ANONG SECTION KAYA SI BEE?
Bukod kay Candice, isa na rin siya sa hindi mawala sa isip ko. Pambihira namang buhay 'to.
Hindi naman kasi siya dapat magalit sa 'kin, e.
May naalala lang ako sa nakaraan kaya kung saan-saan na lumipad 'yong utak ko, kaya hindi ko siya nasagot kanina. Hindi ko matanggap na sinungitan niya ako kanina. Hindi ang isang Jeydon Lopez.
"Problem mo, Jaydee?" tanong ni Troy. "Babae na ba 'yan?"
Hindi ko pinansin si Troy pero for the first time, tumama siya. Babae na nga 'tong iniisip ko.
Anak ng tupa!
Dumating na rin sina Marky at Tandang Charles. Dagdag sa mang-aasar sa akin kaya mas mabuti pang umalis na ako rito.
Pagtayo ko, hinawakan ni Tanda 'yong balikat ko para ibalik ako sa pagkakaupo ko. Malakas din talaga 'tong gurang na lalaking 'to. Hindi na ako nakapalag.
"Saan punta natin, Jeydon? Kakadating pa lang namin, ah? Ganyan ba dapat ang leader ng Phoenix? Dapat entertain mo muna kami ni Kie."
Psh. Lagi na lang pinangbabara sa 'kin ni Charles 'yang pagiging leader ko ng Phoenix. Siya na lang kaya mag-leader tutal mas barumbado naman siya sa akin.
"Lul ka, Tanda, tigilan mo ko." Tumayo ako at hindi na ako nagpapigil sa kanya. Wala ako sa mood makipag-asaran. "Makaalis na nga."
Hindi na nagsalita si Marky pero ngumisi siya. Sa kanilang tatlo, siya ang pinaka-close ko sa lahat. Pakiramdam ko, alam na niya ang problema ko.
Dinig na dinig ko pa 'yong mga sigaw nila habang papalakad ako palayo.
Gusto kong maglibot sa school, baka makita ko si Bee sa paligid. 'Yon kaya talaga 'yong totoo niyang pangalan? Hindi ko pa nakuha lahat, mas madali sana ipahanap 'yon sa registrar. Isa sa may-ari ng school na 'to sina Troy kaya madali lang 'yon.
Kaso mukhang nickname niya lang 'yong Bee.
Bee . . . Bee . . . Bee . . .
Asan ka ba?
Umupo ako sa ilalim ng puno sa dulo ng soccer field. Mainit na kasi kaya kailangan kong sumilong. Baka umitim pa 'yong mukha ko. Mabawasan pa 'yong kagwapuhan ko. Mahirap na at baka hindi na rin ako matipuhan ni Bee.
Teka nga, gusto ko ba talaga 'yong babae na 'yon?
Madali lang ako magkagusto sa isang babae, 'yong Candice ngang 'yon, ilang minuto lang, parang tinamaan na ako, pero mahirap makuha ang puso ko.
Kaya nga hanggang ngayon, wala pa rin akong girlfriend kahit si Troy nakaisang dosena na ata. Parang kada buwan, nagpapalit ng babae.
Mahirap kunin ang puso ng isang bad boy na kagaya ko pero kapag nakuha mo na 'yon, kukulangin 'yong space ng puso mo para sa pagmamahal na ibibigay ko.
Kaya better talaga ang mga bad boy kaysa sa good boys na 'yan. Baka kapag nagkagulo na, mas mauna pa silang tumakbo.
Kaya naghiway si Isaac tsaka 'yong girlfriend niya dahil noong naipit sila sa rumble, iniwan niya sa gitna 'yong GF niya, pagkatapos tumakabo siya palayo. Tinext na lang niya 'yong babae pagkauwi niya.
Kung hindi ba naman siya isang dangkal na gago.
Kung ako 'yon, baka lahat ng hahawak sa girlfriend ko, matumba ko.
Ano nga kaya pakiramdam na may girlfriend ka?
Yeah, no girlfriend since birth pero I'm so fucking proud of it. Napanatili ko 'yong virginity ko para sa magiging asawa ko.
BINABASA MO ANG
Jeydon Lopez
RomanceThis is my life... Jeydon Lopez is the epitome of the word 'bad boy'. He doesn't care about girls and romance. Not at all. But what people don't know is that if bad boys like him fall for someone, they fall hard. Sometimes, they fall too much it bre...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte