III. Second Day of Misery

2.5K 189 21
                                    

"Prios executives sent an assistant to look for Mr. Phillips down south. We will update you regarding his status once our contact person locates him."

Hindi ko alam kung makakahinga ba ako nang maluwag o ano dahil sa sinabi ng babaeng tulala pero hindi na siya yung babae sa front desk kahapon. Kulot 'yon na bilugan ang mata e. Rebonded naman na singkit ang nasa front desk ngayong araw.

Sinabi nilang nagpadala na ng assistant sa south para hanapin si Mr. Phillips. Alas-otso ng umaga, nasa Prios na ako. Linggo ng gabi, hindi na nag-reply si Mr. Phillips. Martes na.

Pinaalala ko pa ang mobile number ko. Pati yung phone sa kuwarto ni Mr. Phillips sa Cabin, ibinigay ko na rin. Sana naman, tumawag sila kapag okay na. Para saan pa't pinaghintay nila ako nang isang oras sa lobby kung wala rin pala akong mapapala tapos ang sasabihin lang pala sa akin, i-u-update na lang ako kapag may balita na. E di sana kanina pa, pagdating ko pa lang sa lobby, sinabi na nila para hindi na ako nag-aksaya ng isang oras ko sa pagtambay sa Prios.

Wala pa kasing reply e. Tadtad na ng message ang convo namin sa messaging app. Wala akong reply mula pa kahapon. Mahigit isang araw na siyang walang sagot. Sabihin pang walang signal sa south. Okay, walang signal. Pero maraming paraan para makatawag. Pumunta siya sa payphone, tumawag siya kay Eul o kaya kay Lance. Tumawag siya sa Prios mismo. Imposibleng hindi niya kaya 'yon, nakakatawag nga siya nang walang kopya-kopya ng number. Simpleng 5-digit phone number lang, imposibleng hindi pa niya makabisado e higit kalahating siglo na siyang chairman ng Prios Holdings.

Gusto kong mag-commute kaso mas pinili ko na lang maglakad. May pera ako. Wala akong issue sa pera, sa totoo lang. Pag-check ko nga sa bangko, may nakapasok na agad na separation pay galing Prios. E ang laki ng separation pay na ibinigay nila, pumatak ng 6,000 dollars. Kahit mag-one year advanced payment ako sa apartment, ayos na.

Kaso bakit pa ako mag-a-apartment kung nakatira na ako sa mansiyon at libre pa?

Sinundan ko na lang ang ruta ng mga sasakyan. Sinalubong ko ang mga taong naglalakad sa may sidewalk papuntang Prios. Sa totoo lang, nahihiwagaan pa rin ako na hindi nalalaman ng mga taong ito na ang pinakamataas na building sa city, ang pinakamayamang company sa north, at ang pinakamaraming branch na mother company ng iba't ibang subsidiaries na nakapalibot sa buong region na ito ay pinamumunuan ng mga monster, o kung hindi man monster, hindi rin naman mga tao.

O kahit itong mga nakakasalubong ko. Mga purong tao ba talaga sila? O gaya ko, naniwala sila sa buong buhay nila na tao sila, pero ang totoo ay hindi naman pala talaga sila mga simpleng tao lang.

Hindi na ako nakakalabas nang madalas sa Cabin. O kung lumabas man, hindi na ako naglalakad gaya ng dati na kapag walang pamasahe, wala akong choice kundi maglakad talaga para makapag-apply.

Wala na akong trabaho ngayon. Pero may sapat na pera naman ako para mabuhay sa susunod na dalawang buwan at maghanap ng bagong trabaho—kung wala na talagang financial support mula kay Mr. Phillips.

Nakapag-breakfast naman ako, pero alas-diyes pasado na rin naman. Sigurado akong nasa Cabin na sina Mrs. Serena para maglinis. Para hindi na ako makaabala roon, dumeretso na lang ako sa diner sa Belorian para mag-early lunch.

"Hi, Jerry."

"Aba! Ang tagal mong hindi nakadaan a?"

"Oo nga e." Matamlay akong umupo sa bar stool sa may counter. "Isang brunch meal na full meat."

"Ang lungkot mo yata? Wala ka nang trabaho?"

Mapait akong ngumiti saka malungkot na tumango. "Parang gan'on na nga. Pero ayos lang naman kasi malaki ang separation pay."

Prios 3: First's TestamentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon