1

1 0 0
                                    

┏━━━━•❅•°•❈•°•❅•━­━━━┓

I AM NOT THE PROTAGONIST
OF THIS STORY.

┗━━━━•❅•°•❈•°•❅•━━━━­┛

RAVEN

The House of Grimaldi was one of the founding family of the Empire. The House of Grimaldi has always been producing a great fire mage for the empire every year. And lucky me, I am the only daughter of Duke Chalridge Grimaldi. I'm the youngest among my siblings, I have three brothers that are a successful fire element user.

My family doesn't pressure me to be the best, or atleast be par on my brothers, instead they showered me with love and the eldest, Valerian, doesn't want me to be part of the army, that's why he's always against me, using my magic. But unlucky him, I will be attending the best academy at the Central Magnolia.

"Raven, honey!" My mom called me and it snapped me out of my reverie.

Nilingon ko sya at nginitian sya nang matamis. "Hello, mom."

May iniabot sya sa aking libro. "Kung may maging kaklase ka man na ang pangalan ay Bellatrix, o kaya naman ay Lianna, ibigay mo sa kanya ang librong ito." Seryosong bilin niya.

Tahimik ko itong tinanggap at agad din naman siyang umalis. Tinitigan ko ang libro, ganito din ang bilin nya sa mga kapatid ko nung sila ang nasa akademya. Hindi ko maintindihan pero kahit naman magtanong ako ay hindi naman sasabihin sakin ni mommy ang dahilan. Ni hindi nga namin alam kung ano ang tunay na pagkatao ni mommy, masyado siyang misteryosa!

Pero ang kwento sa akin ng aking ama, dating miyembro ng isang organisasyon ang aking ina. Hindi nya binanggit kung ano, pero doon daw sila nagkakilala, ni hindi nga daw nya matignan si mommy sa mata! Kasi nakakatakot daw ang aura niya, parang anytime puwede siyang saksakin!

Abot tanaw ko naman mula dito ang dalawa  kong kuya na si Rale Jaxon Grimaldi, at kasama nya si Raye Laxon, at oo, kambal sila, at mas naunang ipinanganak si Kuya Rale. Hindi ko naririnig ang pinaguusapan nila pero parang nag-aaway sila dahil ang sama ng itsura ni Kuya Rale!

Nagtama ang mga mata naming dalawa, kaya medyo kumalma ang itsura niya, pero ramdam pa rin ang sama ng aura niya. Nilingon ako ni Kuya Raye at kinawayan ako. Magkaibang magkaiba ang personalidad netong dalawa. Kung ano ang kinaseryoso ni Kuya Rale, ayun naman ang kinaloko ni Kuya Raye.

Nagulat ako sa biglaang pagkalabog ng mesa. Tinignan ko ang salarin at nakita ko si Casper, the Captain of the Grimaldi Red Knights. Sila ang namamahala sa kapayapaan ng aming lupain, binabantayan din kami upang siguraduhin na ligtas kami, which is not necessary by the way, because our family is powerful enough not to get a scratch.

May inilapag si Casper at isa iyong kwintas.

"Communication device. Kung nasa panganib ka, maaari mong makausap ang sino mang pumasok sa isip mo. Take this as a precautionary measure." Bilin nya sa akin. Para ko na ring ama itong si Casper. Mas bata sya ng limang taon sa aking Ama.

Ang alam ko, apprentice sya ni Mommy, pero mas pinili niyang samahan si Dad noong panahon nila.

Madaming misteryo sa panahon nila Mommy, pero isa lang ang alam ko, komplikado at hindi pa tapos ang gulong pinasok nila.

At ramdam ko na dawit na kami sa gulong iyon.

"Welcome to the academy, Ven!" Pagkapasok ko sa gate ay bumungad sa akin ang sakit ko sa ulo.

"Ano ba Hailey, umagang umaga nagiingay ka na naman." Suway ko at sinabayan sya sa paglalakad.

Alam ko na ang pasikot sikot dito dahil sumasama ako kila Kuya Rale noon kapag inaaya ako. Dumiretso kami sa assembly hall, at pagkapasok na pagkapasok ko, nagtinginan sila sa amin— sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magical TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon