HINDI PA MAN KAMI NAGHAHARAP PERO SOBRANG BILIS NA NG TIBOK NG PUSO KO. Halo-halong emosyon 'yong nararamdaman ko ngayon.
Sisigawan niya ba ako? Susuntukin? O makikipaglaban na naman siya sa junjun ko?
Mas okay na 'yong ganito isipin ko para hindi ako ma-disappoint. Knowing her, palaban siya at hindi papatalo. Parang 'yong batang Candice.
Sa gilid ng field na may mga table kami mag-uusap. Ayaw niya sa cafeteria kung saan maraming tao. Sinabihan ko rin 'yong tatlo sa pag-uusap namin at sila na raw bahala para walang masyadong pumunta sa meeting place namin ni Bee.
Nakaupo na siya sa meeting place. Diretso lang ang tingin niya sa field. Matapang pa rin ang awra niya kaya mas lalo akong kinabahan.
Tahimik akong umupo sa tabi niya. Hindi ako nagsalita dahil hinihintay ko siya. Hindi ko alam kung paano ang atakeng gagawin ko.
"Alam ko 'yang ginagawa mo," sambit niya. "Madali ka lang naman basahin, Jeydon."
Isang malaking buto ata ang nalunok ko. Hindi pa rin tumitigil ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
"A-Anong ibig mong sabihin, Bee?"
Sabay kaming napatingin sa isa't isa.
"Nilalapit mo ang sarili mo sa kapatid ko para mas lalo mo siyang masaktan. Hindi man sa pisikal pero 'yong emosyon niya na ang aatakihin mo. Tama ako, 'di ba?"
Umiling ako, totoo na nilalapit ko ang sarili ko kay Isaac pero hindi para saktan siya, kung hindi para mapalapit ako sa kanya.
"Hindi totoo 'yan. Bumabawi lang ako sa kanya dahil nagkamali ako ng iniisip sa kanya. Mali na sinaktan ko siya, okay? Aminado ako na mali ako."
Tumaas ang kanang kilay niya. Mukhang hindi siya kumbinsado sa mga sinasabi ko. Ang hirap kaya aminin na mali ka. Sana man lang, ma-appreciate niya 'yon.
"Ang isang Jeydon Lopez, humihingi ng sorry at umaamin na mali siya?" Tumawa siya nang malakas at may pagpalo pa sa hita niya. "May lagnat ka ba? O baka kasama 'to sa mga palabas at plano mo?"
Hindi naiwasan na magsalubong ang kilay ko. Gano'n na ba talaga kasama ang tingin nila sa 'kin? Oo, hindi ko talaga ugali ang mag-sorry pero meron pa rin namang mga pagkakataon na ginawa ko 'yon.
Hindi naman ako gano'n kasamang tao.
"Sincere ako sa pag-sorry ko kay Isaac kaya sana h'wag mo akong pag-isipan ng masama."
Totoo naman 'yon, sincere 'yong paghingi ko kanina ng sorry sa kapatid niya. Hindi lang gano'n ka-sincere 'yong gusto kong maging close kami pero malay ko, baka magustuhan ko talaga siyang maging kaibigan.
Kung titingnang mabuti, mukhang okay naman kausap at kasama si Isaac.
"Masama kang tao, e. Paano ka hindi pag-iisipan ng masama?"
May kumurot sa dibdib ko . . . sa puso ko.
Alam kong bad boy ako, pero sa ibang aspeto. Kaya masakit na sabihin sa mukha kong masama akong tao. Hindi naman ako kriminal. 'Yong mga sinuntok ko noon, mga inaway ko, may dahilan 'yon at hindi lang basta trip ko.
Hindi na ako nakapagsalita sa sinabi ni Bee.
Ano pa bang sasabihin ko?
Ipagtatanggol ko ba ang sarili ko?
Kung masama na ang tingin sa 'yo ng isang tao, kahit ano pang paliwanag mo, masama ka pa rin sa tingin nila. Hindi gano'n kadaling baguhin ang iniisip nila sa 'yo.
Pero hindi rin naman niya kasalanan. Wala siyang kasalanan dito.
"Irerespeto ko 'yang pananaw mo sa 'kin. Ayan din naman talaga ang image ko rito sa school, 'di ba?"
BINABASA MO ANG
Jeydon Lopez
RomanceThis is my life... Jeydon Lopez is the epitome of the word 'bad boy'. He doesn't care about girls and romance. Not at all. But what people don't know is that if bad boys like him fall for someone, they fall hard. Sometimes, they fall too much it bre...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte