Isabella's POV
[Insert "What hurts the most" song by Rascal Flatts]
https://youtu.be/LcM9ElA1VHkPlay niyo na lang ang vid sa taas : )
Feel the moment everybody ^_^
Hindi ko alam kung saan na ako napadpad. Nang maka alis na ako sa hotel ay naalala kong wala pala akong dalang pera. Ang tanga lang diba? Hahaha [insert sarcastic tone]..Siguro ng umulan ng katangahan nasalo ko lahat. Anong magagawa ko, maybe I'm born to be stupid. Nakakainis bwes*t!! Sabi ko habang walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko. Pinagpatuloy ko ang paglalakad kahit hindi ko alam kung saan ako tutungo. Hapon na ngayon at ang dilim ng kalangitan. Tila nakikisabay ito sa hinagpis na nararamdaman ko ngayon.
Mabuti pa ang langit nagpapakita ng simpatya kahit papano. *Sigh* Nang makakita ako ng park ay agad akong nagpunta doon at umupo sa duyan. Hindi masyadong matao ang lugar na ito kung kaya't mailalabas ko lahat ng sakit na nadarama ko ngayon. Siguro'y walang masyadong tao dahil parang uulan yata. Napaisip tuloy ako...kung hindi ako pumayag sa alok ni Manang Olivia, mangyayari kaya sakin ito?
Kung buhay pa sana si Inay ay hindi nangyari sakin ito. Nagkamali ako at alam kong wala na akong magagawa pa dahil nangyari na. Tao lang naman ako at nagiging tanga minsan. Ngunit ang katangahang ginawa ko ngayon ay hindi basta basta. Sinuway ko ang isa sa mga mahahalagang payo sakin ni inay. "Patawad po nay."Sabi ko at tumingin sa kalangitan.
Walang tigil sa pag daloy ang mga luha ko sa aking pisnge habang kumakawala ang malalakas kong hikbi. Sabi ni Inay na ang pagkababae ko ay ibigay ko lang dapat sa lalaking mahal at papakasalan ko pero anong ginawa ko? Hinayaan ko lang si Sir Elijah na kunin ito ng ganoon lang kadali *gulp*. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa napansin kong madilim na ang paligid at tanging mga dim lights at street lights na lang ang nagbibigay liwanag sa park.
Pagkaraay bumuhos ang malakas na ulan. Tuwing umuulan ay gumagaan ang pakiramdam ko. Tuwing naririnig ko kasi ang ritmo at awit nito'y pakiramdam ko natatangay lahat ng pag aalinlangan ko kaya gustong gusto ko talaga kapag tag-ulan. Hindi ako umalis sa duyan habang pinapakiramdaman ang pag patak ng ulan saking balat. Ako na lang ang taong natira sa park at hindi ko alintana iyon. Hindi ko na alam kung paano makakabalik sa Hotel. I'm Lost but I don't care. Wala namang maghahanap sakin at alam ko iyon.
Si tatay lang yata ang hahanap sakin kapag nawala ako at syempre si Penpen. Nang maisip ko si tatay ay biglang lumakas ang loob ko at naalala kong kailangan kong lumaban. Hindi porket nawala ang pagkabirhen ko ay dito na titigil ang mundo ko. Hindi naman basihan ito upang maging mabuting tao tayo. Tama, kailangan kong bumalik at magkunwaring wala lang iyong nakita ko. Tama iyan Issay. Wala lang iyon, dapat kalimutan ko na lang lahat.
"Aaaachhuuuu!!"
Bumahing na ako dahil sa sobrang lamig na nararamdaman ko ngayon. Maglalakad na sana ako ngunit nadulas ako at tumama ang tuhod ko sa bato.
"Aray!!" Daing ko sa sobrang sakit. Nasugatan ang tuhod ko at dumugo ito. Naka dress kasi ako na kulay pink ngayon na ibingay sakin ni Penpen noong nakaraang kaarawan ko kung kaya't walang proteksiyon ang tuhod ko ng tumama sa bato. Paano na ako babalik sa Hotel? Isa na yata ako sa pinakatangang tao sa mundo. Argghhh.. Nakaka inis bwesit!
YOU ARE READING
The Personal Maid [Completed]✓
DragosteCOMPLETED IN DREAME. R18+ [Mature Content] Elijah Levi Carter is a famous actor but also known as the "Handsome F-Boy." Most of the girls' dream in their town is to spend a night alone with him. Isabella Cortez, an innocent poor girl who accepted t...