~4~Rumour~
-
"Ikaw ang lagi kong napapanaginipan..."
Those words keep popping on my mind. Di ko alam kung bakit kahit na ang layo layo ko na sa kanila eh paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang yun.
Hayyss nadidismaya talaga ako- mukhang wala na talaga akong pag-asa kay Erich. Maybe talagang mahal na mahal niya si Jay at wala na akong magagawa dun. Dapat na lang talaga akong sumuko...
Napadpad ako sa 7-11. pagloob ko agad kong nakita ang malaking steamer ng siopao. Napabuntong hininga ako ng maalala ko siya- amppp... Nakakainis kung ba't ko siya naalala, nagcrave tuloy ako ng siopao...
Di ko alam kung anong meron sa akin at napabili ako ng dalawa- cguro sa sobrang pagkagutom na at pagkatuliro ng utak ko dalawa nabili ko.
Pagkatapos kong bumili ay agad akong lumabas at umupo sa isang table. Nakatitig lang ako sa kawalan habang iniisip ko parin yung mga narinig ko kanina na pinag-usapan nila.
Andaming tanong sa utak ko, nalilito ako... sila ba? Bakit laging ako ang kinacome up nitong si Jay? Bakit alam pala ni ate lahat di niya sinabi sa akin? Tas bakit kaya nasasaktan ako- ang sakit ng puso ko- bakit parang may mabigat na pakiramdam dito sa puso ko- ouch teka- ang sakit ha! Isipin ko lang sya na may kasamang iba- lalong-lalo na si Jay- para akong nasasaktan.
"Di naman siguro masamang makiupo."
Nagulat ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun kaya agad akong napatingin sa kanya. Seryoso lang ang titig niya sa akin- walang emosyon pero alam kong sa akin siya nakatitig. Teka- bumilis bigla pintig ng puso ko- pag ganto siya kalapit damit! Hindi ako makahinga ng maluwag... para akong masusuffocate...
"Ano tititigan mo na lang ba ako?" tanong niya
Nagulat naman ako kaya nginitian ko siya agad at tumango. Agad naman siyang umupo sa harap ko. Napatitg lang naman ako sa kanya at nagulat ako ng magtama ang mga mata namin at titigan niya din ako. Napalunok ako at agad na umiwas ng tingin- damn! Di ko kaya na makipagtitigan sa kanya ng matagal- alam kong matatalo ako... hotek na pusong to pag anjan si crush napakasipag tumibok amp!
"Ang tahimik mo ata ngayon" sambit niya at nagulat ako ng ibinigay niya sa akin ang isang tubig na hawak niya.
"Ahhh." Tanging nasabi ko lang at napatitig sa kanya
Damn I'm speechless...
"Hmmm its okay if you don't want to talk about it- dito lang ako sa harap mo." sambit niya at sumubo na din sa siopao na hawak nya
Di ko naman maiwasang mapangiti- di ko din alam kung bakit. Cguro dahil kaharap ko sya ngayon, andito siya sa tabi ko tas sabay mo pa yung mga nararamdaman ko.
"Uhmmm." panimula ko
Ayaw ko naman na tumahimik lang- feeling ko ang akward eh tas walang patutunguhan yung kwento. "Pede magtanong?"
"Nagtatanong ka na Damien." sagot niya
Nagulat naman ako ng tinawag niya ako ng ganun- damn nakakapagpalambot ng puso.... Sarap pa lang marinig yung pangalan ko sa mismong bibig ni crush...
"Oh... may mali ba sa nasabi ko?" tanong naman niya
Umiling naman ako agad, "W-wala"
"Ano yung tanong mo?" tanong niya
Humugot naman ako ng hininga at hinanda ang sarili ko sa tanong ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
COLD (ONGOING)
Romance(UPDATE ONCE A WEEK) Ako ang pinakagwapong si Damien Lorenzo na hanggang ngayon hindi pa nagkakaroon ng jowa, at alam nyo nakakainis kung bakit yung babaeng gusto ko eh ayaw sa akin... Panget ba ako? kapalit-palit ba ako? then why- teka nang-aagaw n...