Henry Lau

7 2 0
                                    

"YESSS!!! HAHAHAHAHAHA" nabato ko yung xbox sa panghihinayang dahil natalo nanaman ako ni Sungjae sa tekken.

Lagi nalang talaga akong talo sa tekken. Ni isang beses di pa ko nanalo sa hayop na laro na to.

Naalala ko never pa ko nanalo kay Sandy dito. Lagi tuloy siyang may libreng milktea sakin.

"Oo na! Lumayas kana sa kwarto ko bago pa kita masapak"

"Yung pizza ko ah!" pangaasar niya sakin sabay takbo palabas. Sinundan ko siya ng masamang tingin hanggat sa makalabas siya.

"Haaaaay" buntong hininga ko sabay higa sa kama. Ayoko talaga ng Christmas break. Napaka boring sa bahay. Buti pa sa Aki University may nakakausap ako. Dito? Wala. Kain tulog lang.

Nga pala, pinsan ko yan si Sungjae. Dahil Christmas break na, dito muna siya magsstay. Kase? Gusto lang niya. Gusto niya guluhin buhay ko. De joke. Pareho kasi kaming only child niyan ni Sungjae, at ako ang paborito niyang pinsan kaya ayan, kulang nalang dito yan tumira eh. Mas madalas pa siya nandito sa bahay namin kesa sa bahay nila.

1st year college na siya, sa Aki University din siya nag aaral. Sa laki ng campus di kami masyado nagkikita kaya malaya akong gawin kung anong gusto kong gawin.

*ring*

Narinig kong nagriring ang cellphone ko. Sino kaya tong tumatawag? Sana hindi si Heechul hyung dahil panigurado yayayain lang ako uminom niyan.

Pag tingin ko sa cellphone ko, si Yewon yung tumatawag. Nako naman! Kukulitin nanaman ako nito. Hindi sa pagmamayabang pero si Yewon ang isa sa mga babaeng may gusto sakin sa Aki University. Sa Aki University muna kasi pag nilahat ko baka di na natin mabilang mga may gusto sakin sa sobrang pogi ko.

Sigurado ako na magyayaya nanaman to lumabas.

Sinagot ko na yung tawag.

"Henryyyy!!!" Nilayo ko yung cellphone sa tenga ko sa sobrang tinis ng boses ng pagkakatawag niya sakin.

"Yewon! Haha anong atin?"

"Asan ka now? Can we meet? I'm here at starbucks kasi. And sobrang awkward wala akong kasama huhu" sabi na nga ba.

"Ahh-- kasi Yewon-- ano kas--"

"I'll take that as a yes. I will wait for you here! I will message you nalang my exact location. See you boo" at binaba niya na yung tawag.

Napabuntong hininga nalang ako at binitawan agad ang cellphone habang nakahiga at nakatingin sa kisame.

"Ayos lang! Atleast may magagawa ka na Henry." Nakatingin lang ako sa kisame ng biglang may naisip ako

"May bagong labas pala na sapatos ngayon ang Nike!! Kailangan ko yun mabili agad! Pagtapos namin magkape aalis ako agad. Tama!! Yun ang gagawin ko!" Parang tangang kausap ko yung sarili ko. Kumilos na ako at dumiretso sa banyo para maligo nang makaalis na agad.

Forever Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon