02

139 26 52
                                    

02


Cara


How could I slip away from my past when it haunts me like a nightmare...awake or not?


Agad sumilay ang ngiti sa labi ko nang may dumapong isang alitaptap sa nakalahad kong palad. The lightning bugs gather when I sing. Kaya naman sa taas ng puno kung nasaan ang tirahan ko, gabi-gabi ko silang kinakantahan kapalit ng liwanag nilang dala sa akin.


"'Cause everything is never as it seems..." I sang the last lyric of the only song I know.


Surrounded by fireflies makes me at ease. Lagi ko silang kasama sa mga gabing hindi ko kaya matulog. Ang mga ito ang nagbibigay buhay sa pinakamadilim na gubat sa Cresthial.


Ngunit ang kaninang kalmado ay nabahiran ng kakaibang pakiramdam. Nagwawala ang mga dahon at mas tuminis pa ang huni ng mga kulisap...


Ang babala ng kagubatan.


Inilibot ko ang aking paningin at mas tinalasan pa pangdama hanggang mamataan ko sila.


"Labas." babala ko sa mga nilalang na nagkukubli sa anino ng isang puno habang nagmamasid.


Agad na kumati ang kamay ko nang walang makuhang sagot. Kaya't inabot ko ang pana sa gilid at walang pag-aalinlangang nagbitaw ng palaso sa kanilang direksyon.


To my surprise, a hand caught it, with ease. A man slowly reveals himself from the shadow. Sinundan ito ng dalawang babae at dalawang lalaki.


They look extravagant. Halatang galing sa mga nakaka-angat sa lipunan. So what do these privileged people need in the darkest forest of Cresthial?


"Umalis na kayo." Inunahan ko na agad sila. Wala silang makukuha sa lugar na ito at gayon din sa akin. Nagsasayang lang sila ng panahon.


"Be one of us," ani ng lalaking nakasalo ng palaso ko. It sounds like he's open for negotiation but I couldn't care less.


He's straightforward and I hate it.


"Not gonna happen. Alis!" pagtataboy ko sa kanila, medyo nananantsya dahil hawak niya ang isa sa mga palaso ko.


I can't afford to lose it, not to someone like him. Nagpalitan sila ng tingin, nag-uusap ng palihim. Nanatiling walang imik ang iba hanggang sa may isang hindi na nakatiis. The ash gray haired guy steps forward.


"We can offer anything. Kung sasama ka pabalik sa amin, he can even build a castle for you," aniya at itinuro ang lalaking may hawak ng palaso ko.


Bullsh*t! Who wants s a f*cking castle? Pinag-iinit talaga nila ang ulo ko.


"Anything. Just come with me." dagdag pa ng sa tingin ko ay leader nila. Kung hindi lang nito hawak ang palaso ko ay hindi ko na hahayaang makapagsalita pa siya.


Umawang ang labi ko sa mga narinig. What on Cresthial is wrong with these people?! Sarkasitkong humalakhak ako habang pinapasadahan sila ng tingin. The two were confidently looking up on me. Samantalang malamlam naman ang paningin ng isang babae at halos magsabay sa pag-iling ang dalawa sa sinabi ng mga kasama nila.


"Hah! Just how much courage did it take to get as far as this place. Alam n'yo ba kung gaano na kayo kalayo sa kabihasnan?"


Isinabit ko ang pana sa likod ko at umangat mula sa pagkakaupo sa maliit na sanga ng puno. I stood up and balanced myself to reach the end of it.


Nang makarating sa dulo ay agad kong hinagilap at ipinulupot ang kamay sa baging na nasa harap ko. Mahigpit akong kumapit dito bago dalawang beses hilahin. It automatically moves to pull me down.


"Masyado kayong hibang. Sa mga sinasabi n'yo...you were giving me reasons to keep you from leaving this forest alive." sabi ko nang makalapag na sa lupa.


Magsasalita pa sana ang lalaking kulay abo ang buhok nang pigilan ito ng isang babaeng kasama nila. Samantalang ang babaeng kasing puti ng nyebe ang balat ay humakbang pasulong.


"Hi, I'm Hayden! I apologize on behalf of my fellows. Hindi kami narito upang manggulo. We were sent to invite you to our academy," malumanay na paghingi niya ng tawad.


"And I declined the invitation. Ayos na? P'wede na ba kayong umalis?" nagtitimpi kong tanong.


"Just to make it clear, it's from THE prestigious Morrigan Academy." diin ng babaeng may asul na highlights ang buhok.


Agad umangat ang kanang kilay ko sa narinig. Years passed, nakakagulat na buhay pa siya. Ngunit sa tagal ng panahong lumipas, bakit ngayon niya ako dinadala sa akademya niya. He even named his disgusting academy after my mother's name. How shameless!


Sigurado ako na ngayon ay kailangan niya ako kaya niya ako pinababalik.


"From Morrigan—"


Gusto pang ulitin kaya't mas lalong namuo ang inis ko.


"I heard it, alright! Kahit iyan pa ang pinakaprestihiyosong paaralan sa balat ng Cresthial, I don't want to associate myself with any of you."


A laugh without humor came out of me. "Kahit gumuho pa ang akademya n'yo, hinding-hindi n'yo ako madadala roon."


"Hindi mo alam ang sinasabi mo," pagtalima ng lider nila, hawak pa rin ang palaso ko.


"I am completely aware of what I just said and what's going on. Dahil kung ang pagpunta n'yo rito ay utos ng headmaster ng akademya, bumalik na kayo."


Hindi sila umimik. "And one more thing..."


Isa-isa ko silang tiningnan. "Even if your academy crumbles into dust...tell him that I'll never come back."


•••


.xin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FIDUCIAWhere stories live. Discover now