C11- Kiss

2.4K 134 4
                                    

Min's POV

Nakatingin lang ako kay baby girl na  halatang inaantok pang nakaupo sa ibabaw ng mesa. Gulo- gulo ang buhok niya suot pa din ang pantulog na pink na hanggang ilalim ng tuhod.

Alas kwatro pa lang kasi ng umaga nung ginising kami ni leader. Sinusubuan ko siya ng pancake na niluto ni Bullet. Masarap pala siyang magluto.

"Bilisan niyong dalawa, pagkatapos niyo dyan magbihis na kayo. Sumunod kayo sa akin sa arena." umalis siya pagkatapos magsalita.

----
Ok's POV

Napataas ang kilay ni pinuno ng makita niya kami ni Min.

Parehas kasi kami ng ayos. Ewan ko ba sa manong na yan siya kasi ang naghanda ng mga isusuot ko.

Nakapula kaming damit at itim na short pinaresan niya din ng sapatos na kulay puti. May nakatali pang bandana sa ulo namin. Kinulayan niya pa ng kulay itim ang pisngi ko, sa noo ko naman nilagay ang sa kanya.

Pinalapit  kami ni pinuno sa kanya at sinimulang sabihin ang gagawin namin.

"Meron kayong isang oras para matapos yan." nakatayo lang siya sa gilid.

May nakataling bato sa bewang namin ni Min, mas malaki nga lang ng kaunti yung sa kanya. Ang gagawin lang namin ay takbuhin ng labinlimang beses ang buong arena.

Madali lang naman yung pinapagawa niya sa amin. Si nanay kasi buong puno yung pinahila niya sa akin mula bungad ng Galyon hanggang sa dulo. 

Grabe yung dinanas ko kay nanay nung mga panahon na yun. Sabi pa niya na mas malala pa daw ang mangyayari pag si tatay ang nagtraining sa akin kaya magpasalamat pa daw ako.

"Tara na baby girl."aya sa akin ni Min.

Sabi ko ay mauna na lang siya. Mahaba naman yung oras na binigay ni leader e. Hinila ko yung bato papunta kay pinuno.

"O ano pang hinihintay mo bansot?" inirapan ko lang sya tapos ay humiga ako sa hita niya.

"Gisingin mo ako limang minuto bago matapos ang isang oras."tango lang ang sinagot nya.

Ramdam kong inalis niya muna yung bato sa bewang ko at inayos niya pa yung higa ko.

Min's POV

Nakaka labing isang ikot nako sa buong arena. Nanginginig na yung mga binti ko. Natanaw ko si baby girl na natutulog sa hita ni Bullet. Ang daya talaga ng isang yon may pinapaburan.

Napatingin ako sa orasan na nasa braso ko parehas kami ni baby girl neto. Pinasadya ko pang lagyan ng pangalan naming dalawa kaya napamahal ako ng bayad.

Labinlimang minuto na lang matatapos na ang oras. Tumuloy na lang ulit ako sa pagtakbo. Nanunuyo na yung lalamunan ko, tagaktak na din yung pawis ko.

Bawal daw huminto sabi ni leader, hindi tuloy ako makakain ng stick-o kaya wala akong energy ngayon.

Isang ikot na lang matatapos na ako. Limang minuto na lang ang natitira. Napatingin ako kay Bullet na tinatali yung bato sa bewang ni baby girl.

Hmp. Baka isang takbo lang yung magawa ni baby girl sa sobrang lawak ng arena na to e.

Napapikit ako ng may dumaang malaks na hangin sa harap ko. Halos lumuwa ang mata ko at sumayad ang bibig ko sa sahig ng makita kong mabilis na tumatakbo si baby girl. Bakit ko ba nakalimutan yon? Bampira nga pala siya!!!!!

"Waaaaahhhh baby girl andaya mo!!!!!" ang matinis na tawa niya lang ang maririnig sa buong arena. Aba't ginaya niya pa talaga yung tawa ng mga witch.

Legendary VaudevilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon