Makalipas nang ilang araw trabaho at bahay lang ako kagaya nung dati school, bahay at trabaho yan lang ang routine ko araw-araw kaya na sanay na talaga, makagala lang pag nagkakayayaan yung mga kaibigan o di kaya makauwi na yung dalawa si Treshia at Trinity. Ilang araw nako sa trabaho buti na man di ako masyadong pinapaggalitan ni engineer pero may mga times talaga na sinisita niya ko pero okay lang naman kasi bago pako dito at handang matuto.
Nagencode ako ng bigla akong tinawag ni engineer.
Pagkapasok ko. "MISS REYES BAKIT GANITO BAKIT KULANG AT BAKIT IBA YUNG PETSA NEXT WEEK PATO HAA!!!!!" Sigaw niya sakin na siyang ikinabigla ko. "S--s--sorry po engineer di ko po sinasadya.," Nakayokong tugon ko sa kanya. "DI MO SINASADYA ILANG ULIT KONG SINABI SAYO NA KAYLANGAN KO YUN NGAYON DIBA!!!!" Nakasigaw parin siya. Ito na yata ang grabeng paggalit niya sakin. Totoo na man kasing di ko talaga sinasadya lutang kasi ako nun nako na man talaga. Pero kasalanan ko parin na man. "S-s--sir di na po talaga mauulit sorry po talaga. Gagawin ko na lang po." Nakayoko parin ako.
"Hayst wag na kunin mo na lang yung pinaggawa ko sa 12th floor hanapin mo si Ella tas sabihin mo yung pinaggawa ko." Mahinahon na siya ngayon salamat na man. Wala pang ilang minuto kumaripas nako baka mapaggalitan na naman ako.
Nang nakarating ako sa 12th floor agad kong hinanap si Ella.
"Ella yung pinaggawa daw ni engineer Gamorra." Nakadungaw nako sa cubicle niya. "Ayy, ou nga pala ito na Addi." Nakangiting sabi ni Ella.
Dala-dala ko yung mga papers at tinitingnan ko isa-isa. Ha? Ito yung pina encode niya tas namali pa ko. Napangiti na lang ako ng kusa. Pero nakakainsulto rin kasi akala niya di ko kaya yung pinapaggawa niya ako yung secretary niya pero pinaggawa niya sa iba, pero ako talaga yung may mali. Pero pasalamat na lang ako kasi tinulongan ako ni Ella kong di lang ako lutang nun kaya ko na man eh, kulang talaga ako sa tulog nung panahon na yun kaya ganun. Pero sa susunod pagbubutihan ko na talaga another lesson learned na to sakin na pagbutihan ang mga ginagawa at magfocus.
Palukso-lukso kong lakad patungo sa office ni engineer ng makapasok ako. "Ito na po engineer." Ngiti kong saad sakanya.
"Tsk, put it there. At pwede kanang umalis be back at 12pm dalhan moko ng lunch." Maytinitipa siya sa keyboard nang computer at di parin siya nakatingin sakin. "Okay po engineer ano po gusto niyo sa lunch?" Nakangiti parin akong nakatingin sa kanya, para akong timang. "Hmm.. anything na lang." Di parin siya nakatingin. "Okay po engineer." Pagkasabi ko nun at lumabas nako.
Nang nag 11:30 na agad akong tumayo at bumili ng lunch pero di sa cafeteria ng building, bumili ako ng lunch sa Paradise medyo malayo nga lang. Pagkasakay ko nang jeep ay di ko inaasahan ang traffic pala. Sana dun na lang ako bumili nang lunch sa building o di kaya sa mcdo pero wala na kong magagawa nandito nako alangan na man bumalik pako hayst.
Pagkarating ko sa Paradise napasapo ko ang noo ko kasi di ko na naman inaasahan ang haba pala ng pila, napatingin ako sa relos ko 11:45 na pala baka mapaggalitan na naman ako dahil ang tagal ko.
"Hi maam, oh Addi ikaw pala yan ikaw lang ba or kasama mo sila?" Ang daldal talaga nitong si Marie isa sa mga nagtratrabaho dito sa Paradise.
"Ou Marie nagmamadali kasi ako napaggutosan lang ng boss ko." Tinitingnan ko yung mga pagkain at aligaga na. "Ganun ba sige ano yung bibilhin?" Tanong niya. "Yung kare-kare, lumpiang shanghai at chicken joy na lang at dalawang kanin na rin Marie." Yun na lang ang pinili ko. Pero masasarap talaga mga pagkain nila dito kaya nga binabalikan talaga to. Pagkaabot niya nung binili ko at nagbayad nako agad akong kumaripas ng takbo sa may jeep. Buti na lang nakasakay ako agad at walang traffic patungo sa GCB.
Ng nakababa nako tumakbo ako papasako ng building at sumakay na nang elevator. Pagkarating ko sa 13th floor tumingin ako sa relo ko patay 12:20 na. Nasa harap na ako ng office ni engineer pero hinahabol ko parin yung hininga na para bang galing ako sa pagkarera patungo dito. Nagayos muna ako saglit at naisipang pumasok na sa loob.