Chapter 1

24 4 0
                                    





this scene is related to the first book(NEVER BE APART)



Naiwan si Yuki na parang tulala matapos marinig ang hatol para sa mga responsable sa pagkamatay ng tatay niya. Napayuko ako, pilit pinipigilan ang luha na gustong pumatak dahil sa sobrang awa ko sa best friend ko.



Hindi nakuha ang hustisya para sa mga magulang niya, at hindi ko mapigilan na makaramdam ng matinding lungkot. Pinaghirapan namin lahat na makuha ang mga ebidensya, pero kulang pa rin.



Tahimik lang kami sa biyahe pauwi, para kaming nagluluksa ulit—una nung namatay ang tatay ni Yuki, at ngayon, sa pagkatalo sa korte.



Pagdating ko sa bahay ni Yuki, bigla na lang tumunog ang phone ko. Mabilis akong nagpaalam kay Haruki at lumayo saglit para sagutin ang tawag ni Mama.



"Hello, Ma?"



"Anak, pwede ka bang umuwi sandali?" Malungkot ang boses ni Mama kaya napakunot ang noo ko.



"Bakit, Ma?"



"Pakiusap, umuwi ka muna ngayon," halos nagmamakaawa ang tono niya. Sasagot na sana ako nang bigla niyang binaba ang tawag. Nakatitig lang ako sa phone ko, litong-lito, pero agad akong bumalik sa loob para samahan si Yuki.



Pagpasok ko, nanlaki ang mata ko. Magulo ang buong kwarto, parang dinaanan ng bagyo. Kalat-kalat lahat ng gamit, mukhang may naghalughog.



Mabilis akong lumapit kay Yuki para yakapin siya habang patuloy siyang umiiyak, tulala sa kawalan. Sobrang sakit na makita kung ano ang pinagdadaanan ng kaibigan ko, at pakiramdam ko, malapit na rin akong bumigay.



Yung pinakamahalagang ebidensya ni Yuki laban kay Mr. Santos, nawawala, at wala kaming ideya kung sino ang kumuha. Hindi na kami makapag-isip nang maayos dahil sa sobrang sakit at pagod.



Naghintay ako na makabawi si Yuki bago ako magpaalam. Being an only child, ako lagi ang unang tinatawagan kapag may problema sa pamilya. Ngayon, kinakabahan ako, nararamdaman kong hindi maganda ang balitang uuwian ko.



Nang makita ko ang tamang oras para magpaalam, tahimik akong lumapit sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa kawalan, namumugto at namumula ang mga mata. Pinipigilan kong umiyak ulit. Yung dalawang tao na nandun din sa kwarto, nakamasid sa amin, parang binabantayan bawat galaw namin.

Find Me, CEOWhere stories live. Discover now