30

157 5 2
                                    

"Kilala nyo sya?" takang tanong ko sa mag pinsan.

"Oo naman kapatid ko yan, papano mo sya na kilala Hips?" wika sakin ni Athena.

"Kapitbahay ko yan" sagot ko sa kanya.

Tumingin lang samin si Andrew halatang hindi nya inaasahan na may mga kasama ako.
"Alis na ako may kasama ka naman pala"  wika nito bago tuluyang umalis.

Nagtataka naman akong tumingin kay Athena habang sya naman ay tinaasan ako ng kilay.
"Dyan lang pala sya lumipat akala naman namin ni mommy sa malayo ng lugar" natatawa ng sabi ni Athena.

Hindi ako makapaniwala na mag kapatid sila dahil mabait naman si Athena samantalang napakasungit naman ni Andrew.
Pagsikat palang ng araw ay umalis na silang tatlo at naiwan naman sakin ang mga hugasin na pinagkainan namin. Okay lang Libre naman pagkain na dinala nila. Matapos kong maghugas ng plato ay naglinis naman ako ng bahay. Inipon ko lahat ng basura ko at inilabas ko. Inabutan ko sa labas si Andrew na naglabas din ng basura nya.

"Hoy di mo naman sinabi sakin na kapatid mo pala si Athena" wika ko sa kanya ng makalapit ako.
"Nagtanong ka ba?" masungit na sagot nya.

Pumasok na sya sa gate ng bahay nya at sumunod ako sa kanya. Sinamaan nya ako ng tingin ng makita ng kasunod nya ako.

"Labas" utos nya.

"Damot mo ikaw nga napasok din sa apartment ko" sagot ko sa kanya.

"Tss"

Di na lang nya ako pinansin at pumasok na sya sa loob ng bahay nya habang ako naman ay sunod lang ng sunod sa kanya. Malaki ang bahay nya pero wala pang mga gamit mukhang kakalipat nga lang nya.
Pumasok sya sa kusina at kumuha ng tubig sa refrigerator at nagsalin sa baso nya. Sana all may rape este ref.

Matapos nyang inumin ang tubig ay Nagsalin syang muli, akala ko ay iinumin nya pero inabot nya sakin ang baso. Tinanggap ko ito at ininom. Matapos kong uminom ay napansin kong nakangisi sya.

"May lason siguro yon!" Bintang ko sa kanya.
"Are you crazy?"
"Eh bakit ka nakangisi dyan?"
"Kung may lason yon ako ang unang mamamatay dahil ako ang unang uminom"

Oo nga no? pero bakit sya nakangisi kanina? baliw na siguro yon. Lumabas na sya ng kusina at sumunod na naman ako sa kanya. Pumasok sya sa kwarto nya at pumasok din ako, napailing nalang sya sa pag sunod sunod ko.

Lumapit sya sa isang pinto at muli akong sumunod pero agad syang lumingon sakin at pinagtaaasan ako ng  kilay.

"Susunod kapa rin?"  tanong nya.

"Bakit may tinatago ka  ba dyan?"

"Maliligo ako, sasama ka ba?"

Napatalikod naman ako sa kanya at narinig ko ang mahinang pagtawa nya bago pumasok sa banyo.

Umupo ako sa kama nya bago nilibot ang paningin ko sa kwarto nya. Wala din itong masyadong gamit. Humiga ako sa kama nya bago kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Tinext ko ang pinakamamahal kong si Lenon.

'hi mahal goodmorning eat na you or eat kita jejeje' 

Natatawa naman ako habang sinend ko iyon. Sana yong pangalawa ang piliin nya. Habang abala ako pagtetext ay lumabas na si Andrew sa banyo kaya naman napalingon ako sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng makita ng tanging towel lang ang suot nya.

Yummy six pack abs ang lolo mo!

Miss HiponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon