1

6 3 0
                                    

Sandy's POV

"Jandyyy ano bang ginagawa natin dito sa mall? May kadate ka ba? Bakit kailangan kasama ako?" Pagmamaktol ko dahil sinama nanaman ako nito ni Jandy sa mall ng ura urada. Hindi nanaman ako naka hindi dahil ako malalagot sa parents namin pag wala to sa bahay bago mag alas otso. Napaka gala pa naman netong babaeng to.

"Ate, may bagong limited edition release ngayon ang nike, kailangan kong bilhin yon!"

"Aba! Kelan ka pa nahilig sa sapatos?!"

"Ngayon lang kasi wala akong magawa hehehe" sabi niya sabay takbo ng nagpapacute papunta sa Nike.

"Hoy hintayin mo ko!"

Henry's POV

"Finally!! Mabibili ko na yung sapatos na yon! Ang tagal kong hinintay yun bro!!! Nababading ako sa tuwa!!" Sabi ko kay Sungjae habang niyuyugyog siya. Kakababa lang namin sa kotse at pumasok na kami sa mall. Papunta na sana kami sa store nang biglang magsalita si Sungjae.

"Teka! Hindi ba imi-meet mo si ano ngayon.. Ye-- Yero?" Aish. Oo nga pala.

"Yewon!"

"Oo! Ayon, si Yewon! Diba magkakape pa kayo? San punta mo?"

"Eto na papunta na!" Lumiko ako at dire diretsong punta sa coffee shop. Malayo palang nakikita ko na kaway ni Yewon sa loob. Aish. Napa buntong hininga nalang ako at kumaway din sakanya na para bang nagsasabi ng 'oo nakikita kita itigil mo nayan'.

Unahan ko na kayo, wala kaming relasyon ni Yewon. Kaibigan din kasi ng Daddy yung tatay ni Yewon kaya di ko din magawang iwasan siya. Kahit madalas pilit lang talaga yung pagsama ko. Wala akong magawa eh.

"Henry boo!" Bati ni Yewon sakin.

"Yewon..." bati ko sa kanya ng naka 'ngiti'.

Si Yewon nga pala ang campus girl crush ng Aki University. 3rd Year College na din siya. Habulin yan ng mga lalake lalo na ng mga higher level. At oo, cliché man pero tatay niya may-ari ng Aki University. Kaya walang nagtatangkang gumalaw o ano man sa kanya. Nasa kanya na lahat.

"I've ordered your favorite Caramel Macchiato. Drink it!"

"Ahh hehe- Salamat!" Sabi ko sabay higop ng Caramel Macchiato na inorder niya para sakin. "Ano nga palang atin? Bakit magisa ka lang ngayon? Nasan yung Power Puff Girls mo?" Tanong ko.

" Excuse me?? It's Powder Puff Womens! We're not Girls anymore!"

"Ah.."

"Actually andyan lang sila hihi sinabi ko lang na I'm lonely para pumunta ka, and of course! I'm too special for you para tanggihan kaya.. you're here" sabi niya sabay pasok ng powder puff girls o women o ano pa yan.

"Hi girls!" Bati niya sa kanila.

"Henry! Finally you're here! Kanina ka pa hinihintay niyan ni Yewon." Sabi ni Eunjung sakin.

"Btw Yewon, there's super gandang skirt na want mo sa h&m!!!"

"Really?!?" Bingo!

"Ahhh mas mabuti pa puntahan niyo na yun baka maubos pa!"

"What "niyo"? Come with us."

"Ahhh ehh-" di ko natapos yung sasabihin ko dahil biglang tumawag si Sungjae. "Sagutin ko lang to. Mauna na kayo" sabi ko kina Yewon. Sabay alis.

"Ano?" Bungad ko.
"Ano na bro! Tagal mo naman!" Binaba ko na yung tawag dahil papunta nadin naman ako sa Nike at medyo nakikita ko na siya. Sa wakas nakatakas na.

Sandy's POV

Andito na kami sa Nike store. At kanina pa naghahanap ng himala si Jandy dito. Bored na bored na ko. Ewan ko jan sa babaeng yan kanina pa sukat ng sukat ng mga sapatos. Ang hinahanap niya kasi yung ano... Nike Vapor Max Air ba yun??? Ay ambot! Di ko alam! Basta bored na ko!!!

"Ate, maganda ba?" Kung bibilangin ko kung ilang 'maganda ba?' naba natanong niya sakin ngayong araw siguro di kakayanin ng apat na kamay.

"Oo maganda na yan! Diba favorite mo pink? Bilhin mo na yan!" Sabi ko para makaalis na kami.

"Hmmmm..." Pagiisip niya. Haynako! Di padin talaga siya nakakapili! Mababaliw na ko kaya naglakad lakad muna ako dito sa store since medjo malaki malaki din naman to.

"Hay nako ewan ko ba dito kay Jandy. Napaka mapili sa gamit eh yung mga gamit ko padin naman yung ginagamit niya. Nako talaga pag ako nainis iiwan ko talaga tong baba---" napahinto ako sa pagusap sa sarili ko nang biglang may nabangga akong lalakeng naka gray hoodie at checkered na violet at yellow na kamukha ni-- "Henry?!?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon