Chapter 10

49.6K 606 49
                                    

Chapter 10

"Knight in shining armor ang peg nitong si Grant Agustin teh! Biruin mo isang gabi ka lang nakasama tapos nabaliw na sayo ng ganyan?!! Anong gayuma ba pina-inom mo doon?" eksaheradang tanong sa akin ni Luisa.

"Hindi ko nga din alam eh. Nakakatuwa lang na may isang lalaki na magiting akong isasalba sa ganitong trabaho." nakangiti kong sagot sa kanya habang nagkkwentuhan kami dito sa balcony.

"True! Atsaka mayaman at gwapo yan girl tapos sa isang katulad mo lang papatol? Biruin mo pwede palang may mainlove sa isang prosti. Kaloka lang ha! Akala ko katawan lang lagi ang habol sa atin." posible bang mainlove ang isang tao sa loob lang ng isang gabi? Hindi ba napaka bilis naman ata niyon?

"Ano sasama ka sa kanya? Wag ka ng magdalawang isip ha? Makakaalis ka na sa maduming gawain na'to. Swerte mo at siya palang ang nagiging customer mo. Wag mo kami kakalimutan ha?" natawa na lang ako sa pinagsasabi ni Luisa.

"Hindi ko pa siya ganoon kakilala at isa pa may kontrata akong pinirmahan. Natatakot ako kay Mamu." buntong hininga ko.

"Ay oo nga pala. Sa dami ng koneksiyon ni Mamu hinding hindi ka makakatakas sa kanya. Mabait si Mamu pero nakakatakot talaga siya pag nagalit. Minsan ng may sumuway sa kanya, nakipag relasyon sa isang customer. Mabuti pa siguro tapusin mo muna sa kanya ang kontrata." tumatango tango lang ako. Ramdam ko naman sa aura ni Mamu na nakakatakot talaga siyang magalit.

"Sige alis na ko Magdalene ha? Magkikita kami ngayon ng madir ko eh, aabutan ko ng pera. Ikaw diba may lakad ka din?" ngumiti ako at tumango.

"Ikaw na may date! Haha. Alam ba niya yung about sa pagkatao mo?" umiling lang ako.

"Good! Sige babush na ha?" actually may date kami ngayon ni Harry. Sobrang kulit eh. Di pinapatahimik cellphone ko. Haha. Pinagbigyan ko na lang din dahil nababagot lang naman ako dito sa mansion.

Nagtataka nga ako eh, ilang araw na ang nakakaraan pero wala pa din akong bagong customer hanggang ngayon. Mahina ata benta ko? Haha. Ipinagpapasalamat ko na lang din na ganun nga kasi di pa din talaga ko komportable sa trabaho ko. Naging madali lang siguro para sa akin yung unang sabak ko sa trabaho dahil na din sa pagiging gentleman ni Grant. Hinding hindi ko makakalimutan yung pinaramdam sa akin ni Grant noong gabing iyon. Na sana maramdaman ko sa pamilya ko.

Tumayo na ako at pumasok sa loob ng silid upang magbihis at umalis na. Late na ata ako sa usapan namin ni Harry. Wala naman sigurong masama kung magkaroon ako ng bagong kakilala hindi ba? At wala akong pakialam kung kursunada pa siya ni Yvette. Nakakainis talaga presence ng babaeng iyon. Haha.

***

Nagpunta na ko sa park kung saan kami magkikita ni Harry, doon kasi kami unang nagkakilala kaya dun daw kami magkita. Haha. Ngayon ko lang nalaman na napaka sentimental pala niyang tao. Naabutan ko siyang nakikipaglaro sa mga bata kaya naman hindi ko muna siya inistorbo at pinanood na lang siya. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinapanood sila. Nakakatuwa lang kasi, parang ang saya saya nila. Napalingon sa gawi ko si Harry at kumaway kaya naman kumaway din ako sa kanya.

"Kanina ka pa ba diyan? Haha. Pasensya ka na ha? Naaliw lang ako sa mga bata." sabi sa akin ni Harry habang palapit siya sa akin.

"Ayos lang no. Mukang enjoy na enjoy ka nga eh." napangiti ako ng nginitian niya ako. Nakakapanlambot naman yung ngiti niya. Haha.

"Mahilig lang talaga ko sa mga bata eh. Ikaw ba?" tumango na lang ako kahit sa loob loob ko hindi. Naiinis ako sa mga bata, nakakaubos sila ng pasensya. Hay. Napangiti na lang ako ng peke. Naalala ko yung ginawa ko kay Landon.

"Talaga? Magkakasundo pala tayo! Oh mga bata papakilala ko nga pala sainyo si Ate Elaine niyo." natawa ako ng sabay sabay na mag 'Yieeee' yung mga bata habang si Harry naman ay napakamot na lang sa kanyang batok at akala mo nahihiya. I giggled.

"Tara po Ate laro tayo ng tagu-taguan!" tatanggi na sana ako kaso bigla akong hinila nung bata at nagtago na kami habang si Harry naman yung taya. Ngumiti lang sa akin yung bata at nag 'shhhhh' sign. Parang pelikula na nagbalik sa akin ang lahat.

 

"Elaine, aalis muna kami ng dad mo ha? Check-up ko kasi sa OB ngayon ikaw muna bahala sa little brother mo ha?" malambing na suyo sa akin ni mommy. Inis naman imbes na maglalaro ako kasama ng playmates ko aalagaan ko pa yung iyakin kong half brother.

 

Dati gustong gusto ko magkaron ng kapatid pero nagsisisi na pala ako. Kasi naman wala na samin yung atensyon ni mom and dad. Ngayon pa nga lang kami nagiging close ni dad tapos nahahati pa. Magkakaron pa kami ngayon ng bagong member kasi buntis ulit si mommy.

 

"Tara Elaine laro tayo ng hide and seek!" aya sa akin ng kalaro ko.

"Si Landon di ko maiiwan." naiinis kong sagot sa kanya.

"Edi isama mo. Let's go na." tumango ako at tumakbo na, ito namang si Landon ayaw sumama sa akin. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Landon, laro tayo dali? Tagu-taguan." naiinis ko ng aya sa kanya pero ayaw pa din niya hanggang sa umiyak na siya.

 

Sa isang bakanteng lote kami naglalarong magkakaibigan. Naisipan ko na sagabal lang ang kapatid ko sa pagsasaya ko kaya naman sinabi ko sa kanya na itago siya sa lumang baul roon. Inilock ko iyon. Nagsaya at naglibang maghapon sa pakikipaglaro hanggang sa hindi ko na siya naalala.

 

"LANDONNNNNNNNNN!!" sigaw ni mommy habang humahagulgol at yakap ang wala ng buhay na katawan ng kapatid ko. Takot na takot ako noon at umiiyak din. Natatakot akong magalit sa akin si mommy at daddy at lalo na nilang ilayo ang loob nila sa akin.

"ANAK KO!!! Baby ko gumising ka diyan please." halos himatayin na si mommy kakaiyak.

"Makakasama sa dinadala mo yan Bianca, walang may gusto sa nangyari."

 

Ilang araw akong hindi kinibo ni mommy pero narealize daw niya na masyado pa akong bata para alagaan si Landon kaya hindi ko raw iyon kasalanan. Nagkakamali siya. Hindi ako pinapatulog ng konsensya ko. Lagi kong naririnig si Landon na umiiyak at humihingi ng tulong sa akin. Lagi niya akong hinahabol sa panaginip.

 

"Ate Elaine? Bakit ka umiiyak? Hala, di po kita inaano ah." umiling lang ako at tumayo na paglabas ko sa likod ng puno ay siya namang pagharap ni Harry. Agad siyang nagtaka kung bakit ako umiiyak, hindi ko na siya hinayaan na magsalita pa sa halip ay niyakap ko siya ng mahigpit.

"Elaine? What's wrong?" ginantihan din niya ako ng yakap at tinap ang likod ko.

"Wala. May naalala lang ako." pinahid niya ang mga luha ko.

"Don't worry, nandito lang ako." tinignan ko siya sa kanyang mga mata at nagkaroon ako ng assurance. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa sobrang overwhelmed. I cupped his face then I kissed him.

 to be continued...


Merry Christmas everyone! Ayan gift ko. Dejoke. Gawa na lang ako ng One Shot. Tayo'y magpakabusog mamaya. Wag kakalimutan magsimba. Mwahh!


BonitaBabyy


TVFN 5 : Pure MagdaleneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon