Prologue

32 5 0
                                    





"Nak, pwede ka bang bumili sa labas ng toyo?" utos ni Mama, agad naman akong sumunod at lumabas ng bahay namin para bumili ng toyo sa kabilang street.



Siguro ganito talaga ang buhay ng normal na 8-year-old—laging inuutusan sa bahay. Pero ayos lang, masaya ako kasi kumpleto naman ang pamilya namin.



Medyo malayo kasi ang tindahan at dahil maliit pa ang mga binti ko, mabilis akong napagod. Napatingin ako sa park na nadaanan ko, nakita ko doon ang isang batang halos ka-edad ko lang. Nakaupo lang siya sa swing, parang ine-enjoy ang hangin. Dahil feeling ko pagod na ang mga binti ko, naisip ko na magpahinga saglit at umupo.



Habang nakaupo, napatingin ako sa bata. Mukha siyang mayaman, base sa suot niyang damit na may fancy na logo. Pasimple siyang tumingin sa akin sandali pero binalik niya rin agad ang tingin niya sa harapan, kahit wala naman akong nakikitang kakaiba maliban sa mga puno. Dahil curious ako, tumingin ulit ako sa kanya.



Ngayon na mas malapit ako sa kanya, mas mukha pala siyang mas matanda kesa sa akin, siguro kasi matangkad lang siya kahit nakaupo. Maputi siya, may matangos na ilong, medyo singkit ang mga mata, at manipis ang labi. Pero sa mukha niya, halatang masungit siya at hindi siya yung tipo na makikipag-usap. Natawa nalang ako sa sarili ko at tumingin sa iba.



Pagkatapos makapagpahinga, nagdesisyon na akong umalis. Pero pagkatingin ko at pagtayo, biglang may huminto na van sa harapan namin, at bigla nalang binaril yung bodyguard nung bata! Napasigaw ako at natumba. Isang grupo ng mga lalaking naka-itim, na may takip ang mukha maliban sa mga mata at ilong, ang mabilis na lumapit sa amin. Hinila nila kami pareho at pilit kaming isinakay sa itim na van.




Sinubukan kong lumaban at humingi ng tulong, pero nang tingnan ko yung bata, nawalan na siya ng malay. Tapos isa sa mga lalaki, may piniga na tela na may kakaibang amoy sa ilong ko, at bago ko pa namalayan, nakaramdam ako ng antok at unti-unting dumilim ang lahat.



Pagkagising ko, nasa madilim na lugar na ako, at naramdaman kong nakatali ang mga kamay ko sa likod. Nakasandal kami ng bata sa isa't isa. Pagtingin ko sa kanya, tulog pa rin siya. Inikot ko ang tingin ko, pero sobrang dilim, maliban sa ilang maliliit na butas sa taas, sobrang layo at imposibleng maabot. Kinabahan ako at nagsimula nang maiyak ng tahimik, hanggang sa nagising siya sa pag-iyak ko.



Tumalikod siya at napabuntong-hininga nang makita akong gising na. Hindi ko pa rin matanggap ang nangyayari. Pumunta lang naman ako ng tindahan para bumili ng toyo! Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigil. Umagos na sila sa pisngi ko, at umiyak ako ng mahina dahil sa takot.



"Sshh, don't cry. They might hear us," he whispered. Lalo tuloy akong naiyak dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. English ba yun? Deadma nalang ako at nanatiling tahimik. Napabuntong-hininga siya ulit. "How am I supposed to escape when I'm stuck with this kid? Ugh!" bulong niya, halatang naiinis. Naiinis din ako kasi wala akong naiintindihan sa sinasabi niya! Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa inis at kabang nararamdaman ko.

Find Me, CEOWhere stories live. Discover now