ako sa isang pangkaraniwang adventurer. Ang aking soulforce coil ay kakaiba..”

Legend of Divine God [Vol 7: Continental War]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon