"Wieeeee nandito na tayo!!!"
"Hayyyyy!!!! Sarap sa pakiramdam ang makabalik dito!"
"Mm-mm... Namiss ko ang Kampo. Sobra!"
"Home. Sweet. Home"
Sunod-sunod na komento na naririnig ko mula sa mga kasamahan ko dito na nagsisitayuan na pala kahit hindi pa sinabi o inanunsyo ni Ms. Gannet na pwede na kaming lumabas ng bus. They were all excited. I bet all of them already experience being inside that camp kaya ganito nalang ang excitement nila, obvious nga naman sa itsura at mga tono ng boses palang. Am I really the only one here who didn't enter this place yet?
Pagtingin ko sa tabihan kong bintana, sunod-sunod na nagsilabasan ang mga babae at lalake mula sa tatlo hanggang apat na bus na inukupa o sinakyan din nila papunta dito at mukhang mga kasing edad ko lang naman sila, base sa nakikita ko. Napa-awang pa bahagya ang bibig ko dahil sa nakikita. What the hell! Seriously? isang babae almost four to five cases ang dala at iba pa ang mga buhat nilang bagpack ha. What the. Akala ko ako na ang may pinakamaraming dala yun pala parang ako lang ang may pinakamaliit na bagahe. Shacks! Seriously?
"Ok ladies and gentlemen!", naagaw agad ni Ms. Gannet na nasa harapan na pala nakatayo malapit sa pintuan ng bus ang atensyon ko mula sa pagtingin ko sa labas. Her smile never change. Still sweet but now with a mix of excitement.
"Welcome to KAMPO DELA MHERCED!"
"WOOOOHHHHH!!!!", biglaang sigaw ng lahat at palakpakan. Napapamasid nalang ako at nakisabay sa palakpakan nila although I don't really know why are they clapping so hard and loud.
"THANK YOU MISS GANNET!", bigla-bigla pa nilang sabay-sabay na sabi na sobra ang mga ngiti sa labi. Yeah. Seems like ako lang talaga ang baguhan dito. Feeling ko na OFP ako.
"Welcome to Kampo Dela Mherced Vana!", napatingin agad ako kay Ms. French-braided girl na as far as I can remember her name is Torryn, if I am not mistaken. Nakangiti ito ng malapad dahilan para parang mas tumaba ang pisngi nya at sumingkit ang dalawang mata.
"Madalas na tayong magkikita. Sana maging magkakaibigan tayo tyaka sana magkatabi tayo ng cabin pero mas masaya kung sa iisang cabin nalang tayo. Tayong tatlo total pang-apat na tao naman ang isang cabin ehh! Wieeeee!!! Excited na ako!!!", napapakurap nalang ako sa bilis ng pagkakasabi nya ng mga yun sakin at hindi natatanggal ang ngisi nito sa labi.
"Pasensya ka na tarabitab lang talaga to. I mean talkative like that. Hindi mo talaga mapipigilan bunganga nitong si Ryn kahit lagyan mo pa ng packaging tape... Wag mo nalang syang pansinin pagnakukulitan ka na masyo dito", sabat ng pinsan nya na nakatingin narin dito sa gawi ko habang buhat na ang bagpack nya.
Napatingin ako sa kanya pero naagaw din agad nitong Torryn ang atensyon ko dahil sa panguso ng labi nya...... That's.... Cute.
"Hilain ko yang nguso mo dyan, Ryn", yung pag-nguso nauwi sa isang magiliw na ngiti pagkasabi nun messy-bun hair girl sa pinsan nya.
"Nagiging friendly lang naman ako ihh", sumbat naman nito. Napapakudkud nalang ako ng noo habang nakatingin sa dalawang babae sa harapan ko. Are they always like this? But it seems like, this two were very close to each other. Halatang nagbibiruan lang naman sila. What a cousin's relationship. Walang ganyang kaclose samin, well maybe sakin lang kase mailap ako sa mga taong nakapaligid sakin like what mama said a while back.
Nagsimula na silang magsibabaan habang ako heto bumalik ulet sa pagkaka-upo, ako ang nasa pinakahuli at likod na upuan so ako ang huling bababa ng bus. Alangan namang sumingit-singit pa ako dyan eh halata namang sobrang excitement nila di ako makakawala kahit na gusto ko naring bumaba kase puro aircon na ang nalalanghap ng dalawang ilong ko.
YOU ARE READING
Kampo Dela Mherced
Teen FictionVanadey Zeve Kalypso Tuazon is a new camper at Kampo Dela Mherced . She was forced by her parent to attend the summer camp which she was invited and handed personally an invitation from the place and for her to experience how life works outside her...