(3)

1 0 0
                                    

"Nasa kotse na lahat ng maleta mo? Wala ka nang naiwan? Wala ka nang ihahabol na dadalhin?"

"Ma, pang-apat na beses mo na akong tinanong nyan", tipid at walang ganang nasabi ko nalang habang inaayos ang sintas ng sapatos ko.

"Sorry sweety. Im just excited!!!!", halata naman ehh walang bakas ng kalungkutan o ano sa mukha ni mama kase sobrang laki ng ngiti nya sa labi , halatang-halata na tuwang-tuwa.

Habang nagbibihis nga ako kanina at naglalabas na ng mga maleta sina manong Dru para ilagay sa kotse, hindi mapakali si mama at di mawala-wala ang matamis nyang ngiti kaya napapaisip ako na... Gusto ba talaga ni mama na pumunta ako sa Kampo Dela Mherced unknown place na yan kung saan man yun para mag-enjoy ako sa bakasyon o talagang pinapalayas na nila ako dito sa bahay kase nahihirapan na silang pakisamahan ako? Ewan ko lang ha.

Total wala naman na akong maayos na damit pamasyal dahil naiempake na lahat kagabi ni mama at nilagay sa maleta ko, wala akong nagawa kundi magsoot ngayon ng mga damit na hindi ko madalas ginagamit. Wala akong nagawa kundi magsoot ng itim na linen short na pinaresan ko ng chambray button-up na may pagkablue ang kulay pero in-open button ko kase nakasleeve-less naman ako ng puti sa loob. Tyaka dinoble fishtail braid pa nya ang buhok ko para mas maayos daw, wala na naman akong nagawa kanina kundi hayaan sya kase alam ko namang hindi nya ako titigilan. Ayokong pinapake-alaman ang buhok ko basta nakalugay lang pero pag si mama ang may gusto wala talaga akong magawa.

"Have a safe trip anak. Enjoy your sweet one month vacation and don't you ever forget to pray before you sleep, that's the most important thing you should do, Ok?", tumango nalang ako sa mga paalala ni mama pagkalabas namin ng bahay at pagkalapit sa kotse na gagamitin para ihatid ako.

Wala na si papa, kaninang kumakain palang kami sya nagpaalam at umaalis ng bahay. Maaga sila sa trabaho kaya si mama lang ngayon ang nandito pero nakabihis din sya kase pumapasok parin sila sa eskwelahan kahit summer. Marami din daw silang ginagawa kahit bakasyon at alam ko din yun.

"Likewise with you and papa, ma tyaka greet Zyn  a 'welcome home' for me when he gets home"

"Of course I will my sweet. Love you Vana", nilapitan at niyakap pa ako ng mahigpit ni mama pagkasabi nun and of course I hug her back with the same tension. As tight as how she makes me feel her love for me with her hug.

"I love you too ma", sinserong sumbat ko bago na nya ako pinakawalan mula sa mahigpit na akap pero pinakatitigan muna ang mukha ko.

"Take care ok. I love you", ulet nya sabay ngiti sakin ng mariin na syang tinanguan ko na naman.

"Opo", tipid na sumbat ko nalang sabay tango-tango at ngiti ng sigurado.

"Manong ingat sa pagmamaneho ha. Ikaw nang bahala dito sa prinsesa natin", bilin pa ni mama pagkatingin kay kuya Chor ang matagal na naming pinagkakatiwalaan na driver at tinuring na din naming pamilya.

"Walang problema ma'am", magalang at paniniguradong agad na sumbat naman ni manong.

Napahingang malalim nalang ako pagkasakay na ng tuluyan sa kotse at sumunod naman si manong na pumasok at pumwesto sa driver's seat. Pagka-andar palang ni kuya Chor sa makina ng sasakyan ay napapahingang malalim ulet ako at tumitig sa mukha ni mama na nasa labas ng tinted na binta na ng kotse, nakatingin din sya sakin pero alam kong di na nya ako naaaninag sa sobrang katintedan ng bintana ng kotseng sinakyan namin.

And when the car finally move, I just closed my eyes and rest my back at the backrest of my seat. This is it. I hope one month will be over that fast than I expected. Papunta palang ako pero pabalik na sa bahay ang nililipad ng isipan ko.

Hindi ako mama's girl or even a papa's girl pero namimiss ko na agad silang dalawa, this is the first time na mapapalayo at di ko makakasama ang parents ko ng matagal.

Kampo Dela MhercedWhere stories live. Discover now