KRIS POV"Krista anak halika muna rito at ng makapagpahinga ka, ang init na ng sikat ng araw. Dito muna tayo sa lilim ng punong kahoy, o hito oh uminom ka muna ng tubig para hindi ka matuyuan." Tawag sa akin ni Nanay Nita sabay abot sa akin ng bote ng tubig habang nagwawalis kami sa mga daan at iskinita at kung saan saan pa.
Dahil isa kaming street sweeper, at ito ang trabaho namin ni Nanay dito sa Davao. Oo, dito ako napadpad ng araw na umalis ako ng Manila. Mahigit tatlong taon na rin akong naninirahan dito, sa awa naman ng diyos ay nakaraos naman ako sa tulong nila Nanay. Tinulungan ako ni nanay noon ng makita akong nakaupo sa may seawall at nahimatay. Isang street sweeper si Nanay Nita, that time ay hindi ko pa alam kung saan ako pupunta.
Kakababa ko pa lang ng bus na sinakyan ko, tatlong araw din ang naging biyahi namin. Basta na lang kasi ako sumakay sa bus ng hindi ko alam kung saan ang tungo, basta ang gusto ko lang ng araw na iyon ay makaalis at makalayo na, that time lutang pa ang isip ko.
Isinama na ako ni Nanay Nita sa kanila pag uwi niya. Mabait naman si Nanay Nita at ang tatlo nitong mga anak. Dalawang anak na babae at isang anak na lalaki si Alezandrinni 10 years old. Si Aura ay 17 at si Allyza naman ay 19.
Byuda na si Nanay Nita kaya mag-isa nalang nitong binubuhay ang tatlong mga anak sa pamamagitan ng pagiging street sweeper nito at lahat nag-aaral pa.
Kaya upang makatulong man lang ako sa kanila at pumasok na rin ako kasama ni Nanay. Noong Una ayaw niya pa sana akong payagan pero kalaunan ay pumayag na rin si nanay. Isang taon mahigit na rin akong sumasama kay Nanay sa pagwawalis.
Nakakapagod man ang trabahong pinili ko, pero masaya naman ako. Dahil kung si Nanay nga na medyo may edad na kaya, kaya't kaya ko rin. Taliwas man sa trabahong nakasanayan ko sa Maynila ay ok lang.
Kung sa Maynila nasa loob ako ng isang malamig na opisina nakaupo, ngayon nasa ilalim ng sikat at init ng araw nakatayo at nagwawalis. Masaya na rin ako dahil sa hindi na ako itinuring na iba nila nanay at talagang tinuring na nila akong kapamilya.
Wala na nga pala akong kamag-anak, I mean kilalang kamag-anakan. Mag-isa na lang ako, Ang nag-iisa kong kamag-anak ang twin sister kong si Ate Kristina namatay na rin eight years ago na. Pero mas nauna ang tiya namin na nag-alaga sa amin ng ate Tina ko dahil sa sakit sa puso. Si Ate Tina naman namatay dahil sa aksidente, na hit and run ito at dead on the spot. Kaya naman itinuturing ko na silang pamilya ko. Ganon din sila sa akin.
Bago ako umalis, inilabas ko lahat ng laman ng ATM ko, medyo malaki laki din iyon. At idiniposito ko sa isa ko pang account sa ibang banko. Para hindi ako matrace kung sakali mang hanapin ako ng mga kaibigan ko, sina Shakeera at Marie. Ang mga matatalik kong kaibigan at ni Miguel, pero hindi ko na inaasahan pa ang huli na gagawin iyon., kahit na masakit, iniwan ko lahat sa pag-alis ko.
Mahahalagang gamit lang ang dala ko, cellphone ko iniwan ko, kahit na ang laptop ko ay hindi ko rin dinala. Lahat ng social media accounts ko dinelete ko, at talagang sinadya ko lahat ng iyon at hindi na rin ako nagbubukas o gumawa pa ng bago.
Dahil gusto kong magsimula ng panibagong chapter ng buhay ko na taliwas sa dati at upang makalimot. Hindi ko maiwasang malungkot minsan sa tuwing naaalala ko sila, they know nothing sa mga pinagdadaanan ko. Sa kamay ni Miguel. Because they also know nothing between me and Miguel. But I'm glad, dahil naka survived naman ako kahit papaano. At masaya na ako ngayon.
"Sige po Nay, salamat po. Kayo po?" Sabi ko kay nanay ng makalapit ako sa kanya.
"Tapos na ako anak, ang mabuti pa kaya ay kumain na tayo ng tanghalian baka nagugutom kana." May pag-aaalalang sabi sa akin ni nanay. Tila naman may humaplos na mainit na kamay sa puso ko sa sinabing iyon ni Nanay sa akin. Ganito lagi si Nanay sa akin, sa amin ng mga anak niya. Maalalahanin at maalaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/248144730-288-k338075.jpg)
YOU ARE READING
Miss Clerk Of My Life, KRIS
DragosteA story of Miguel and Kris, paano mo tatangapin na ang nag-iisang lalaking tinatangi at sinasamba mo ay kinamumuhian at kinasusuklaman ka tagos hangang boto? Dahil sa isang kasalanan na hindi naman ikaw ang may gawa? This story refers to Kris one of...