Lakad, takbo. Tagaktak na ang pawis ko tuloy parin sa ginagawa upang makaabot lang sa papaalis na bus. E pano ba naman pinuyat ako ng bruha kong kaibigan. Hayst, kahit kaylan talaga walang magandang naidulot sa akin ang bruhang yun!
Nakahinga ako ng maluwag ng makasakay na. Ngunit halos hindi na magkamayaw ang mga tao sa loob dahil sa siksikan. Lunes ngayon kaya punuan ang mga sasakyan. Halos sari-saring amoy na ang nalalanghap ko! Jusko naman... Ang aga-aga may pasabog itong si manong na katabi ko. Haynaku makalipat nga!
"Tabi-tabi po" Sambit ko habang naglalakad. Pumwesto ako sa gilid na hindi masyadong masikip. Wala na kasing bakanteng upuan kaya nakatayo nalang ako.
Woshh! Salamat nakahinga rin. Kumuha ako ng notebook sa bag at ipinang-paypay. Halos araw-araw ganto ang sitwasyon ko tuwing papasok sa school. Yung naligo ka para fresh, pero pagkarating sa school daig pa ang nakipagdigmaan dahil sa itsura. Sobrang haggard na at pawisan. Sanaol kasi mayaman di 'ba?
"Aray ko naman kuya! Yung paa ko. Jusko, di yan luya!" Sambit ko sa lalaking nasa unahan ko.
"Sorry Miss." Sambit nito. Namumula na ang mukha nito dahil sa init. Mukhang yayamanin nga e. At in fairness beshh ang gwapo. Pero ekes sya sa'kin dahil tinapakan nya paa ko. Hmp!
Napairap ako. Hindi ko alam kung napansin nya yun.
"Nag-sorry na nga, galit pa. Sungit." Bulong nito na sya namang ikina-init ng buong pagkatao ko. Sya kaya tapakan ng higante tignan natin kung di masakit! Tapus wala pa akong karapatan na magsungit? Aba! Grabe naman.
"Bulong-bulong pa narinig ko naman." Sarcastic kong sabi.
"Tsk."Tugon nito. Aba! Ang yabang di porke gwapo! Kapal nam—"Ayputek!" Napauntog ako sa lalaking nasa unahan ko. E Gsgo kasi biglang huminto ang bus. Kaasar naman! Nagmamadali akong lumabas at walang lingon-lingon. "Miss." Narinig kong may sumigaw pero di kona pinansin dahil sa inis.
Paakyat na ako ng hagdan ng mapansin kong wala na akong hawak na notebook. Gaga nabitawan ko yata! Pakshet naman oh! Malas! Dali-dali akong tumakbo palabas ng school.
"LEANNE SAMONTE!!" Napahinto ako ng marinig ang boses ng bruha kong kaibigan. Kahit kaylan talaga!
Lumingon ako. Kaka-stress!"Bakit ?" Tanong ko at napairap. Panu ba naman kasi palagi nyang isinisigaw ang buong pangalan ko. Halos kilalang-kilala na ako dito sa buong campus!
"San punta?" Tanong nito ng makalapit.
"Sa labas" Maikli kong tugon.
"Ang aga-aga ang haggard mo na, ano ba 'yan beshh! Look oh mukha kanang manang!" Iniharap nya sa'kin ang cellphone nya at totoo nga naman, ang haggard kona sobra!
"Nahulog pa yung notebook ko sa bus." Walang gana kong sambit.
"Owemji!! Antanga mo gurl!" Pabiro nitong sabi.
"Makatanga, grabe?? Kaibigan ba talaga kita?" Frustrated kong tugon.
"Biro lang, ito naman parang others. Anyways, tara punta muna tayong cafeteria, libre ko!" Masigla nitong sabi.
"No, thanks." Pagtanggi ko na nagpabilog sa nga mata nya. Well I guess, hindi nya akalain na tatanggi ako.
"Haluhhh? May sakit ka beh?" Tanong nito at idinikit pa ang likod ng palad nya sa noo ko. Parang sira.
"Gaga wala. Pupunta pa ako sa library, magrereview." Natatawa kong tugon.
"Okays.. Si Papa Owen na nga lang yayayain ko!" She said at agad akong tinalikuran. Aba, bastos!