Kabanata 2: Komplianyo

5 0 0
                                        

Chapter 2: Birthday

Sabay-sabay kaming pumasok ng aking pamilya sa ADNU, pero naghiwahiwalay din papunta sa kanya-kanyang silid.

Papasok palang ako sa pinto ng biglang, “Loisa!” sigaw ni Monica. Pota sakit sa tenga. Humalakhak pa nga si gaga, I rolled my eyes. Andito rin pala sina Drake at Patrick, wala pa yung birthday girl huh balak atang mag gown.

“Gayon ay!” Drake complimented

[Translation: Ganda ah!]

Napangiti naman ako “Well, thank you” pero biglang ngumiting aso si Drake “Charot lang HAHAHA” bawi nya, sabi ko na nga ba tssk napairap tuloy ako duh okay na sana e

“SANA GABOS!” sabay sabi ni Pat at Mon, natawa na rin.
[Translation: SANA ALL]

Magpinsan sina Drake at Pat at parehong HRM student. Boyfriend ni Ashley si Pat, kaming tatlong girls ang magtotropa pero simula nung naging boyfriend ni Ash si Pat sumasama na rin silang dalawa sa amin. Ampon lang talaga si Drake, may pagka gago at babaero talaga ang isang ‘to, unlike Patrick na ideal talaga. Hayy sanaol diba. Kahit ganon si Drake, may tinatagong pagka anghel naman yan at nababahag din ang buntot nyan kapag tinutukso namin siya kay Monica. HAHAHA #when kaya

Habang nagke-kwentuhan at nagtatawanan, dumating na rin si Ashley, wearing her grey fitted dress and grey heels too. She also braided her long brown straight hair. Parang gaga bat brinaided? Walang kang pake Cassandra buhok niya yan kumag na ‘to.

“HAPPY BIRTHDAY, ASHLEY NAMIN!” sabay-sabay naming sigaw habang pumapalakpak na parang tanga, si Drake nakaisip tssk. Napangiti naman agad si Ash at “Thank you, guys.” At bumaling siya sa akin “Lois, ano pinayagan ka ba ni Tito Lance?” she asked

“Opo yes po, I told him naman na sa house niyo ang place” I answered, her smile suddenly gone, oh why? “Hindi sa bahay gaga! Magka-club tayo duh!” Napapairap niyang sabi, kinabahan tuloy ako beh dahil hindi iyon ang paalam ko.

Sumabat naman si Mon, “Don't tell us na di mo knows? Nagchat si Ash sa GC naten about the place.” Mon said. I shook my head “Idk, Mon. Di ako nagbackread e” I faked my smile.

“Jusmiyo! Aki ka talaga ni Ina mo!” barumbadong sabi ni Drake bago niya sinapo ang noo niya.

[Translation: Diyos ko! Anak ka talaga ng Mama mo]

“But, I'll come with you guys, don't worry.” Maagap kong sabi at nakahinga naman sila ng maluwag. Hayy bahala na si Batman at Superman.

So after that, we decided to finish our School Inventory Slip, kase diba nga last day na ngayon and tomorrow, it’s our vacation na! Wooh! Buong araw din kaming naging busy at when we’re already finished, pumunta na kami sa club at pagkapasok namin agad kaming tumungo sa VIP room. May in-invite pa sila Pat na 3 guy, kaklase nila. Masaya talagang magkaroon ng lalaking kaibigan kasi hindi sila fake at toxic, medyo masakit lang sa heart magsalita pero atleast totoo sila. They can be an elder brother and father to you.

May isang table lamang, 8 chairs and 1 single couch. Hindi ito ang unang beses na nag-inuman kami dahil it happens every 15th and 30th day of the month, see? Well, for us kasi kailangan din naming mag chill pero syempre, hindi pinapabayaan ang studies.

Hard drinks ang iniinom nila, looks like they are brokenhearted man except kay Pat. At kaming tatlo naman tamang beer lang at kain ng fries and chips. Tinext ko si Papa at tumingin sa kanila, mukhang tinamaan na ang apat na loko! Nagsasayawan na e at nag e english na beh HAHAHA nakakatawa at nakakahiya din parang mga tanga! Video'han ko nga.

Pagsapit ng 10pm, “Ash, uwi na tayo. It’s already 10 na” Tumangon naman siya at bumaling kay Pat “Arat na hon, uwi na tayo” Ash to Pat.

“Bro, hatid ko muna ‘tong tatlo, I'll be back.” Drake nodded except the 3 guys, lasing na nga!

After few mins, nakauwi na ako. Dire-diretso  akong pumasok ng maingat because everyone is already sleeping. Pagkapasok ko sa kwarto, I went to the bathroom and took a quick shower, and right after that, I wore my pajama and oversized shirt at nagpatuyo ng buhok, di na ko magsusuklay hihi.

Nahiga na rin ako pagkatapos nun, at iniisip ko kung sasabihin ko kay Papa na nag club kami? Kung anu-anong paliwanag nalang ang iniisip ko hanggang sa makatulog ako.



Ipapadagos.....

Every Summer has a StoryWhere stories live. Discover now