C9- Partner

2.4K 109 5
                                    

Max's POV

Napansin kong hindi mapakali si Sevi sa inuupuan niya. Katabi niya pa si leader malamang naiinis pa din siya dito.

"Bakit ala pa yung chanak na yon?"tanong niya kay Min.

Oo nga no? Sabi niya susunod siya e, pero malapit ng magsimula yung klase ala pa din siya.

"Puntahan na kaya natin si cutie baka mamaya napaano na yon."si Tim na mukang nagaalala na din.

Tatayo na sana kami ng pumasok na si Miss Cassy, siya yung nagtetraining sa amin.

Binati nya lang kami bago nagsimulang magdiscuss. Hindi naman daw siya magtatagal dahil may pagusapan daw sila ng Hm.

"Iyon nga, magiging by partner na yung training ngayon. Kayo ng bahala kung paanong training ang gagawin niyo. Sa susunod na buwan gaganapin ang ranking." bat parang antagal ngayon ng ranking? dati isang linggo pagkatapos ng pasukan nagraranking na.

Nagsimula na siyang magsabi ng magkapareha.

Nasaan na kaya si baby girl? Nako namang bata na yon kung saan-saan nagpupunta. Baka mamaya naligaw na siya sabi ko na kasi na sumabay na saamin e. Ang tigas ng ulo! Parang matanda na siya talaga kumilos.

"Looney Kendall- Maximum Walter." kinindatan ko si Loo ng tumingin siya sa akin.

Pfft. Namumula na naman si my labs.
Ganda talaga! Buti na lang at sa akin lang siya. Tama, magkasintahan kami. Alam na din naman ng grupo at buong school na may relasyon kami kaya wala ng lalaki ang nagtatangkang lumapit sa kanya.

"Severino Sariddan- Tarahmiya Herrera." Pfft. ang bantot talaga ng pangalan ni Sevi.

"Timmy Yalixto- Marro Tenorio."lagot na baka magsabunutan lang yung dalawa na yan. Hahaha

"Mininum Walter- Bullet Havexer."napatayo si kambal habang namumutlang nakatingin kay leader. Hala siya! Hahaha bugbog sarado kang kumag ka.

"Mr. Havexer kasama niyo din si Miss Okeigh Dacier. Ikaw ang gusto ni Hm na magtrain sa kanya." dagdag ni Miss Cassy.

"Narinig mo yon kambal? Sa amin si baby girl. Hihi mukang masaya to."excited talaga siya.

Nakakainggit naman si kambal buti pa siya kasama si baby girl. Teka? Kaya niya bang sumabay sa mga Senior? Sa pagkakaalam ko iba-iba ang ranking sa bawat level e.

Pagabi na ng matapos kami sa pinagawa ni Hm. Pinapunta niya kami sa dulo ng Parson dahil may kumakalat na balitang may mga magnanakaw na umaaligid doon. Mabilis naman naming nahuli ang isa sa mga ito at isinama sa basement ng academy. Si Hm na daw ang bahalang magparusa sa kanya. Baka pag si Bullet pa ang humawa ay malamang sa malamang hindi na siya sikatan ng araw kinabukasan.

"Kamusta na kaya si bebe? Nakakain na kaya siya?" napahinto kami sa tanong ni Tarah.

"HALA!" napatakip pa ng taenga si leader ng sabay- sabay kaming sumigaw.

Nawala sa isip namin si baby girl! Kaasar naman kasi si Hm pwede namang si leader na lang ang papuntahin pinasama niya pa kami. Malamang hindi pa kumakain si baby girl wala namang pambili ng pagkain yon. Almusal pa ata yung huling kinain nya.

Tatakbo na sana kami ng pinigilan kami ni Marro.

"Bumili muna tayo ng pagkain." tama siya.

Humiwalay si Sevi at kambal sa amin dahil pupunta sila kay Hm para itanong kung nasaan ang dorm ni baby girl.

Pagkatapos namin mamili ay nagkita-kita kami sa labas ng dorm ni baby girl. Kawawa naman siya malamang gutom na gutom na yon.

Pagkabukas niya ng pinto ay dinamba namin siya ng yakap. Namiss ko siya ng sobra.

Ok's POV

"O ayan kaninin mo pa yan, pati ito nangayayat ka kaagad baby girl."subo lang ng subo sa akin si Min.

"Mabulunan naman si chanak! Puno pa yung bibig niya oh."sabay painom ng tubig sa akin.

Nasa tabi ko sina Min at Sevi sila na lang daw ang magpapakain sa akin.
Yung iba naman ay busy sa pagaayos ng dala nilang mga pagkain.

Masyadong marami yung binili nila dahilan nila ay para daw hindi ako magutom at palagi naman daw silang makikikain dito kaya may makakatulong ako sa pagubos ng mga ito.

Meron namang ref dito sa dorm. Bawat isang kwarto ata ay mayroong ganyan.

"Bakit kasi hindi mo sinabi sa amin na ngayon kana maglilipat? Edi sana natulungan ka namin." napaiwas ako ng tingin sa isa pang nilalang na nakaupo sa harap namin.

Nagtataka ako kung anong ginagawa niya dito. Napahawak ako sa dibdib ko ng bumilis ulit ang tibok nito.

"Hala! Nabubulunan kaba? Eto ang tubig bilis inumin mo na." tarantang sabi ni Sevi na inilingan ko lang.

"Pupuntahan ko sana kayo kanina kaya lang nasalubong ko si Miss Cassy sabi niya umalis daw kayo. Tinulungan naman ako ni Miss Yurien kaya hindi ako nahirapan." sagot ko na lang sa kanila.

"Ahh oo pumunta kasi.." hindi natuloy ang sasabihin ni Min ng samaan siya ng tingin ni sungit.

"Napakadaldal mo no?"napayuko lang si Min sa tabi ko.

Hmp. Napakasama ng ugali neto. Makakaganti din ako sayo humanda ka.

"At ikaw bansot nasabi na ba sayo ni Miss Cassy na kasama ka namin ni Min sa training?" napanguso ako sa tinawag niya sa akin.

Bansot talaga? Hindi ba pwedeng sweetheart? Ganon kasi ang tawag ni tatay kay nanay. Hihi gusto ko din ganon tawag niya sakin. Mate ko naman siya e.

Narinig ko pang nagpipigil ng tawa si Sevi kay kinurot ko siya ng pino sa tagiliran. Napangiwi siya ng todo dahil don. Hmp. Pangit!

"Oo mahal!, este mahal na pinuno pala."
Sinamaan niya muna ako ng tingin bago tumungo sa sofa at doon humiga. Kinuha niya pa si mickey ko at ginawang unan. Napangiti naman ako dahil doon.

"Gisingin niyo na si leader." nagtutulakan pa yung limang lalaki kung sinong gigising sa masungit nilang leader.

"Ako ayoko. Kayo na lang."sabi ni Sevi.

"Ako din. Mahal ko pa ang buhay ko."si Min.

"Gusto ko pang maabutan ang magiging baby ni cutie."sinamaan nila ng tingin si Tim.

"Anong baby?!! Hindi pwede! Ang bata niya pa!"yamot na sabi ni Max.

"Hayaan na lang natin siya dyan. Umuwi na tayo. Matulog kana bebe. Huwag kana lang lalapit kay Bullet okay?" tinanguan ko na lang si Tarah.

Hinatid ko na sila sa pinto. Hinalikan muna nila ang noo ko bago umalis.

"Hindi kaya mag-amoy panis na laway ka niyan bansot?" napapiksi ako sa gulat ng madinig ko ang boses na iyon.

Lumayo ako ng kaunti sa kanya dahil nahihirapan akong huminga.

"Umm ano. Hindi ka pa ba uuwi pinuno?"kinakabahang tanong ko.

"Hindi. Dito ako matutulog."turo niya sa sofa ko.

Ginulo niya lang ang buhok ko sabay higa ulit sa sofa.

Umakyat ako sa kwarto para kumuha ng extrang kumot at unan. Nahirapan pa ako ng binaba ko sa hagdan ang mga ito.

Napamulat siya ng mata ng kinalabit ko siya sa braso.

"Unan at kumot."ngumiti lang siya saka kinuha ang mga ito.

Mabilis na tumakbo ako papunta sa kwarto. Napahawak pa ako sa bibig para pigilan ang tiling gustong kumawala dito. Binaon ko ang mukha ko sa unan ko. Iiihhhhhhh!!! Kinikilig ako. Napahagikgik ako ng maalala ko ang ngiti niya.

Ang pogi pala ni pinuno. Hihi Buti na lang wala si tatay at nanay dito malamang kinurot na ako ng mga iyon pag nalaman nilang lumalandi na ako dito.

Legendary VaudevilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon