PANTHERAS: THE NEW UNDERGROUND RULERS

4.3K 135 39
                                    

PANTHERAS: THE NEW UNDERGROUND RULERS

...

Huwag ka nang makulit, Yoshiko. Sasama kami sa'yong sumugod papunta roon sa nagpalaki sa'yo!” irap ni Hera.

Balak ni Yoshiko ang puntahan ang nanay na nagpalaki sa kaniya, pagkagising na pagkagising niya. Nalaman niya rin na may DNA testing na pala na nangyari habang tulog siya at nang ipakita sa kaniya ang resulta, hindi niya maiwasan magkaroon ng maraming tanong sa isipan.

Kumunot ang noo niya kay Hera. “Hindi ko kailangan ng kasama.”

“No, you need.” Napatingin siya kay Hero na kanina pang tahimik habang nakatingin sa laptop nito. “Maraming nagbabantay sa bahay niyo ngayon. Hindi mo kakayaning mag isa dahil talagang siniguro ng ama amahan momg hindi makakaalis ang nanay mo mula roon sa inyo.”

Walang nagawa si Yoshiko kung 'di hayaan ang mga 'kapatid' niya na sumama sa kaniya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwalang may mga kakambal siya.

Ang hirap para sa kaniya ang maniwala sa ngayon dahil buong buhay niya, akala niya mag isang anak lang siya ng mag asawang Saavedra.

“Bahala kayo.” Iyon na lamang ang sinagot niya.

Napangisi naman si Hera. “Masanay ka na mula ngayon, Yoshiko — or should I call you Hazionn Zyvier? Since pumayag ka naman nang papalitan ang pangalan mo?”

Napagdesisyonan din ng mag asawang Mendoza na palitan ang pangalan niya pero pinaalam muna sa kaniya ang bagay na yon kung payag ba siya o hindi. At dahil gusto niya rin namang magsimula muli kasama ang mga nawalay na magulang at mga kapatid, pumayag siya.

Yoshiko reminds him of his father's name, Henry Yosh Saavedra. Ang taong walang ginawa kung 'di ang maliitin ang pagkatao niya simula pa noong bata siya. Ngayon, nalinawan na siya na kaya naman pala mukhang walang paki sa kaniya ang ama, dahil hindi naman talaga ito ang tunay niyang ama.

Pero iba ang ina niya. Minahal siya nito ng buo, na parang isang tunay na anak.

“Whatever that satisfies you, Hera,” sagot niya sa kapatid.

“Pero dahil nang chaka ng Hazionn dahil sinunod sa name ni Hazielle, I'll go with Zionn. Cute right?”

Napailing iling naman si Hero. “Let Hazielle hear you, panigurado may world war 3 na naman.”

Hindi sumagot si Yoshiko o Hazionn dahil hindi pa talaga siya masyadong close sa tatlo, lalo na sa isa niyang kapatid na si Hazielle. Nagkakabunggo ang ugali nila dahil parehas sila ng ugali. Kaya hanggang ngayon, never niya pa nakausap ang isang yon.

Nang mauna na si Yoshiko lumabas, agad na sumunod ang dalawa niya pang kapatid. Yung isa kasi, hindi niya alam kung nasaan.

Pero nagulat silang tatlo, pagsakay nila, naroon na sa loob ng kotse si Hazielle.

“Time's running. Nakatunganga pa rin kayo,” sabi nito.

“Sasama ka witch?”

“Yeah. Isn't it obvious?”

“Alright!” masayang sabi ni Hera at sumunod papasok. Ito ang umupo sa driver's seat.

Sumunod naman ng upo si Hero sa backseat at tumabi si Yoshiko roon dahil nasa passenger seat si Hazielle.

“I smell one hella bloody play party!” said Hera then started the engine.

...

HI AGAIN! HAHAHAHA!

Pantheras: The New Underground RulersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon