SG *1*

346 15 5
                                        

Supercandiceo8 salamat sa pag fan ^______________^ Dinedicate ko 'to sayong first chapter bilang pasasalamat! Good Mood din ako eh. >.< Thanks ulit!

_______________________________________

[ADRIAN'S POV]

"Psst! Anong ginagawa mo dyan? Nag mu-mukmok ka?" Pabulong na tanong ko kay Rafe. Lumapit ako sa Glass Window ng kwarto niya. Medyo sumilip-silip pa ko. Nasa kwarto siya at nasa bandang bintana naman niya ako.

10:00 na ng gabi. Naisipan kong pumunta dito sa bahay nina Rafe. Mag katabi naman bahay namin kaya kahit halos mag hating gabi na nakakapunta pa rin ako sa kanila.

"Huh? Grounded." Sagot ni Rafe. Nakatungo siya tapos naka upo sa kama niya. Nag lalaro ng maliit na bola.

"Nanaman? *Chuckles* Napapadalas ah." Umakyat ako sa bintana saka umupo sa gilid nun.

"Nag laro kasi kami ni Lance ng basketball sa loob ng sala. >____<  Natamaan namin yung paboritong flower vase ni Mama. At dahil ako ang mas matanda, ako ang napagalitan. And this .. I'm now grounded." Mahabang sagot ni Rafe.Tapos umiling-iling.

Napangisi ako. Lagi nalang kasing napapagalitan 'tong si Rafe ni Tita Jane (Mama ni Rafe) Pano, makulit rin. Mukhang nahawa na rin ata si Lance (Six years old brother ni Rafe).

"Oh ikaw? Naparito ka Adrian?" Tanong niya sakin. Lumapit naman siya sa bintana saka dinungaw ako.

"Gimik tayo. Wala si Erpat at Ermat eh. Bukas pa ang balik, may pinuntahan. Tara. Gimik tayo!" Pag yayaya ko sa kanya. Sana lang pumayag. Hahaha.

"Eh sa grounded nga ako.. Nilock ako ni Mama." Malungkot na sagot ni Rafe. HAHAHA. Gusto ko lang siyang tawanan. Paulit-ulit nalang kasi 'to. Pina-padlock siya ni Tita pag nakagawa ng kasalanan.

"Sandali lang. May kukunin ako. Sigurado, papalabasin ka dyan. :D" I grinned. Tumalon ako para maka baba sa bintana. Medyo may kataasan rin kasi yun.

"Hoy teka! San ka?" Sigaw na pabulong ni Rafe.

"May kukunin nga. Hintay lang. :D" Tapos iniwan ko na siya.

Dumiretcho ako samin. Pumunta ako sa kusina. Then sa ref. May cake dun na pina-bake ko sa maid namin para sa miryenda ko. Kaso di ko nakain. Nag marathon kasi ako >____< At ngayon plano kong ibigay kay Tita Jane para pakawalan si Rafe. HAHAHA XD Sana mag work 'to. Lagi ko na rin kasing ginagawa 'to eh. Nag bibigay kasi ako ng pagkain kay Tita Jane para pakawalan niya si Rafe. Mabait naman si Tita Jane. Dinidisiplina lang niya si Rafe.

Nang makuha ko na, nag knock knock ako sa front door ng bahay nina Rafe.

*KNOCK KNOCK*

Agad namang bumukas.

"Hi Kuya Adrian :)" Salubong sakin ng cute na si Lance. Naka padjama at naka sando na siya. Matutulog na ata.

"Oh, Hello Lance :) *Lumuhod ako para mag kapantay na kami ng height ni Lance* Gising ka pa?" Tanong ko.

"Nag s-story telling po kasi kami ni Mama kuya eh." Sagot naman niya. Ubod ng lapad yung ngiti ng bata.

"Ah.. Asan nga pala si Tita?" Ako ulit.

"Nasa loob po. Naka-upo sa sofa. Tawagin ko lang po ah?" Patakbo akong iniwan ni Lance para puntahan si Tita.

Tumayo naman ako para ayusin yung damit ko. Ayus ayus rin. Pa-gwapo. Para mas payagan kaming gumimik. Naks! :P

SAME GIRL *KATHNIEL* (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon