CHAPTER 1

2.5K 116 29
                                    

HAZIONN IS COMING!!!

⬇️⬇️⬇️

Hazionn's POV
(His name will be pronounced as HA-ZA-YON)

Napaluhod ako sa nasaksihan. Nanlamig ang mga kamay ko habang walang tigil sa pagtibok nang mabilis ang puso ko.

My Mom, is now hanging at the ceiling, lifeless. 'Yong kinilala kong ina mula bata pa ako... she's now gone.

I heard some footstep behind me as I bow my head, staring at the cold tiles of this room. Hindi ko kayang tignan ang walang buhay na katawan ng nanay ko. I can't... Nahuli ako para iligtas siya dahil siya na mismo ang kumitil sa sarili niyang buhay.

“Oh God!” I heard Hera behind me.

I heard more footstep coming to my direction. Hinayaan ko sila, hindi ako nagtaas ng tingin. Natahimik sila sa nakita. Hera put her hand on my shoulder then pat it.

“Condolences, Zionn...”

Hindi ako sumagot, hindi ako tumango. Nanatili lang akong nakayuko dahil hindi ko alam ang gagawin sa ngayon.

“Hey. I think this is for you. Condolences, bro...” Umangat ang tingin ko. Hero handed me a piece of paper.

Kinuha ko iyon mula sa kamay niya at binuklat. And yes, it was really for me. Sulat kamay ni Mommy, hindi ako nagkakamali...

But I'm not gonna read it. Not now... I'm still now ready to read what's inside it.

.

Weeks after my mother died, I talked to no one except for Krylly. She's the only one I'm talking to. Naging mas mailap ako lalo sa mga tao because of what happened to my Mom.

Ni hindi ko na ulit kinausap sila Hera at Hero lalo na si Hazielle. Though, Hazielle never did try to talk to me, same as me. While Hera and Hero are trying.

“Hey Yosh — I mean Hazionn. Nandito ka na naman sa tambayan?” tanong ng kararating lang na si Keiji.

“Dito ako natulog kagabi,” sagot ko.

Napabuntong hininga siya. “Akala ko ba, gusto mo magsimula ulit kasama yung totoo mong pamilya? Bakit parang umiiwas ka sa kanila?”

Napayuko ako habang nilalaro ang papel na galing kay Mommy na hindi ko pa rin nababasa hanggang ngayon.

“They're complete, K. Bakit kailangan ko pang makigulo at dumagdag?”

“They're not. Red called me a while ago asking if I know where you are. Sinabi ko, susubukan kitang hanapinnat tama nga ako ng hinala na nandito ka.”

Kumunot ang noo ko. “Hazielle asked?”

“Yeah.”

“Bakit? May paki pala ang isang yon?”

Tinaliman ako ng tingin ni Keiji. “Of course, you're her brother.”

“Bakit niya ako hinahanap?”

“Nag aalala na raw sa'yo ang Mommy at Daddy mo. Wala ka bang balak umuwi ngayon sa inyo?” tanong niya pa.

“Ilang araw pa lang nila akong nakakasama at nakilala. Hindi naman siguro sila mag aalala agad kung saan man ako magpunta at kung uuwi ba ako o hindi.”

“Ilang araw pa nga lang pero magulang mo sila. Normal lang sa kanila mag alala sa'yo lalo na at anak ka. Sana man lang binagyan mo ng pagkakataon yung magulang mo na magpakamagulang sa'yo, hindi yung nilalayo mo ang sarili mo sa kanila, Yosh — or Hazionn.” Napatingin ako kay Krylly na pumasok ng pinto.

Pantheras: The New Underground RulersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon