01

219 33 139
                                    

01


Hayden


"Bumalik na lang kaya tayo?" nakangusong saad ko habang nagma-martsa sa maputik na daan sa gitna nitong masukal na gubat.


Hinawi ko ang ilang matatalas at makating damo na pilit yumayakap sa mga binti ko gamit ang stick na hawak ko sa kaliwang kamay.


Ash snorted. "Dude, ipagpa-bukas na lang natin 'to, masyado ng madilim." saglit niyang itinaas ang sapatos at pinipilit alisin ang putik na kumakapit dito.


"Don't tell me you're afraid of the dark?" nanunuyang sambit ni Dria na bahagyang nangunguna sa paglalakad na halos kasabay na si Blade.


"Dalhin kita sa dilim ngayon at makikita natin." balik ni Ash.


Kahit ang sulo at ang malamlam na liwanag na binibigay ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin ay kitang kita ko pa rin ang nanunuksong ngiti ni Abo.


Nagsisilbing musika sa aming pandinig ang tunog ng mga kulisap, ang huni at pagaspas ng mga ibon at ang mismong katahimikan ng gubat. But the perfect usual rhythm was ruined by the voices of two madmen arguing for some nonsense thing.


"'Yung sapatos ko nagdudusa sa maputik na daanan samantalang pasarap lang sa buhay yung malanding Luther na 'yon kasama ang mga babae niya." rinig kong reklamo na naman ng Abo.


I really wonder if he even gets tired blabbering nonsense.


"Sino ba kasing may sabing suotin mo 'yang bago mong sapatos? Anong akala mo sa gagawin natin, paparada sa bayan?" maanghang na usal ni Dria.


Napabuntong hininga na lamang ako dahil kahit takpan ko ang mga tainga ko ay rinig na rinig ko pa rin sila.


Ilang hakbang pa at kusang tumigil ang mga paa ko nang marinig ang kaluskos na palapit nang palapit sa amin. Pinikit ko ang mga mata ko upang mas mapakiramdamang mabuti ang paligid. Lalong dumarami ang mga kaluskos at nagmumula ito sa iba't-ibang parte na tila pinapalibutan kami.


Huminto na rin ang yabag ng paa ng mga kasama ko kaya't alam kong nakaramdam na rin sila.


As I've expected, bahagyang nakataas na ang kamay ni Blade nang magmulat ako, a sign that we just need to stop a bit but not to retreat.


"Marami sila at napapalibutan na tayo, anong gagawin natin Blade?" tanong ko nang palakas na ng palakas ang kaluskos na naririnig ko.


"Their shadows were continuously moving." lumipat ang tingin ko kay Cal nang sa wakas ay nagsalita na rin.


"Kasama ka pala namin, dude?" napailing na lang ako nang hindi siya binigyang pansin ni Cal.


"Maka-eksena lang talaga ang abo," anang ni Dria. Kahit saan talaga abutan itong dalawa.

FIDUCIAWhere stories live. Discover now