Walang Pagsisisi

204 4 4
                                    

Isa nga bang katangahan ang ika'y pagtiisan

Na sa bawat luha ko'y,ngiti ang iyong tangan.

Hindi ba't sabi nila'y ito ang pagmamahal?

Ngunit bakit kamang-manga'y saki'y sinasampal.

Kamartiran bang matatawag kung ika'y ngpaparaya?

At ikaw pa ang kailangang masabihang pabaya.

Lahat nga ba ng gawa'y di na kasiya-siya?

Kahit kasiyahan mo lang naman ang kinakapitang pag-asa.

Marahil nga ako'y tinatanawanan at kinukutya na

Ngunit di nito mapipigil ang nais sayo'y ipadama.

Handa akong maging bulag,pipi at bingi

Basta't manatili ka lang, dito sa aking tabi.

Dumating man ang araw na magising na ako,

Sa panahong puso ko'y balot ng takot at lungkot.

Di pa rin masasambit ang salitang "Pagsisisi"

Dahil alam kong AKO lang ang SAYO'y makakaintindi.

Marinig man ang masasakit na mga salita

Di ako papipitlag na iwan kang mag-isa.

Wala man na kong makita dahil sa bulag na pag-ibig,

Ang ipaglaban ka nama'y akin pa ring ititindig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Walang PagsisisiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon