CHAPTER 7
*The Surprise*
-Mark (POV)
Mahigit isang linggo ding nasa hospital si Jessie, medyo malala daw kasi ang pagkakabangga ng jeep sa kanya.pero ok naman ang girlfriend ko.Sa isang linggo na yun.palagi ko siyang binibisita pagkatapos ng klase namin,pumupunta din dun yung bestfriend niya na si aileen.
Nakapasok na din si Jessie sa school namen, nakilala na siya ng mga barkada ko,simula nun lagi na ulit nila kong inaasar.pbb teens na naman daw...
Natapos na ang first sem namen,kailangan na daw naming mag ojt o "on-job-training".naghanap kami ni Jessie ng company na pwede kaming magojt. nakahanap din naman kami kasama si Aileen.
Masaya naman kami sa pinag- ojthan namin, hindi na din nagparandam si Jack samin,..wala na kamin balita sa kanya.
May mga problema mang dumating samin ni Jessie naayus naman namin ang mga yun...nagtatampuhan man pero nagkakabate padin kami ,mahal na mahal namin ang isat isa kaya di namen magagawang maghiwalay.
Malapit nang matapos ang ojt namin.paghahandaan naman namin ang aming graduation.
Graduation na sa wakas..ang lahat ng estudyante ay nasa kani kanila nang mga upuan..mahigit apat na oras din ang lumipas at natapos na ang aming graduation..
Pagkatapus ng graduation nagkita kami ni Jessie may binigay ako sakanya...(hulaan niyo?)
"Jessie oh" (sabi ko kay Jessie sabay dukot sa bulsa)
"anu naman yan Mark?"
"tignan mo" (binigay ko na ang hawak ko sakanya)
"Yeng Constantino Concert at Market Market Taguig City? totoo ba to Mark?"
napatango nalang ako sa kanya at bigla niya naman akong niyakap at nagtatalon siya sa saya...parang bata..
sabi ko na nga ba favorite niya si Yeng .nakita ko kasi sa cellphone niya puro song ni Yeng at ilan kay Taylor Swift
"sa sunday na yan ha,antayin nalang kita sa market market (mall po yun sa Taguig city) may bibilhin pa kasi ako kaya hindi na kita masusundo sa inyu..ok lang ba yun?"
"oo naman yun lang pala eh..excited na ko..Yeng..sa wakas makikita na kita."
sunday na ...tinext ko na si Jessie.
Jessie nandito na ko sa "Market Market" sa may fountain tapat ng mcdo, dapat bagu mag 5:30 nandito ka na ha. ingat ka ..love you! :)
"oh ang bilis mu naman kakarating ko lang dito sa labas pero galing na ko sa loob..nabasa mu ba text ko?"
"oo naman pero nasa jeep na konun..malapit na dito..ako pa magpapalate sa concert.eh excited na nga ko ehh"
"tara na sa loob"
pumasok na kami sa "Market Market", pinuntahan agad namin ang concert.ang daming tao lalo nasa ibang floor nito. nasa gitna kasi ang stage makikita ang stage pag nasa itaas ka.
May lumabas na sa gilid ng stage ang m.c ng concert magsisimula na daw ang concert.
Lumabas na si Yeng, nahiyawan ang lahat pati si Jessie na nasa tabi ko.bigla naman siyang tumayo nagsitayuan na din ang iba.
"good evening "Market Market".namiss ko kayong lahat matagal na din nung una kong concert dito. "kumain na ba kayo?"
"Hindi paaaaa Yeng...." (hiyaw ng mga tao)
"pwesss bubusugen ko na lang kayo sa mga kanta ko.."
tumung na ang speaker at nagsimula nang kumanta si Yeng.hawak kamay ang una niyang kinanta ,pagkatapos ay ang Ikaw lang talaga.
"gusto niya pa ba?.ito naman para sa mga nangangarap"
kinanta naman niya ang pangarap lang....sumunod naman ang cool off, lapit, time in, himig ng pagibig at iba pa.
ito na ang pinakaaantay ko.......
"guys ang next kong kakantahin ay para sa isang babae ba minamahal ng sobra ng isang simpleng lalake,theme song daw nila ang next kong kakantahen."
"This song is for Ms. Jessie Mor"
tumingin bigla sakin si Jessie at niyakap niya ko..sobrang saya niya...bumitaw na na siya sa pagkakayakap.
sumakay ako sa jeepney
ikaw ang nakatabi
di makapaniwala
parang may hiwagang nadama
nang tumama sayo
ang aking mga mata
at nagsiksikan na
dahil tumigil ang jeepney
sa tapat ng eskwela
biglang nagkadikit
pusoy ko'y biglang sumikip
at natulalala
sabi nila'y walang hiwaga
kung wala'y
ano itong nadarama
ayoko nang pumara kahit san magpunta
ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama
ayoko nang pumara
tumigil na sa pagkanta si Yeng at inabutan ako ng staff ng concert ng microphone.tumahimik naman ang mga taong nanunuod.
"Jessie Mor, Happy 8th monthsary saten, mahal na mahal kita Jessie"
habang nagsasalita ko nakatutuk na pala ang spotligth samin.
"Mark Flores, I love you too"
niyakap niya ko ng mahigpit.
"ito na ang pinakamasayang monthsary natin.thank you talaga Mark,di ko akalain na ganton ang mangyayari ngayun Mark...Mahal na mahal kita Mark Flores"
bigla ko nalang narandaman na uminit ang aking labi ,sheeet ....hinalikan na niya pala ko ,naririnig ko ang mga tilian na mga taong nakakakita samin...eto ang first kiss namin ni Jessie di ko akalain na sa harap pa ng madaming tao.
tapos na ang pbb teens namin kaya pinagpatuloy na ni yeng ang pagkanta ng "Jeppney love story"
natapos na ang concert ni yeng at dinala ko siya sa "pancake house" ,pero may bumangga sa kanya galing sa likod namen na naka white tshirt na may nakasulat na "I" ang lalakeng nakabangga kay Jessie , may bumangga ulit sa kanya naka white tshirt din may nakasulat naman na "LOVE" may bumangga pa ulit nakasulat naman sa white tshirt ay "YOU", nasa likod ako ni Jessie nun at tinanggal ko ang coat ko at dumaan ako sa gilid niya naka white tshirt din ako na may nakasulat na "JESSIE" nagtabi tabbi kami ng tatlong lalake at tumalikod kay Jessie para makita niya ang naksulat sa likod ng tshirt namen.
"I LOVE YOU JESSIE"
pagkaharap ko bigla naman akong niyakap ni Jessie,kahit ilang yakap pa niya sakin hinding hindi ako magsasawa.
nakapasok na kami sa "pancake house" binigyan ko siya ng bouquet of flowers at pinaghila ng upuan...

BINABASA MO ANG
*Jeepney*(completed)
JugendliteraturPanu kung isang araw may nakasama ka sa loob nang jeep at hindi mu alam na yun na pala ang mamahalin mu balang araw? Anung gagawin mo kung may stalker ka at sa pinakamasaya mung araw ay bumalik siya? hi po..naisip ko lang po talaga to...basahin niyu...