*RINGGGGG
*Lana's calling*
"Hello Addi tapos kana ba??" Sabi ni Lana.
"Yes nandito nako sa labas nang building."
Nang matapos ako magencode pinauwi nako ni engineer dahil wala na man daw ibang gagawin.
"Sige intayin mo kami ni Zay malapit na kami diyan."
"Sige ingat kayo." At binaba ko na yung tawag.
Habang nag iintay nakita ko si Ella na pauwi na rin.
"Addi pauwi kana ba sabay ma tayo." Nasa kilid ko na siya.
"Ayy salamat Ella pero may iniitay pa kasi ako."
"Ganun ba sige una na lng ako bye Addi ingat." Naglakad na siya patungo sa may jeep.
"Sige Ella byeee ingat rin!" Pasigaw kong sabi at kumaway.
Mga ilang minutes pa akong nakatayo may biglang bumisina sa gilid ko.
"Halika na." Sabi ni Lana nakababa na yung bintana. Kaya sumakay nako sa kotse ni Zay.
"Ang tagal niyo na man." Reklamo ko pagkasakay.
"Wow na man madam may meeting papo kami." Sabi ni Lana.
"Ang tagal kasi ni Lana Addi." Sabi na man ni Zay.
"Wag kana mabigla Zay matagal yang si Lana." Sabi ko na si mapiggilang matawa dahil sa itsura ni Lana.
"Edi ako na ang may kasalanan sa susunod sasabihan ko yung principal namin wag na niyang tagalan mag meeting nakakahiya na man sa inyo noo." Di na maipinta ang kanyang mukha habang sinasabi yun.
"HAHAHAHAHAHA" di namin mapiggilan tumawa ni Zat.
Nagusap lang kami nang bagay² at nagkumustahan na rin habang papunta sa restaurant kong saan kami magdidinner. Nang nakarating na kami ron nakita kona si Treshia at Trinity si Kallista wala pa.
" Here guys." Sabi ni Trinity habang kumakaway samin.
Napatingin ako sa paligid wala paring panibago talaga parang dati lang pero lalo lang siyang lumaki at marami na ring kumakain yung walls glass na maraming tables na rin dati kasi semento lng ang walls nila tas maliit lang siyang restaurant pero ngayon ang laki na at dinadagsa na talaga nang mga tao.
"Order na tayo?" Sabi ni Trinity habang nakatingin sa menu.
"Wag muna Trin wala pa nga si Kallista." Sabi ni Zay nang nakaupo na kami.
"Ou nga na man Zay sige intayin muna natin yung presidente." Sabi ni Trinity kaya binaba niya na yung menu.
Magkatabi kami ni Zay tas sa gilid niya ay si Treshia na tahimik lang sa tapat ko na man ay si Lana sa gilid na man niya si Kallista at sa gilid na man ni Kallista ay si Trinity means nasa gitna si Zay at Kallista.
"Kallista here babyyy!!!" Nabigla kami sa pagtayo at pagsigaw ni Lana habang kumakaway pa baliw talaga tong isa to.
Napatingin kami sa likod habang papasok na siya ay sila pala as usual may bodyguard na naman pero himala isa lang ngayon minsan kasi kong magkakayayaan kami may kasama siyang bodyguard pero batalyon pa talaga, napatitig ako sa kasama niya all this years siya parin ang kasama nito buti na man at di niya pinabayaan si Kallista. May sinabi si Kallista sa kasama niya tumango na man ito at lumabas.
"Hi girls Im sorry late na naman ako." Sabi ni Kallista habang nakikipagbeso samin.
"Ano kaba Kalli okay lang noo alam na man naming busy ka." Sabi ni Treshia.