XXVIII. Food Supply

2.3K 197 78
                                    

"Chancey, are you sure about this? Hindi ba delikado ang gagawin mo?"

Ang lalim ng buntonghininga ko nang ngitian si Mr. Phillips. Kinurot ko na lang nang mahina ang tungki ng ilong niya. "Wala nang mas delikado pa sa pagpunta ko sa south para sa 'yo." Hinawakan ko agad siya sa pisngi at pinanggigilan siya ng mariing halik doon. "Mmm! Ang tamis ng amoy mo." Kinuha ko na ang dulo ng kumot at itinakip sa katawan niya. "Matulog ka na, Donovan Phillips. Paggising mo, doon tayo sa may piano, kakantahan kita."

"Can you stay here for a while, Chancey?"

Binigyan ko pa siya ng tingin na nagsasabing "At bakit?"

"Please?"

Tiningnan ko pa siya nang mabuti. Nami-miss kong makita siya sa tabi ko. Naumay kasi ako sa pagmumukha ni Edric, ilang araw ko ring kasama.

"Sige na nga." Humiga agad ako sa kama. Idinantay ko ang pisngi sa balikat niya saka niya ako niyakap sa gilid. "Lalabas ako, bibili ulit ako ng teddy bear mo."

"Sorry, I lost it along the road."

Biglang umikot ang mata ko nang maalala ang south. Kung alam lang niya kung anong hirap ng pagtawid namin ni Edric palabas sa south galing Santhin. Kahit nga sarili ko, maiwawala ko roon e. Kapag naalala ko kung ilang beses akong sumuka sa daan, parang gusto ko na lang magka-amnesia nang biglaan.

"Alam mo, sana ikaw na lang ang inalay nila sa akin kagabi." Pinalakad ko ang dalawang daliri ko sa dibdib niya. Mabigat ang loob ko kasi ibang bampirang lalaki ang kasama ko sa ritual—hindi lang iba, pinsan pa niya.

Kung hindi lang literal na life-and-death situation iyon, magkamatayan na kami ni Edric, hindi talaga ako papayag. Pero ayoko nga siyang mamatay kaya bakit ko ba hihilinging magkamatayan kami? Parang tanga lang.

"That can't be, Chancey. Once you do the ritual in me, I was the one whose gonna die. I'm the only vampire with a soul. Edric has none and you were the one who gave him his."

"Kaya ba sinabi niyang masuwerte ka kasi may kaluluwa ka?"

"He may be harsh at times but he's just protective about the family—disregarding the other creatures' welfare, even yours."

"Hindi ka ba nagagalit sa nangyari kagabi?"

"Chancey, I already answered that."

"Kasi naman . . ." Napabuntonghininga na lang ako. Kasi naman, paikot-ikutin man ang sitwasyon, ibang lalaki pa rin 'yon. At asawa ko na siya.

"Don't feel bad about it, alright? I'm not mad at you." Hinalikan niya ako sa noo at hinagod ako sa balikat para pagaanin ang loob ko. "Besides, if you didn't do it, Uncle Rorric won't let his eldest son dies. He'll force you to stay in Winglov and feed Edric until you can. And I don't want that. I know how Edric eats his food."

Napalunok agad ako nang mabanggit niya iyon.

My God, kinilabutan akong bigla. Hindi naman sa nananakot si Mr. Phillips pero nasa itsura ng matandang Vanderberg na manguha ng tao at gawing pagkain. At nasa ugali ni Edric ang manguha ng lakas ng kinakain niya. At hindi ako papayag na gawing daily meal ng mayabang na bampirang iyon.

Lalo kong higpitan ang pagkakayakap kay Mr. Phillips. Siguro, kung siya ang mangailangan ng dugo ko habambuhay, kung gusto niya, simulan na namin ngayon ang habambuhay niya. Kaso kasi hindi. At hindi mangangasul ang mata niya kasi may kaluluwa naman na siya ever since. Hindi na siya tatablan ng sumpa ng pamilya namin.

Saglit akong pumikit at in-enjoy ang pagkakayakap ko sa kanya. Iba pa rin ang yakap ni Mr. Phillips. Hindi ako kinakabahan.

Napadilat lang ako nang may maramdamang tatlong presensya sa labas.

Prios 3: First's TestamentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon